Kinabukasan, nagising ako dahil sa nakapaingay na condo. Literal na maingay. Wala na rin akong katabi kaya alam kong nasa labas na silang lahat.
Bumaba ako ng kama at pumasok sa banyo para maglinis ng katawan. Pagkatapos ay saka lang lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina kung saan maraming boses ang nag-iingay.
Pagkapasok ko, sina kuya Cello Mike at Busk ang nakita ko. Pero may mga kasama na sila. Nandito rin sina Darwin at Skyller. At may iba pa silang kasama na dalawang lalaki na hindi ko kilala. Nagkakagulo sila sa mesa at lahat may hawak na baso na may laman na puti.
Tumikhim ako kaya nakuha ko ang atensiyon nila.
Ngumiti ako. "Magandang umaga."
"Gising ka na pala, Rajna. Good morning," bati ni Darwin, at sumunod na bumati ang mga kasamahan nila.
"Gusto mo gatas, Rajna?" tanong ni Sky. "Ipagtitimpla kita total umiinom rin naman kami."
"Ah, gatas pala 'yanG iniinom niyo?" Turo ko sa hawak nila na mukhang siyang dahilan kung bakit maingay sila.
"Yes. We saw this in the fridge and decided to have a taste. Masarap. Gusto mo i-try?"
Dahan-dahang nanlaki ang mata ko. "Gatas sa fridge? Alin doon? 'Yong malaki o maliit?"
"'Yong malaki, siyempre."
Nasapo ko ang bibig ko nang marinig ang sagot niya. 'Yong gatas na nainom nila ay ang gatas na binili ni Ma'am Micah para sa akin. Healthy daw 'yon para sa buntis. Dalawa pa nga 'yon, si Hedy ang bumili ng isa. Anmun Materna daw ang pangalan no'n. Dalawang beses iniinom sa isang araw kaso minsan nakakalimutan ko at isang beses lang nakakainom. Sa umaga lang.
"What's happening here?"
Napaigtad ako nang biglang may nagsalita sa gilid ko. Si Hedy lang pala.
"Wala naman. Umiinom lang kami ng gatas."
Tumingin siya sa akin. "Hinatid ko na si Raja sa school. Nag-almusal ka na ba?"
"Hindi pa. Kakain pa lang."
"Sabay na tayo."
"Paano kami?" sabay na tanong no'ng anim.
Masiyado naman kaming walang puso kapag hindi namin sila pinakain kaya heto at nagsisisikan kaming walo sa hapag-kainan ngayon.
Nagtataka ako sa kanila. Pareho sila ng ugali na parang hindi. Nakakalito kasi. Pareho silang umaaktong parang mga bata. Ang lalakas pa ng mga boses. Kaya nga habang kumakain ay ang iingay nila. Hindi na natahimik ang buong condo.
Nakilala ko na rin pala ang dalawang bago sa mata ko. Kapatid pala ni Darwin, sina Yael at Kenhan. Napapalibutan ako ng nga gwapong nilalang. Kaso ang iingay kaya hindi na sila gano'n kagwapo sa paningin ko tuloy.
"Rajna, ako ang best man kapag kinasal kayo, ah?"
Muntikan na akong mabilaukan sa kinakain ko nang sabihin iyon ni Darwin.
"A-Ano bang sinasabi mo riyan?" nagugulat na tanong ko at uminom ng tubig.
"Bakit? Sinasabi ko lang. Dapat ako ang best man sa kasal."
"Nahiya naman kaming mga kapatid ng groom, Dar," alma ni kuya Cello Mike.
"Tama. Dapat nga ako, e. Kasi ako ang pinakagwapo sa mga magkakapatid," ngumisi si Busk.
"Nahiya rin ang kakambal ng groom sa inyo, ah? Sa lahat ng lalaki, dapat ang kakambal ng groom ang maging best man," singit ni Kenhan.
Nilingon ko si Hedy dahil naiilang na ako sa topic nila. Ang bukas naman nila mag-usap tungkol sa kasal e hindi nga kami ni Hedy.
BINABASA MO ANG
The Paternity Puzzle
RomanceRajna Shamanta Ensulada is a fourth-year college student who planned her life already. Her life is already furnished in her head but because of that one night, everything got messy. Everything changed. Mula sa buhay na planado, lahat naging magulo...