Dumating ang araw na aalis na nga kami ni Hedy papuntang Switzerland. Hindi ako makapaniwala na narito na kami at pupuntahan ko na ang dream country ko.
"Mag-iingat ka rito, Raja, ah. Huwag magpapasaway sa mga kuya." Hinaplos ko ang buhok ng kapatid ko.
"Kailan ba 'yan nagpasaway?" pagtatanong ni Hedy sa gilid ko.
Tama siya, pero mas mabuti nang pagsabihan na.
"Huwag kang mag-aalala, Rajna. Kami na ang bahala sa baby brother mo." Ngumiti si Darwin.
Maaga si Darwin at Yael sa condo. Susunod rin daw ang iba mamaya.
"Mag-enjoy ka roon, ate. Huwag mo akong isipin dito."
"Magpapakabait ka, ha?"
"Opo."
"Sige na. Umalis na kayo at baka mahuli pa kayo sa flight ninyo. Sayang."
"Thanks, Dar and Yael." Nginitian sila ni Hedy.
"No problem."
"Hatid ko na kayo sa airport," alok ni Yael na hindi namin tinanggihan.
Nagpaalam pa kami ng isang beses sa kanila bago tuluyang umalis. Kaunting damit lang ang dala ko dahil bibili lang daw kami roon, sabi ni Hedy.
Iba talaga kapag may pera, e.
"Ingat kayo at enjoy!" Sumaludo si Yael pagkatapos niya kami ibaba sa harap ng airport.
"Salamat."
Pumasok na kami sa airport. Nanlalamig ang kamay ko sa sobrang excitement. Ano kaya ang hitsura ng Switzerland, 'no? Balita ko kasi ay maganda roon.
"Nakapunta ka na ba sa Switzerland, Vargax?" tanong ko sa kanya habang naghihintay kami ng flight namin.
"Nope, but I made an itinerary para hindi na natin kailangang isipin pa ang mga gagawin natin pagdating doon."
"Oh, talaga?" gulat na tanong ko.
"Yeah. We will stay in Lucerne, Switzerland for a week or so. Then we will fly to Thailand after. And may itinerary na rin ako for Thailand."
"Ready na ready ka, ha?"
"Of course. It's our alone time together, so I should be ready. I made this itinerary two weeks ago. Gusto mo bang makita?"
"Huwag na. Gusto kong ma-surprise." Nginitian ko siya.
Two weeks pa niyang ginawa ang itinerary namin. Talagang nag-effort siya para gumawa ng dalawang itinerary since dalawang bansa pala ang pupuntahan namin.
Iba talaga magpakita ng pagpapahalaga si Hedy.
Sa ilang buwan naming pagsasama sa isang condo, 'yon ang napansin ko. Minsan lang siya magpakita ng pagpapahalaga sa salita. Palagi itong nasa gawa.
At hindi ko kinakalimutan na i-appreciate ang mga ginagawa niya.
Nang nasa loob na kami ng eroplano, pinatulog muna ako ni Hedy dahil mahigit 14 hours daw ang biyahe papuntang Lucerne, Switzerland.
Iniisip ko pa lang na gano'n kahaba ang oras na byahe namin ay bumibigay na ang katawan ko. Pero bago kami umalis, tinanong namin sa obstetrician kung ayos lang ba na magbiyahe ako kahit delikado ang pagbubuntis ko.
Okay lang naman daw dahil four months pa ang tiyan ko, basta mag-iingat ako at hindi magpapaka-stress masyado.
Hindi naman siguro ako mais-stress sa Switzerland. Sana lang.
BINABASA MO ANG
The Paternity Puzzle
RomanceRajna Shamanta Ensulada is a fourth-year college student who planned her life already. Her life is already furnished in her head but because of that one night, everything got messy. Everything changed. Mula sa buhay na planado, lahat naging magulo...