Kabanata 13

2K 61 0
                                    



Kahit anong pilit ko kay Hedy ay ayaw niya talagang pumayag. Napakahirap niyang kumbinsihin lalo na't palagi niyang nirarason ang bata sa sinapupunan ko.

Gustuhin ko mang magtrabaho ng patago, alam kong hindi rin tama. Kapag may nangyari nga sa akin at sa bata, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. At alam kong hinding-hindi ako mapapatawad ni Hedy, na ayaw kong mangyari.

Maayos na kami kaya ayokong masira ulit kami. Isa pa, kahit hindi pa lumalabas ang anak ko, mahal na mahal ko na siya kaya hindi ko siya ipapahamak.

Ilang linggo pa ang dumaan at tuluyan na ngang humupa ang galit sa akin ng mga fans ni Skyller lalo na't may lumabas na bagong babae, claiming that she's the wife of Skyller.

Sobrang sakit na siguro ng ulo ni Skyller ngayon.

"Bakit sinasabi ng ibang babae na sila ang asawa ni Skyller? May asawa na ba si Sky?" tanong ko kay Hedy pagkatapos naming kumain at nakaupo na lang sa living room.

"Why'd you ask?" masungit na tanong niya.

"Kasi noong sinugod ako ng mga reporters dito, may natatandaan rin akong tanong kung ako ba asawa ni Sky," sagot ko, hindi pinansin ang pagsusungit niya.

"I don't know. I have no idea."

"Bakit? E magpinsan kayo."

"I don't know, Ensulada."

Napakunot ang noo ko. "Galit ka ba sa 'kin?"

"No." Tumayo siya bigla kaya napataas ako ng tingin sa kaniya. "I need to sleep early."

Nang maglakad siya paalis, wala na akong nagawa kundi hayaan lang siya.

Mukhang wala siya sa mood ngayon. Dahil unang beses niya akong sinungitan simula noong nagkaayos kami.

May problema kaya siya?

Nanood na lang muna ako ng mga palabas at nang antukin, pumasok na sa kwarto ko para magpahinga. Si Raja ay nakatulog na kakagawa ng assignment.

Tumabi ako sa kaniya at natulog na rin. Kinabukasan, ginising na naman ako ng pagkahilo at pagduwal. Isa sa hirap na dinaranas ng mga katulad kong buntis.

Nagmumog at naghilamos ako bago lumabas ng kwarto. Nakita ko si Raja na nagsusulat sa table sa living room. Sabado nga pala ngayon kaya walang pasok.

"Good morning, Raja," bati ko sa kapatid ko.

Nag-angat siya ng tingin sa 'kin at ngumiti. "Good morning, ate!"

"Busy na busy ka, ah?"

"Oo, ate. Sabi kasi ni kuya Hedy na kailangan ko raw mag-aral ng mabuti para sa kinabukasan natin."

"Talaga?" Napangiti ako.

"Opo."

"Sige. Magpatuloy ka lang diyan. Sa kusina muna ako."

"Sige po."

Nginitian ko siya at naglakad papunta sa kusina para sana kumuha ng tubig. Pero nandoon si Darwin at nakasandal sa ref. habang sumisimsim sa kape niya.

Napalingon siya sa 'kin nang maramdaman ang presensiya ko na nakatayo sa gilid.

"Oh, Rajna." Ngumiti siya kaagad. Napalingon tuloy si Hedy na busy sana sa pagluluto. "Good morning," bati niya.

"Good morning," bati ko sa kaniya pabalik na may ngiti sa labi. "Good morning rin, Vargax."

Tinanguan niya lang ako at bumalik na sa pagluluto. Napangiwi si Darwin roon pero nginitian ko lang siya.

The Paternity PuzzleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon