Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Hedy at pinuntahan ang una sa listahan niya na pupuntahan naming. Ang Chapel Bridge at Water Tower.
10-minute walk lang siya mula sa pinagsstayhan naming hotel. Naglakad-lakad kami sa paligid ng Lake Lucerne.
Sobrang nag-enjoy ako lalo na't si Hedy ang kasama ko. Kain lang yata ang pahinga namin dahil mabilis kong inaaya si Hedy na mamasyal na naman at nagpa-picture ako ng maraming-marami.
Sa pangalawang araw namin, sumakay kami ng train papuntang Mount Pilatus. In-enjoy ko ang view kahit pa nga nakapag-hike pa kami ng wala sa oras. Mabuti at nandiyan lang naman si Hedy na nakahawak sa akin palagi.
Sa lahat ng oras na nasa Mount Pilatus kami, nakahawak sa akin si Hedy. Pero hindi iyon nakapigil sa akin na magpa-picture kami. Marami rin kaming pictures dalawa.
Pagdating sa bahay, pagod na pagod kami kaya pagkauwi namin ay agad akong nakatulog. Sa pangatlong araw, humiling ako kay Hedy na magpahinga muna kami dahil napagod talaga ako sa Mount Pilatus.
Kumain at natulog lang ako buong araw. Hindi naman ako iniwan ni Hedy at bawat galaw ko ay tinatanong niya kung okay lang ba ako.
Sa pang-apat na araw namin doon, naging maayos na ako at may energy na ulit kaya tumuloy na kami sa pagbisita sa Swiss Transportation Museum, the Lion Monument, at Glacier Garden. Malapit lang ito sa pinagsstayhan namin ni Hedy. Makukuha lang yata ng 20-minute walk.
Naaawa na ako kay Hedy dahil sunod lang siya nang sunod sa akin at kumukuha ng pictures sa akin. Wala akong narinig na reklamo mula sa kanya. Sa halip, puro papuri ang narinig ko.
Sa pang-limang araw namin, bumisita kami sa Lucerne Culture and Congress Centre, pagkatapos ay pumunta kami sa City Center para mag-shopping.
"Ang dami ng pinamili mo, Hedy. Dadagdag lang ito sa mga damit na hindi ko masusuot," reklamo ko pagbalik sa kwarto na inuukupa namin.
Ang dami niyang pinamili para sa akin pero sa sarili niya ay wala. Mayroon nga rin kay Raja.
"I just want to spoil you, Ensulada. Just let me," sabi niya habang umuupo sa kama at nahulog ang kalahating katawan niya sa gilid.
Umupo rin ako sa kama at tiningnan siya. "Hindi ba parang nagsasayang ka lang ng pera? Ang iba rito ay hindi ko naman maisusuot dahil lalaki ang tiyan ko."
"After you give birth, Ensulada," sagot niya na nakapikit. Ang kalahati ng katawan niya ay nasa gilid pa ng kama kaya tumayo ako at pumunta sa paanan niya para tanggalin ang sapatos niya.
Napamulat siya sa ginawa ko at tinangkang agawin ang paa niya pero hinawakan ko ito ng mahigpit.
"What are you doing? I can do that."
"Kahit ito lang, hayaan mo 'kong gawin, Vargax. Palagi na lang ikaw." Pagkatapos kong tanggalin ang dalawang sapatos niya, umupo ako sa tabi niya habang siya ay nakahiga.
"I told you, Ensulada. I am not forcing you to pay me back. I love what I am doing so please let me."
"Alam ko, Vargax, pero kahit hindi ko sadyain, nahihiya na ako sa iyo. Ako at ang bata na lang ang palagi mong iniisip."
"Dahil mahalaga kayo sa akin. That's why, please, let's drop this topic."
Bumuntong hininga ako. "Sige. Magpahinga ka na. Aayusin ko lang ang mga pinamili mo."
"Hindi na. I'll do that tomorrow—"
"Ako na, Vargax."
"Baka mapagod ka—"
BINABASA MO ANG
The Paternity Puzzle
RomanceRajna Shamanta Ensulada is a fourth-year college student who planned her life already. Her life is already furnished in her head but because of that one night, everything got messy. Everything changed. Mula sa buhay na planado, lahat naging magulo...