Kabanata 10

2.2K 54 1
                                    



"So hindi mo talaga siya tunay na Mama?"

Umiling ako. "Hindi. Namatay ang totoong Mama ko sa panganganak kay Raja."

"Pero siya ang nag-alaga sa inyo. That means Mama mo pa rin siya."

"Hindi rin. Malaki na ako nang mawala si Mama at Papa. Kaya alam ko na kung paano mamuhay at maghanapbuhay. Todo kayod ako dahil ako lang naman ang nagtatrabaho sa amin dahil si Mama, panay inom."

"Baka nasaktan lang talaga siya sa pagkawala ng Papa mo."

"Alam ko naman 'yon at lahat naman siguro kami nasaktan. Hanggang ngayon nga ay hindi ko pa rin tanggap pero kailangan kong dalhin 'yon sa bawat araw. Hindi ko pwedeng ipakita dahil may mga kapatid ako. Habang siya, ayon. Nagpapakalunod sa alak. At kapag nalasing, kami ang sinasaktan. Kaya hindi ko na siya papalagpasin ngayon. Kinunsinti ko na siya ng ilang taon, tama na 'yon."

Natahimik siya sandali sa sinabi ko. Napaisip naman ako kung sumobra na ba ang sinabi ko. Gano'n kasi talaga ang ugali ko kapag galit, hindi ko namamalayan na sobra na ang mga pinagsasasabi ko.

Pero sumobra man ako o hindi, alam ko naman na mali na nagsasalita ako ng mga masasamang bagay sa likod ni Mama pero ngayon lang 'to. Pwede naman siguro akong sumabog, hindi ba?

Tiniis ko lahat noong nasa puder pa niya ako. Titulo lang na matatawag namin siyang ina pero hindi siya nagpaka-ina sa amin. Wala siyang naiambag. Kahit no'ng buhay pa si Papa, sa bahay lang siya at walang ginagawa.

"I think you need to relax a bit, Raj," nasabi lang ni Hedy pagkatapos ng ilang sandali.

Tumango lang ako. Kapag kasi ibinukas ko ang bibig ko para magsalita, baka ibang bagay na naman ang lumabas.

"About your sister, she's already 18 kaya alam na niya ang ginagawa niya. Maybe she thinks that she'll be better if she's with your stepmom. Just let her in the meantime."

"Paano kapag sinaktan siya?"

"Like what I have said, she's already 18. Not a minor anymore kaya kapag sinaktan siya no'n, alam kong alam na niya ang gagawin. Trust your sister." Ngumiti siya ng maikli. "Magbibihis lang ako at may lakad pa ako."

"Sige."

Tumayo siya at tumalikod para pumunta sa kwarto niya.

Napaisip ako sa sinabi niya. Hahayaan ko na lang ba talaga si Ranna roon? Anong kakainin niya? Walang trabaho si Mama. Lalo na si Ranna dahil nag-aaral pa 'yon.

Kaya nga nagsisisi akong iniwan ko sila noong pinalayas ako ni Mama. Sana pala dinala ko na silang dalawa kahit wala kaming pupuntahan no'n.

Pagkatapos ng ilang sandali ay lumabas na si Hedy. Nakabihis na ng bago at nakakapagtaka na nagsuot siya ng puti ngayon. Puting polo na tinupi hanggang sa siko.

Sa pagkakaalam ko ay kapag aalis siya, lagi siyang naka-suot ng fitted t-shirt na kulay gray. Ngayon ko lang siyang nakitang nag-puti at polo pa.

"Quit staring, Raj. Sige ka, iisipin kong gusto mo na ako."

Mabilis ko siyang nairapan dahil sa sinabi niya. "Asa, Vargax. Nagtataka lang ako sa suot mo. Hindi ka naman mahilig sa puti."

"Since when? I love white, Raj," sagot niya habang inaayos ang relos sa harap ko.

"Malay ko ba. No'ng nasa bahay pa tayo ni Ma'am Micah, kapag aalis ka, lagi kang naka-gray na fitted t-shirt."

"Ah... So lagi ka palang nakatitig sa akin, ha?" Ngumisi siya.

The Paternity PuzzleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon