Kiss Me Under the Pouring Rain

62 5 3
                                    

Nang gabing iyon, habang natutulog si Oliver sa kwarto niya suot-suot ang paborito nitong spongebob boxers at habang inaatake ng isang army ng mga langgam ang bedside table niya dahil sa iniwan niyang candy dito, ay nanaginip siya.

Sa kanyang panaginip, five years old ulit siya at naglalaro sa playground ng preschool nilang magkakapatid. Umuulan noon at siya lang ang naglalaro sa playground dahil sa lakas ng ulan. Ang arte-arte kasi ng mga kapatid nito kaya ayaw lumabas at nasa loob lang ng classroom at naglalaro ng snakes and ladders.

Isang bagay na dapat niyong malaman nung mga bata pa yong apat: di sila mababait noon. Kilala silang apat sa pagiging pasaway at sa paggawa ng kung anu-anong gulo. Mahirap silang pasunurin dahil matitigas ang kanilang mga ulo maging si Stuart. Sa sumunod na mga taon na sila tumino noong medyo nagkaka-edad na sila at di na sila masyadong nabibisita ng dad nila.

Naglalaro noon sa basang swing si Oliver sa ilalim ng ulan. Kanina pa siya sinusuway ng mga teachers at yaya niya pero di siya maawat. Alam ng mga teachers na anak ng makapangyarihang tao si Oliver at kung magsumbong ang bata ay baka matanggal sila sa trabaho o baka may mangyari sa kanilang masama. Kaya ang nangyari, hinayaan nalang nila sa huli ang makulit na si Oliver doon sa playground.

"Hey Oli, nag-iisa ka lang?"

Tumigil si Oliver sa swing niya at tinignan kung sino ang nagsalita. Umasim agad ang expression nito sa mukha. Sina Jack at ang mga alipores kasi nito ang dumating. Magclassmate sila since nursery pero ni minsan di niya naisipang maging kaibigan si Jack o ang mga alipores nito. Matataba kasi silang lahat at walang-wala ang kapogian kung ikukumpara sa Maxwell quadruplets. At kung anong sama ng mga mukha ng grupo ni Jack, ganoon din kasama ang mga ugali nito.

At di lang yan. Galit din si Jack at ang mga alipores nito kay Oliver. Well, sa kanilang apat talaga pero pinakagalit sila kay Oliver.

Di na pinansin ni Oliver si Jack at ang mga alipores nito. Nagpatuloy lang siya sa paglalaro sa swing nang nakatayo. Pero mukhang nag-iba ang hangin ngayong araw at nginitian pa nina Jack at ang mga alipores nito si Oliver. Lumapit ang grupo sa kanya kahit umuulan.

"Gusto mong magpatulak?" pagyayaya ni Jack.

Naweirduhan agad si Oliver kaya tumanggi ito. Baka mamaya, may pinaplanong masama si Jack at ang mga alipores nito. Wala pa man din ang tatlong backup niya. Mabuti na ang nag-iingat.

At dahil sobrang ingat ni Oliver, umalis agad siya sa swing at naglakad palayo dun sa grupo ni Jack. Pero dahil di siya masyadong nag-iingat, natisod siya sa isang bato dun sa playground at nasubsob ang mukha niya sa putik.

Agad na narinig ni Oliver ang pagtawa ng mga alipores ni Jack. Nahiya si Oliver kasi naging lampa siya at ginusto niyang tumakbo paalis sa putikan pero mukhang may mali sa paa niya. Sumasakit ito nang sobra kung sinusubukan niyang tumayo. Ayaw pa man din niyang himingi ng tulong sa mga pangit na iyon.

"Si Oliver lampa! Si Oliver lampa!" pang-aasar nung isang alipores ni Jack na nasa harap na ni Oliver. Binelatan siya nito at bumehlat din naman si Oliver pabalik.

"Lampa, lampa, lampa! Si Oliver lampa..." pakanta at sabay-sabay nang pang-aasar ni Jack at ng mga alipores nito. Gusto nang umiyak ni Oliver kasi nakakahiya siya. Ang dumi-dumi na ng uniform niya at di man lang siya makatayo.

"Sinong inaway niyo diyan?" Nagulat si Oliver nang may magsalita sa likod nina Jack. Noong una, di niya makita kung sino ito pero nang umalis sa harapan nito si Jack, nakita niyang si Kimberly ito ng kabilang section. Ayaw ni Oliver noon kay Kim kasi suplada ito at di siya pinapansin. Marami ring umaaway sa kanya at kasama na roon si Oliver at ang mga kapatid nito.

Suddenly, I'm CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon