Kasalukuyang naglalakad ako palabas ng subdivision nila, dala ang sakit na idinulot sa akin ng Vargax na 'yon. Ang lakas ng loob niyang insultuhin ako, e binuntis nga niya ako.
Ngayon, saan na ako pupunta? Pinalayas na ako ni Mama dahil sa batang dinadala ko. Mamumulubi na lang ba ako?
Napaigtad ako at napaatras sa gulat nang biglang tumigil ang isang magandang sasakyan sa harap ko. Akala ko masasagasaan na ako.
Lumabas ang isang babae mula sa driver's seat at nakangiting lumapit sa akin.
"Hi."
Napakurap-kurap ako. "H-Hello po."
"Ikaw ba 'yong babae galing sa bahay namin?" tanong niya, ang ngiti ay nananatili pa rin sa kanyang labi.
"P-Po? Sa mga Vargax po ba?"
"Yes. Actually, I am Micah Ella Vargax. The wife of Dio Ceto Vargax and the mother of Hedy Zil Vargax. The man who impregnated you."
Hindi ako nakapagsalita sa gulat at napatitig lang sa kanya.
"At nabalitaan kong umalis ka raw ng hindi nagpaalam so I assumed na baka may ginawa ang anak ko na hindi maganda. Kaya sasama ka sa 'kin sa bahay at kakausapin natin siya ng maayos. Pananagutan ka niya."
"Hindi na po," mabilis kong patanggi. Sa totoo lang, masaya ako na mabait pala ang Mama ni Hedy pero hindi ko na kayang bumalik doon. Ayoko nang makita pa si Hedy. Ang masamang lalaking 'yon!
Kahit siya pa ang ama ng anak ko, wala akong pakialam.
"Hindi ako tumatanggap ng hindi, hija. At saka hindi ugali ng mga Vargax ang takbuhan ang mga responsibilidad nila. At responsibilidad ka ni Hedy kaya sasama ka sa 'kin. Tara na." Hinawakan niya ang kamay ko pero binawi ko 'yon.
"Pasensiya na po talaga pero ayoko po. Ayoko na pong makita si Hedy. Sa totoo lang po, hindi po talaga ako sigurado kung si Hedy ba ang ama nitong dinadala. Naisip ko lang po na baka siya ang ama dahil sinabi sa akin ng guard na siya ang kasama kong umalis sa bar two months ago." Nag-init ang gilid ng mata ko ng maalala kung ano ang treatment niya sa akin kanina. "Kaya hindi na po. Hindi ko po ipipilit na sa kaniya ang batang 'to. Salamat na lang po." Mabilis akong tumalikod at nagmamadaling umalis sa harap niya.
Narinig ko pa siyang tinawag ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa. Tuluyan na ngang nalaglag ang luha sa mga mata ko.
Kung sana hindi ako nagpadala sa mga kaibigan ko ng gabing 'yon, sana hindi ako nabuntis ngayon at nagdurusa ng ganito.
Bumagal lang ang paglalakad ko nang makalabas na ako ng subdivision nila. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta ngayon. At kung paano ko pa ipagpapatuloy ang pag-aaral ko ngayon.
Pinalayas ako ni Mama nang wala man lang ibang dala kundi ang sarili ko. Kahit mga damit ko ay wala. Gano'n siya kagalit sa akin.
Wala rin akong ibang mapupuntahang kamag-anak dahil nasa probinsiya silang lahat. Nakakahiya rin sa mga kaibigan ko, lahat sila naghihirap rin.
Kaya nga galit na galit si Mama dahil dahil mahirap na nga kami, nagpabuntis pa ako ng maaga. At sobrang nagsisisi ako pero nandito na 'to. Ayoko naman ipalaglag. Nagkasala na nga ako sa pagpapabuntis ng wala pang kasal, magkakasala pa ba ako lalo sa pagpapalaglag sa bata?
Hindi na kakayanin ng konsensiya ko iyon. At saka anak ko 'to. Kahit 'di 'to planado, anak ko pa rin 'to. Ipinagkatiwala sa akin 'to ng Panginoon kaya iingatan ko 'to.
Palakad-lakad lang ako sa kalsada at walang patutunguhan. Kahit saan ako dalhin ng mga paa ko, roon ako. Ang pera na dala ko ay kasya lang pamasahe papunta sa bahay ng mga Vargax kaya ngayon maglalakad ako.
BINABASA MO ANG
The Paternity Puzzle
RomanceRajna Shamanta Ensulada is a fourth-year college student who planned her life already. Her life is already furnished in her head but because of that one night, everything got messy. Everything changed. Mula sa buhay na planado, lahat naging magulo...