Kabanata 25

2.1K 60 3
                                    




Hindi ako makatulog kahit anong gawin ko. Maliban sa maingay silang apat sa labas ay hindi rin mawala sa isip ko lahat ng pinag-usapan namin ni Heid.

Gustong-gusto ko siyang patawarin sa pagsisinungaling niya sa 'kin pero hindi ko alam kung paano. Kung saan ako magsisimula. Hanggang ngayon ay hindi ko matanggap na parang itinaboy niya kami ng anak ko ng araw na 'yon.

Kailangan kong mag-isip ng maayos dahil hindi na ito tungkol sa akin at kay Heid lang. May paparating na kaming anak. Kailangan kong unahin ang anak ko.

Gusto kong umalis at tumakas pero kapag ginawa ko ba 'yon, maaayos ang lahat? Kapag ginawa ko ba 'yon ay mas magiging mabuti kami ng anak ko?

Hindi.

Hindi dahil si Heid ang may pera. Si Heid ang may kayang gumastos para sa amin. Si Heid ang may kakayahang buhayin ako at ang anak ko.

'Yon ang masakit na katotohanan.

Hindi naman kasi pelikula o istorya sa libro ang buhay ko na pagkatapos magsinungaling ni Heid ay iiwan ko siya at tatakas. Tapos hahabulin niya ako at babawiin ang anak ko. Malayo ito. Sobrang layo.

Natigil ako sa pag-iisip nang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking laman ng isip ko.

Iniwan ko lang na bukas ang ilaw kaya kitang-kita ko ang mukha niya habang naglalakad siya palapit sa akin.

Dahan-dahan akong umupo sa kama habang nakikipagtitigan sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Ensulada..." mahinang tawag niya sa pangalan ko.

"Bakit?"

"H-Hayaan mo 'kong bumawi, please..." Lumuhod na naman siya sa gilid ng kama. "Please give me another chance. Hindi na ako magsisinungaling sa 'yo..."

Nahabag ako ng pumiyok ang boses niya. Napalunok ako dahil gustong-gusto ko ng bumigay.

"Tumayo ka, Heid. Hindi mo kailangang lumuhod. Gasgas na 'yan para sa 'kin."

"Rajna, please..."

"Tumayo ka at balikan sina Skyller doon sa labas. Iniwan mo sila—"

"They went home already because I told them what happened."

"Ha?" gulat na tanong ko.

"Darwin and Skyller knew the truth. Only Kenhan doesn't, that's why he almost punched me. That guy is harsh."

"You are too," walang pag-aatubiling sagot ko.

"I know." Tumawa siya pero halata ang pait doon. "I am such a jerk for lying to you."

Napabuntong-hininga ako. Inabot ko ang kamay niya at hinila siya patayo. Ayaw pa niyang tumayo kaya napabuntong-hininga ako.

"Kahit ilang beses at gaano katagal ka pa lumuhod diyan, wala rin 'yang magagawa. Kaya tumayo ka na at mag-usap tayo ng maayos tungkol sa gagawin natin."

"No. Tell me first you'll—"

"Stop," pinigilan ko siya. "Don't even try manipulating me by using that words. Tumayo ka at mag-usap tayo. Gano'n kasimple, Heid."

"I'm sorry." Tumayo siya ng dahan-dahan.

"Umupo ka rit—" Napatigil ako sa pagsasalita ng gumalaw si Raja sa gilid ko.

Oo nga pala. Nandito siya. Hindi kami pwedeng mag-usap rito.

"Do you mind having coffee with me?" tanong ko sa kaniya.

The Paternity PuzzleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon