Kabanata 30

1.9K 58 3
                                    



Hindi ko maiwan si Raja sa bahay mag-isa at ayoko rin siyang gisingin—kawawa naman ang bata. Lagi na lang nadadamay. Kaya pinakiusapan ko si Ilaria na siya muna ang magbantay sa bahay at babalik rin ako. Pumayag naman siya dahil mas importante raw na puntahan ko ang kuya niya. Pero hindi pumayag si Hedy kaya siya ang naiwan sa bahay.

Malalagot talaga sa akin si Heid mamaya.

Dala-dala ang jacket ko, sumakay ako sa kotse ni Ilaria. Nanginginig ang mga kamay ko at kinakabahan ako.

"Ano ba talagang nangyari? Bakit siya nabaril? Nakipag-away ba siya?" Hindi ko siya natanong sa ibang detalye kanina dahil nataranta na ako at gusto na lang umalis para puntahan si Heid.

"He went to a bar with kuya Dar and kuya Sky without telling Moma and Dada. Nalasing siya, at nakakita ng away kaya binaril. Sa lahat kasi ng bar na pwedeng inuman, doon pa sa bar ng mga may dalang baril." Umiling siya.

"Kung bakit ba kasi naglasing, e."

"Obviously because of you."

Napahinga ako ng malalim. "Maayos kaming nag-usap, Ilaria. Hindi ko siya iniwan ng walang paalam."

"I am not saying anything, though. I just answered your question." Nagkibit-balikat siya.

"Napakatigas talaga ng ulo ng kuya mo. Isama mo pa 'yong mga pinsan ninyo. Bakit kasi pumayag na mag-bar ang isang 'yon."

"They didn't agree, but kuya insisted kaya wala silang nagawa. Besides, as kuya's cousins, they need to support him. He's heartbroken."

"Akala ko wala siyang gagawing ganitong bagay dahil maayos kami nag-usap. Isang araw pa nga lang, nabaril na siya."

"That's why we went to your house. To ask you not to put kuya Heid in more pain."

"Pero ayaw sa akin ng kuya Hedy mo. At ako ang dahilan kung bakit nagkakagulo ang pamilya ninyo," giit ko. "Pero wala ka rito noong mga panahong 'yon kaya baka hindi mo alam."

"Alam ko."

"Pero wala ka rito."

"Wala ako sa bahay dahil busy ako sa studies, pero sa akin pumupunta si kuya Hedy kapag may problema sa bahay. Sinasabi niya sa akin lahat. At umuuwi rin ako sa bahay minsan, ikaw naman ang wala dahil nasa condo ka na."

Napatango-tango ako. Kaya pala hindi kami nagpapang-abot.

"And to be honest, I don't like you for kuya Heid either."

Natigil ako at napatingin sa kaniya.

"No offense, but I have someone in mind who would definitely fit kuya Heid. She's beautiful, sexy, famous, a degree holder, and wealthy. She's from a rich family. While you, I don't know how to describe you."

Nanliit ako sa sarili ko sa mga sinabi niya. Isa ito sa mga rason kaya gusto kong lumayo. Paulit-ulit na babalik sa akin kung gaano ako kalayo kumpara kay Heid.

"But kuya Heid loves you. And we have no right to stop him from loving you. And as his sister who loves him so much, I will support him."

Imbes na maging masaya, mapait akong ngumiti. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko.

Nakatingin lang ako sa labas hanggang sa makarating kami sa hospital. Bumaba kaagad kami at dumiretso papasok.

Malayo pa kami, kita ko na si Sir Ceto sa labas ng kwarto at may kausap na doctor. Nang makalapit kami, saktong umalis ang doktor.

"Dada, here she is."

Nahihiyang tumigil ako sa harap ni Sir Ceto, kasama si Ilaria.

"Hello po. Good evening."

The Paternity PuzzleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon