Kabanata 33

1.9K 61 3
                                    


Gaya ng sabi ko kay Heid, aayusin ko na lahat.

Inaya ko si Ma'am Micah na mag-usap muna kami. Siya ang dumating kanina at biniro kami ni Heid na husband and wife.

Binati niya si Heid bago siya sumama sa akin sa labas. Hindi kami pwedeng mag-usap sa loob dahil mukhang hindi naman alam ni Heid na nag-usap kami ng Moma niya at nagalit ito sa 'kin.

Pagdating namin sa labas ay hinarap ko kaagad siya.

"Hija, pasensiya ka na."

Naunahan niya pa ako.

"Hindi po. Ako po dapat ang humingi ng pasensiya. Sorry po kasi mas pinili kong iwan si Heid kaysa sa manatili at alagaan siya. Kaysa ibalik ang kabaitan na pinakita niya sa amin ng kapatid ko. Naiintindihan ko po ang galit niyo."

Lumambot ang mukha niya. "Hija, wala kang kasalanan. I'm sorry if I said those harsh words to you. As a mother, I was just so worried. Hindi ko ma-imagine na mawala sa 'kin si Heid. But I am not washing hands. What I did was wrong. Ako ang mali, hindi ikaw. Kaya I'm sorry, hija."

Ngumiti rin ako sa kaniya. Sobrang pinagpala sina Heid na ganito kabait ang Moma nila. Sana maging ganito rin ako kapag nagkaanak na ako. Sana magampanan ko rin ang pagiging ina ko ng maayos.

"Sana mapatawad mo 'ko, hija. Hindi kita sinisisi sa nangyari kay Heid."

"Okay lang po. At pasensiya na rin po. Hindi ko na po iiwan ang anak niyo."

"What do you mean? Papakasalan mo na siya? Magiging totoo ba ang sinabi ko kanina noong naabutan ko kayong ang sweet-sweet?"

"Nako, hindi pa po. Hindi naman po siya nagpro-propose pero kapag nagpropose po siya, nakakahiya man aminin pero opo, papakasalan ko siya."

"Ah!"

Napaatras ako sa gulat sa tili niya. Mukhang kinikilig pa siya dahil namumula ang pisngi niya. How cute.

"Oh my! Hindi ako maarte pero oh my gosh! I need to tell Alny about this. Teka lang, hija, tawagan ko lang ang best friend ko." Mabilis siyang pumasok sa loob kaya sumunod ako kaagad na nangingiti.

Nakatingin si Heid sa akin na nagtataka dahil sa reaksiyon ng Moma niya na mabilis na kinuha ang cellphone sa bag at nangingiting nag-dial.

Napailing ako at lumapit kay Heid dahil mukhang takang-taka na siya.

"What's happening to her?"

"Wala. Hayaan mo na. Masaya lang 'yan."

"Are you sure?"

"Oo nga. Bakit ba ayaw mo maniwala?" Natatawang tanong ko. Si Ma'am Micah ay tuluyan nang kinakausap si Ma'am Alny.

"Teka, lovers, sa labas muna ako," pagpapaalam niya at kinikilig na lumabas.

Nang makalabas siya ay pinakawalan ko ang halakhak ko. "Ang cute ng Mommy mo."

"Indeed she is. But can you tell me what really happened? I am so confused."

"Wala nga. 'Wag mo na pansinin 'yon. Ang sarili mo ang isipin mo. Magpagaling ka kaagad para makauwi ka na at mapakilala na kita kay Ranna."

"I am trying my best, Ensulada. Because I really want to go home and live with you again."

"Kaya nga umayos ka. Huwag matigas ang ulo at matulog ng maaga. Huwag rin gumalaw masiyado para hindi sumakit ang sugat mo."

"Yes, Doktora."

"Seryoso ako." Sinamaan ko siya ng tingin.

Tinawanan niya lang ako. Ang lakas ng loob tawanan ako, kapag 'to iniwan ko, iyak 'to.

The Paternity PuzzleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon