Kabanata 24

1.8K 52 0
                                    




Isang linggo ang nakalipas at gano'n pa rin ang trato ko kay Heid. At ramdam na ramdam ko na ang dahan-dahang pagkaubos ng pasensiya niya sa 'kin. Kaunti na lang at alam kong kokomprontahin na niya ako. Pero hindi ko na paaabutin pa sa gano'n.

Ako na ang gagawa para sa kaniya.

Pina-absent ko si Raja ngayon sa klase at nagtanong si Heid pero hindi ko siya binigyan ng matinong sagot.

Umalis siya na wala sa mood papuntang trabaho. Sa trabahong alam ko na kung ano at hindi ko man lang pinagdudahan.

Nasabi na sa 'kin dati na walang trabaho si Hedy dahil puro siya party at gala. Kaya bakit hindi ako nagtaka no'ng nagsisimula na siyang pumasok sa trabaho araw-araw? Masiyado akong nagtiwala.

Sobra ang pagtitiwala ko kaya sobra rin ang sakit na dinadamdam ko sa nagdaang isang linggo. Pinilit kong hindi umiyak at umaktong ayos dahil may bata sa tiyan ko pero minsan ay hindi ko kinakaya at napapahagulgol ako.

Nami-miss ko na ang dating kami ni Heid. Nami-miss ko siyang katabi matulog. Nami-miss ko siya na hahanapin ako sa bawat pagtulog niya. Nami-miss ko kung ano kami rati.

At alam kong mami-miss ko pa 'yon.

Nang gabi ay hinintay ko talaga siyang umuwi. Sa sofa lang ako nakaupo habang naghihintay sa kaniya.

Ngayon na ang tamang oras dahil hindi ko na kaya pang magpanggap na walang alam.

Maga-alas nuwebe na ng narinig kong bumukas ang pinto. Nakita niya kaagad akong nakaupo sa living room pagpasok niya.

"Good evening," bati kaagad niya. "Why are you here? I thought you are resting already."

"Hindi pa dahil gusto kitang makausap," seryosong sabi ko.

"About what?"

"About us. Maupo ka muna." Iminuwestra ko ang upuan sa harap ko dahil nakatayo lang siya at tutok na tutok sa akin.

Umupo naman kaagad siya at tumikhim. "Are you ready to talk about us? Kung bakit hindi mo ako masiyadong pinapansin nitong nagdaang araw—"

"When are you planning to tell me?"

Natigilan siya sa tanong ko at kumunot ang noo. "Ang ano?"

Siniguro kong tulog na si Raja sa mga oras na 'to. Inutusan ko siyang magpahinga ng maaga dahil maaga kaming aalis bukas.

"Na ikaw si Heid." Ginawa ko ang lahat para maging kaswal ang pagkakasabi ko no'n.

Na-witness ko kung paanong mula sa pagiging kalma ay dahan-dahang nanlaki ang mata niya at ilang ulit na napalunok.

"H-How did you know?"

"Just answer me. Kailan mo balak sabihin sa akin na hindi ka naman talaga si Hedy at nagpapanggap lang? Kailan mo balak sabihin sa akin na simula pa noon ay niloloko mo na ako?"

"R-Rajna..."

"Ayokong umiyak at lalong ayokong sigawan ka kaya please lang, Heid. Pakisagot ang tanong k-ko," pumiyok ang boses ko sa huli pero hinayaan ko na 'yon.

Nabibiyak lalo ang puso ko sa komprontasyong ito pero pinipilit kong maging kalma. Respeto na rin sa kaniya at sa kabaitan na nagawa niya para sa amin ni Raja kahit hindi ko alam kung ni-respeto ba niya ako bilang tao at babae sa pagsisinungaling niya sa 'kin.

Sinubukan niyang gumalaw at lumapit sa akin pero pinigilan ko siya.

"Don't come near me. Just answer my questions, Heid." Ipinagdiinan ko ang pangalan niya.

The Paternity PuzzleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon