Never Say Never

60 6 2
                                    

That night, umiyak ako nang umiyak sa kwarto ko. Ewan ko ba, pero tila sinali ko na rin sa pag-iyak na yon ang lahat ng hinanakit ko over the past few months. Di naman kasi ako iyakin. Malakas akong tao at kung iiyak man ako ay talagang linulubos-lubos ko na.

Iniyakan ko si Mr. Maxwell. Iniyakan ko ang nangyari sa amin nung apat. Iniyakan ko ang pagsampal ko kay Chris. Iniyakan ko ang mga kamalasang nangyari sa buhay ko bago ko maging amo yong apat. Iniyakan ko ang naging buhay ko. Iniyakan ko ang mga taong alam kong nagmamalasakit lamang sa akin. At higit sa lahat, iniyakan ko ang pagkawala ng sarili kong mga magulang kahit ang tagal na simula nang iwan nila ako sa mundong ito nang nag-iisa.

"Ma, pa, sobrang unfair niyo talaga!" naisigaw ko dun sa unan na yakap-yakap ko. Humahagulhol parin ako sa pag-iyak. "Ba't niyo ba kasi ako iniwan agad?! Kahit ilang beses kong isipin ang lagi niyong sinasabi sa akin, di ko parin maiwasang magtampo sa inyo! Oo, everything happens for a reason pero naman kasi...! Ang hirap nang wala kayo."

That night, kung anu-anong kadramahan ang napasok sa isip ko. Palibhasa, may period kasi ako. Kaya baka yon ang salarin. Ranging hormones ba. Hay naku! Sinisi ko pa talaga sa period ko no?

Maaga pa nang makatulog ako nang gabing yon. Di ko na pinoblema kung puros namamaga itong mga mata ko pagkagising ko bukas.

"Holding on to anger is like drinking poison and expecting the other person to die. By Buddha."

"You say that you love the rain, but you open your umbrella when it rains. You say that you love the sun, but you find a shadow spot when the sun shines. You say that you love the wind, but you close your windows when the wind blows. That is why I'm afraid; you say that you love me too. Unknown."

Huh? Ano yon? Nananaginip ba ako? At anong klaseng panaginip to? Audio-dream? Puros boses lang ang meron?

Pero nang idinilat ko ang mga mata ko, halos mapasigaw ako nang nasa tabi ko lang si Patrick habang nakaupo ito sa sahig sa tabi ng kama. May hawak-hawak itong libro sa isang kamay.

"You're awake," pambungad nito sa akin nang di man lang kumukurap.

Teka, ba't siya nandito?! Anong oras na ba? And more importantly, paano siya nakapasok since I made sure na nakakandado ang pinto ko kanina?

"Patrick? Ano...anong ginagawa mo rito?"

"The three idiots won't leave my room. They're very annoying so I came here," napakacasual nitong sagot na parang inaaraw-araw niyang ginagawang lungga itong kwarto ko.

Wow. Ganda ng paliwanag niya ah? Sa dami-dami ng kwartong pupwede niyang pasukan dito pa talaga? Sa may kwarto nang may kwarto?

Nabasa niya ata ang expression sa mukha ko at binalikan naman niya ako ng tingin. "I'm serious," pagdidiin pa niya.

"Eh ba't dito pa?" panghahamon ko.

"Because I want to. You've got a problem with that?" Tinaasan niya lang ako ng kilay pero di ako natinag.

"Di ba uso sa sayo ang salitang 'privacy'? And for one thing, natutulog ako. Ang creepy kaya ng ginawa mo," pangangatwiran ko naman. "Sabihin mo na kasi ang totoo."

"I already told you the truth. What else do you want me to say?"

"Yong totoo nga. Kasi alam ko namang di ka pupunta nang basta-basta sa kwarto ko kung wala kang matinong dahilan. Diba matalino ka? At alam ko na ang matatalinong tao, lahat ng bagay na ginagawa nila, pinag-iisipan," sabi ko pa habang nagbabakasakaling umepekto ang ganoong strategy sa kanya. Ang hirap kasing basahin nitong si Patrick. Di siya katulad dun sa tatlo na parang mga cellphone na walang passwords man lang. Ang dali-daling buksan at basahin.

Suddenly, I'm CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon