Awkward...

57 7 3
                                        

"So...how are you guys? Ilang months narin simula nang huli tayong nagkita, and as your father, I apologize for that," marahang sambit ni Mr. Maxwell. "Ikaw Odolfo, nagkagirlfriend ka na ba?"

Tumaas ang kilay ni Patrick nang humarap sa kanya si Mr. Maxwell at tinuro ang sarili. "Me? I'm not Oliver," nalilito nitong sagot. "I'm Patrick."

"Ah...o...oo," parang natatawa pang sabi ni Mr. Maxwell sa sarili. "I was just joking. Ikaw naman, di ka naman mabiro Patricio o! Nakasimangot ka parin lagi. Hay."

Nasa dining room pala kami ngayon at kumakain ng dinner. Si Mr. Maxwell na ang naghanda ng lahat ng pagkain at sobrang sarap niyang magluto. Mukhang napakabait naman ni Mr. Maxwell kaya di ko magets kung bakit parang tense na tense yong apat pati na si Leo around him. Yon tuloy, tense na rin ako.

Bumuntong hininga si Mr. Maxwell at nang tignan ko siya, nginitian niya ako. "Ikaw Rose, how are you? Kamusta na kayo ni Jeremy?"

Halos mabilaukan ako sa tinanong ni Mr. Maxwell. Nakita kong namutla yong apat pati narin si Leo. Nakatingin silang lahat sa akin. Sobrang ninerbiyos ako.

"Uh..." Sino ba si Jeremy? "We...we're okay naman...dad," nauutal kong sagot. Mabuti na ang ganoon at para safe.

"Is that so? That's good to hear," ani naman ni Mr. Maxwell.

Tapos nun, wala nang nagsalita. Ang awkward ng atmosphere. Kahit nga tong si Oliver na saksakan ng kadaldalan kanina pa di umiimik. Nag-aattempt naman ng conversation ang dad nila sa apat pero puros ang titipid ng kanilang mga sagot. Parang naaawa na nga ako dun kay Mr. Maxwell kasi kararating lang niya e wala man lang nagtatanong sa kanilang apat kung kamusta siya o ano.

Nang di ko na kaya, ako na ang nagsalita. "D-dad? Kamusta naging byahe niyo? Did you have a rough trip?"

Biglang lumiwanag ang mukha ni Mr. Maxwell at binigyan ako nito nang napakalapad na ngiti. Yong natitirang lima naman, kung makatingin sakin aakalain niyong tinubuan ako ng sungay. I just shot them a look.

"Actually yes, I did have a rough trip now that you asked. Nagkaroon ng aberya sa plane na sinasakyan ko because of the weather pero sa awa ng Diyos, I'm here with all of you."

"Huh. Sana nga nadisgrasya nalang yong plane eh," mahinang bulong ni Chris pero rinig ko naman ito. Di ko naiwasang masaktan para kay Mr. Maxwell dahil walang dudang narinig niya rin ito sa pagbabago ng expression sa kanyang mukha.

Ano ba kasi ang problema nung apat sa dad nila? Wala naman itong ginagawang masama ah!

"Chris..." malamig na sambit ni Leo. "Respect your dad."

"Respect, my face." Nagulat nalang talaga ako nang tumayo sa kinauupuan nito si Chris. Nakita kong nakakuyom ang dalawa nitong kamay. "Bakit ka pa ba kasi bumalik dito? It would've been better if you were gone for good sa buhay naming lima. You're not welcome here."

With that, tahimik na umalis si Chris sa dining area. Nakakabingi ang katahimikang sumunod sa nangyari. Di ko maiwasang makaramdam ng inis kay Chris dahil sa inakto at sinabi niya. Mukhang binuhusan naman ng malamig na tubig si Mr. Maxwell based on his dumbfounded expression. I expected him to get mad kasi sino namang di magagalit doon sa sinabi ni Chris diba?

Pero dun ako nagkamali.

Ngumiti lang ulit si Mr. Maxwell na parang walang nangyari kahit halatang pilit lang ito. Wala sa natitirang tatlo ang makatingin sa kanya. Kitang-kita ko na nasasaktan si Mr. Maxwell pero ano namang magagawa ko? Di ko naman maintindihan ang nangyayari eh.

"I'm full. I'm going to bed. Excuse me," robotic na sabi ni Patrick sabay walk-out. Ilang saglit pa, sumunod na si Stuart. Nang tinignan ko siya binulungan niya lang ako ng 'sorry' at umalis din kaagad.

Suddenly, I'm CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon