Kinagabihan ay mas lalo akong nakakaramdam ng kaba. Ayaw talaga umuwi ni Hedy. Prente lang siyang nakaupo sa sofa at nanonood ng TV.
Habang ako ay yamot na yamot na sa kaniya. Naiingayan kasi ako sa TV niya pero wala naman akong magawa kasi condo niya 'to. Siya ang may-ari.
Padabog na lang akong tumayo at pumasok sa kwarto para maglinis ng katawan at magbihis. Hindi na ako nagtangkang lumabas pagkatapos at humiga na lang sa kama ko.
"Rajna, are you going to sleep already?" pasigaw na tanong niya mula sa labas.
"Oo!" pasigaw rin na sagot ko.
"Want me to sleep beside you?" ang pang-aasar ay halata sa boses niya.
"Subukan mo't tatadyakan kita, Vargax!"
Nakakagulat na nagkakarinigan pa rin kami kahit nasa loob ako ng kwarto. Marahil ay nagsisigawan kami.
"Sus! Nakabuo nga tayo, ngayon ka pa aayaw?"
"Tahimik!"
"Yes, Rajna. I'm coming."
Nakakainis na Hedy 'to! Ngayon pa ako napiling paglaruan kung saan gusto ko nang magpahinga.
Hindi ko na siya sinagot at nagtalukbong lang ng kumot. Pero ilang sandali lang ay bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Tulog ka na?"
"Ano ba, Vargax!" Mas mabuti pang Vargax ang itawag ko sa kaniya. Mas bagay 'yon sa kaniya. Tigasin kasi pakinggan. Habang siya ay matigas lang ang mukha. "Umalis ka nga! Hindi mo alam na bawal sa buntis ang magpuyat?"
"Bakit?" Tumawa siya. "Pinupuyat ba kita? 7 pa lang kaya ng gabi. Mag-usap muna tayo."
Inis na binalibag ko ang kumot at umupo sa kama. Tiningnan ko siya ng masama nang maintindihan niyang hindi ako natutuwa. Pero ang lalaki, tinawanan lang ako.
"Mag-usap muna nga tayo. Gusto ko pag-usapan ang magiging pangalan ng anak natin. Usap lang talaga."
"Pangalan? E hindi mo pa nga alam ang gender. At saka akala ko ba, ayaw mong maging anak 'to? Na salot lang kami sa buhay mo? Pinaplastik mo ba ako, Vargax?"
"What? You're so judgmental. I'm sorry if I said that, okay? I was just mad at that time. I can't accept you and the baby because I still want to have fun in life. I'm too young for this."
"Oh, bakit? Ako rin naman, ah?" Namumuo na naman ang galit sa loob ko. "Mas bata nga ako sa 'yo, e. Ikaw, tapos ka na mag-aral at mayaman ka pa. E paano ako? Hindi na nga nakapagtapos, mahirap pa. Ngayon, sino sa atin ang mas mahirap ang sitwasyon? Hindi ba ako? Pero hindi ko kailanman sinabing salot ang batang 'to dahil anak ko 'to!"
"Rajna..."
"Pero huwag kang mag-aalala, Vargax. Hinding-hindi na namin sisirain ni baby ang pagliliwaliw mo. Go on. Have fun! Have fun hanggang sa makabuntis ka na naman tapos susugurin ka na naman sa inyo."
"I'm not like that, Rajna," biglang nagdilim ang mukha niya. "I am a party boy but I don't do that thing with every girl I see in bars and clubs. You're so quick to judge. I am here na nga, oh. Ano pa bang gusto mo? Na lumuhod ako sa harap mo at sabihing nagsisisi ako? Rajna naman. Lalaki ako pero tao rin ako. Nasaktan kita, oo. Pero pinagsisihan ko na nga 'yon. Kaya sana huwag kang gumaya sa pamilya ko na ang tingin sa akin ay kung sino-sino lang ang ikinakama. Dahil hindi ako gano'n."
Napatitig ako sa kaniya sa mahabang litanya niya. Mukhang sumobra nga ako.
"Sorry—"
Umiling siya. "Wala na ako sa mood. Bukas na lang tayo mag-usap tungkol sa pangalan ng bata. Magpahinga ka na." Tinalikuran niya ako at diretsong lumabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
The Paternity Puzzle
Storie d'amoreRajna Shamanta Ensulada is a fourth-year college student who planned her life already. Her life is already furnished in her head but because of that one night, everything got messy. Everything changed. Mula sa buhay na planado, lahat naging magulo...