Kinabukasan pagkagising ko, wala na sina Raja at Hedy. Nakita ko na lang ang text ni Hedy na lumabas sila para bilhan ng damit si Raja.
Hindi man lang ako isinama. Pero okay lang, dahil mas makikilala nila ang isa't isa.
Handa na ang pagkain, kaya pagkatapos kong maligo at magbihis, kumain na ako. Pero nasa gitna pa ako ng pagkain nang may nag-doorbell sa condo.
Napakunot ang noo ko dahil wala namang nasabi sa text si Hedy na may darating ngayon. Sigurado rin akong hindi sila Hedy at Raja dahil hindi naman nila kailangan mag-doorbell. Alam nila ang passcode.
Uminom muna ako ng tubig bago tumayo at tinungo ang doorbell. Ang akala ko ay iisang tao lang, pero nagulantang ako nang mabuksan ko ang pinto at makita ang maraming tao na may hawak pang camera.
Nakatutok lahat sa akin ang camera at panay click nito.
"Kaano-ano mo si Sky Vargax?"
"Ikaw ba ang asawa ng actor na si Sky Vargax?"
"Magkasama ba kayo rito kahapon?"
"Kailan kayo nagsimulang magkita?"
"Boyfriend mo ba ang sikat na actor at modelong si Skyller Vargax?"
Halos mahilo ako sa dami ng camera at tanong nila. May mga mic at phone na nakatutok sa bibig ko.
Hindi ako makapagsalita sa dami ng tanong nila. Akmang isasarado ko ang pinto nang pigilan ito ng isang lalaking may hawak ng camera.
"Ikaw ba ang dahilan kung bakit biglang nawala si Skyller sa taping nila kahapon?"
"Bakit niyo tinatago ang relasyon ninyo?"
"Gaano na katagal ang relasyon ninyo?"
"Nakuhanan siya ng litrato kahapon palabas ng condo'ng ito. Ikaw ba ang tinatago niyang girlfriend?"
"T-Teka..." Hindi ko alam ang sasabihin ko sa bilis ng mga pangyayari.
Hindi rin ako makasagot dahil sa mga tanong nilang paulit-ulit. Nagsisimula na ring magdilim ang paningin ko sa dami ng camera na panay kuha ng litrato sa akin.
Isang malakas na flash pa at tuluyan nang nagdilim ang paligid ko.
Nagising ako sa hindi ko kilalang kwarto. Pero may picture frame ni Skyller sa gilid, kaya posibleng sa kaniya 'to.
Masakit pa rin ang ulo ko, pero mas pinili kong bumaba sa kama at malaman ang nangyari pagkatapos kong mawalan ng malay kanina.
Paglabas ko ng kwarto, si Skyller kaagad ang nakita ko na nakaupo sa sofa, kunot ang noo, na nanonood ng TV. Napunta rin sa TV ang paningin ko at napasinghap ako ng makita ang mukha ko roon at binabalita.
Napalingon sa akin si Skyller na mukhang narinig ang pagsinghap ko. Mabilis niyang pinatay ang TV at tumikhim.
Pero huli na rin dahil nakita ko na. Pinagmumura na pala ako ng ibang fans ni Skyller ngayon.
"Gising ka na pala." Tumayo siya at lumapit sa akin, at naglakad rin naman ako palapit sa kaniya.
"Oo."
Nang makitang papalapit rin ako sa kaniya, bumalik na lang siya sa pagkakaupo. Ako naman ay umupo sa kabila.
"How do you feel? Sabi ng doctor ay maayos ka naman daw. Pero hindi niya alam kung may nararamdaman ka pang iba."
BINABASA MO ANG
The Paternity Puzzle
RomanceRajna Shamanta Ensulada is a fourth-year college student who planned her life already. Her life is already furnished in her head but because of that one night, everything got messy. Everything changed. Mula sa buhay na planado, lahat naging magulo...