Living alone is never easy.
Sobrang hirap talaga. Nakakaranas na ako ng morning sickness. Ako lang mag-isa sa condo kaya ako lahat ng gawain.
Sa isang linggong pag-stay ko sa condo ni Hedy, isang beses pa lang ako nakalabas. 'Yon no'ng nagpa-check up kami ni Ma'am Micah, pero hindi natuloy noong nakaraang linggo.
May mga vitamins siyang ibinigay, at aaminin kong minsan nakakalimutan ko talaga.
Ngayon, nagising ako na nasusuka kaya diretso agad ako sa banyo. Naiiyak na lang talaga ako kasi hindi dapat ako mag-isa.
Dapat may kasama akong ama ng anak ko. Kaso wala siya. Ayon, nagpapakasarap na yata sa buhay niya. Wala na akong balita sa kanya. Ayoko rin naman magtanong kina Ma'am Micah at Sir Ceto. Baka ano pa ang sabihin nila.
Minsan kinakamusta ako ng mga kapatid ni Hedy, lalo na si Heid. Siya na yata ang pinaka na-close ko sa mga anak ni Ma'am Micah.
Mabait siya at maalaga sa akin. May pakialam siya sa nararamdaman ko.
Kasalukuyan akong nagluluto ng itlog nang biglang naduwal ako sa amoy nito. Nagmamadali akong pinatay ang kalan at tumakbo sa sink at doon sumuka.
Naman! Wala pa akong kinakain, nagsusuka na ako.
Nanghihinang napaupo ako sa sahig na hawak-hawak ang tiyan ko.
Parang hindi ko kakayanin mag-isa ito. Kailangan ko na talaga ng kasama. Ang hirap magbuntis nang mag-isa.
Gusto ko na sanang ipikit ang mga mata para magpahinga nang biglang tumunog ang doorbell. Ayaw ko sanang buksan pero kawawa naman ang nasa labas. Napilitan akong tumayo at tinungo ang pinto. Pagbukas ko, si Busk ang nakita ko.
"Hello, Rajna!" Nakakagulat niyang bati.
"Ikaw pala, Busk. Pasok ka." Niluwagan ko ang pagbukas ng pinto.
"Thank you."
Pagpasok niya, isinara ko na rin ang pinto at sumunod sa kaniya sa sala.
"Ano 'yang dala mo?" takang tanong ko habang umuupo sa kabilang sofa.
"Pagkain para sa 'yo."
"Talaga?" Nagningning ang mga mata ko. Mabilis kong hinablot ang plastic na dala niya mula sa mesa sa gitna at binuksan ito. Pagkain nga! "Salamat, Busk. Hindi na rin ako magluluto, sa wakas!"
"Bakit? Hindi ka ba marunong magluto? Anyway, you're welcome."
"Marunong ako. Talagang ayaw ko lang ng mga amoy ng niluluto ko. Nasusuka ako palagi."
"Ah. Natural lang 'yan sa buntis."
"Paano mo alam? Nakabuntis ka na ba?" nang-aasar na tanong ko kahit alam kong totoo ang sinabi niya at alam na siguro ng lahat 'yon.
"Nope. But my friends did so yeah, I know."
"Ah." Tumango-tango ako at inamoy ang dala niyang pagkain.
"Yeah." Tumango siya.
"Bakit ka pala nandito? Huwag mong sabihin na dito ka lang para dalhan ako ng pagkain?"
"Of course." Lumunok siya bigla.
"Are you sure? Bakit iba ang sinasabi ng mukha mo?" Pinanliitan ko siya ng mata.
Mukhang may kailangan talaga na hindi niya masabi. Sa ilang araw niyang pagbisita sa akin, wala naman siyang dala na pagkain. Ngayon lang kaya duda talaga ako.
BINABASA MO ANG
The Paternity Puzzle
RomanceRajna Shamanta Ensulada is a fourth-year college student who planned her life already. Her life is already furnished in her head but because of that one night, everything got messy. Everything changed. Mula sa buhay na planado, lahat naging magulo...