"Ceto, Micah's fine and stable. Buti na lang at hindi bumagsak ang ulo niya sa semento."
Sabay-sabay kaming bumuga ng hininga pagkasabi no'n ng doktor.
"Thank you." Tinanguan ni Sir Ceto ang doktor at nagpaalam naman ito na umalis.
Pagkalabas nito ng kwarto ay naramdaman ko kaagad ang tensyon. Bigla akong nakaramdam ng kaba, lalo na ng tingnan ni Sir Ceto ang dalawa niyang anak na naging dahilan para mapunta si Ma'am Micah dito.
Hindi ko pa siya nakita na ganiyan kagalit at nakakatakot siya. Buti na lang at pinakuha ni Busk si Raja rito kanina para dalhin sa bahay. Hindi siya pwede rito.
Hindi ko alam kung 'yon ba talaga ang iniisip ni Busk o alam ni Busk ang posibleng mangyari.
"What happened?" matigas at mababa ang boses na tanong ni Sir Ceto.
"Dada, sorry. Hindi namin sinasadyang madamay si Moma."
"What happened?" Hindi nakinig si Sir Ceto kay Heid.
Mula kay Heid ay inilipat niya ang paningin kay Hedy. Oo, si Hedy. Silang dalawa ni Heid ang dahilan.
"We didn't mean it, Dada," sagot nito.
"Ano ba kasing ginawa niyo, kuya? Palagi niyong sinasabi na hindi niyo sinasadya. E ano ngang hindi niyo sinadya? At bakit nawalan ng malay si Moma?" si Busk na ang nagtanong.
"We fought," mahinang saad ni Heid.
Napapikit si Sir Ceto at umigting lalo ang panga. "If something bad happened to your Moma, what would you do?"
"Hindi naman namin inakala na mawawalan ng malay si Moma, e. Lagi naman kaming nag-aaway, hindi naman siya nag-collapsed."
Napasinghap ako sa sagot ni Hedy. Bakit parang ang insensitive no'n?
"Kasalanan mo 'to, Heid, e. Kung hindi ka lang kasi nambuntis ng kung sinong babae, edi sana, hindi nangyari 'to!" paninisi ni Hedy sa kakambal niya.
Nakagat ko ang labi ko at parang biniyak ang puso ko. Ako na naman.
"Huwag na huwag mo akong masisi-sisi, Hedy, dahil sa ating dalawa, ikaw ang mas mabigat ang kasalanan."
"Oh, bakit? Ako ba ang nambuntis ng babaeng galing sa kalye?"
"Anong sabi mo?" Sinugod ni Heid si Hedy pero humarang si Busk.
"Stop it, you two!"
Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sa sakit nito. Nanginginig na rin ang labi ko dahil naiiyak na ako. Malapit ako sa pintuan at nakatanaw lang sa kanila na nag-aaway.
"Bakit ka nagagalit sa sinasabi ko, my dear twin brother? Totoo naman, 'di ba? Hindi mo nga alam kung peneperahan ka lang niya—"
"Hedy!" Umalingawngaw ang boses ni Sir Ceto.
Bago pa 'yon madagdagan ay lumabas na ako ng kwarto at umalis. Sa oras na nakalabas ako ay tumulo kaagad ang luha ko.
Kasalanan ko, oo. Pero para insultuhin ni Hedy ang buong pagkatao ko ng ganito ay hindi ko na kaya.
I planned to stay.
I planned to fight for my baby's rights. Pero parang wala ng rason pa.
Kapag nanatili ako at makisama sa kanila, baka paglabas ng anak ko ay alipustahin lang siya ni Hedy. Hindi ko hahayaan 'yon.
BINABASA MO ANG
The Paternity Puzzle
RomanceRajna Shamanta Ensulada is a fourth-year college student who planned her life already. Her life is already furnished in her head but because of that one night, everything got messy. Everything changed. Mula sa buhay na planado, lahat naging magulo...