Kabanata 32

1.8K 63 2
                                    

Walang nagawa si Hedy kundi ang pasakayin ako sa kotse niya. Kaya ngayon ay nandito kami at tahimik.

Hindi pa ako nagsasalita dahil nag-iisip ako kung paano sisimulan nang hindi kami mapupunta sa away. Pagod na ako sa bangayan naming dalawa.

Nakakasawa pala.

"What now?" Mukhang hindi na niya kinaya ang katahimikan at nauna nang magsalita. Padabog nga lang. "If you are thinking that I flirted with your sister, you're wrong. She's not my type."

"Ah, bakit? Type ka ba niya? May boyfriend 'yon."

Sinabi kong ayoko na makipagbangayan, eh. Pero hindi ko talaga mapigilan ang bibig ko kapag siya ang kasama.

"I know. Hinatid siya ng boyfriend niya noong isang gabi. They're so sweet. They even kissed. Mabubuntis ng maaga 'yang kapatid mo."

Marahas akong napatingin sa kaniya ng masama dahil sa walang prenong bibig niya.

"Sinong nagbigay ng karapatan sa 'yo para husgahan ang kapatid ko?"

"Why? Do I look like I need a right? We're living in a free country, Rajna. Lahat dito nanghuhusga. Ako nga, hinusgahan kaagad ng pamilya ko noong pumunta ka sa bahay at pinaako sa akin ang anak mo."

Ang namumuo kong galit kanina ay biglang naibsan. Naalala ko na naman ang kasalanan ko sa kaniya.

Kinagat ko ang labi ko at bumuga ng marahas na hininga. Tumingin na lang ako sa labas para hindi na makasagot.

"Natahimik ka? Ano? Wala ka nang maisagot sa 'kin kasi alam mong kasalanan mo kung bakit 'yon nangyari. Muntikan pang masira ang pamilya namin dahil sa 'yo." Halata ang galit sa boses niya. "Ako, I needed to adjust for you and Heid. Umalis ako sa bahay at pumayag akong magsinungaling sa magulang namin kahit hindi ko 'yon ginagawa. Just for you and Heid," panunumbat niya na hindi ko masagot dahil may karapatan siyang manumbat.

"You know, Rajna, I hate you. Sa lahat ng tao, ikaw ang pinakaayaw ko. Simula noong sinabi mong ako ang ama ng anak mo, hindi na kita gusto. Ayoko sa mukha mo. Kung pwede nga lang, pati sa anak mo."

"Pwede naman," mahinang sagot ko. "You can hate my baby, too. After all, this is not yours. This is Heid's."

"I am not that heartless. Heid's my twin brother at anak niya 'yan kaya para na ring anak ko 'yan."

Tumango ako. Hindi ko magawang maging masaya sa sinabi niya.

"Ayaw mo sa 'kin pero pumunta ka sa bahay para pabalikin ako."

"It's for my brother, Rajna. He loves you. So what can I do? And I don't wanna lose a brother so I did that. But if I had another option, I wouldn't go to your house and ask you to return."

"You have another option, Hedy. And that is to take care of him and be with him while I am away. Ikaw na sana ang gumawa para hindi ka na nagtitiis na makita ako ngayon."

Siya naman ang hindi nakasagot sa sinabi ko. Totoo naman. May iba siyang option noon pero mas pinili niya ang option na kasama ako.

Sa totoo lang, hindi naman talaga dahil kay Ranna kaya ako sumakay sa kotse niya. Ang babaw ko naman noon. Nag-usap lang naman sila. Ginawa ko lang rason 'yon para makausap siya.

Plano ko kasi talagang ayusin ang sa amin ngayon para kapag gumaling si Heid, wala na siyang iisipin pa.

Ayokong kapag gumaling na si Heid ay madadatnan niya kaming nag-aaway pa rin ni Hedy.

"Alam mo, Hedy, ayaw ko rin sa 'yo," marahan na sabi ko dahil ayokong magtaasan na naman kami ng boses. "Hindi rin kita gusto. Sa dami ba naman ng pang-iinsulto ang narinig ko mula sa bibig mo. Pero pagod na ako. Pagod na pagod ako na bawat pagkikita natin ay bangayan ang nangyayari. Kaya sana, simula ngayon ay maging kaswal na tayo. Subukan nating kalimutan ang noon at maging kaswal na lang."

The Paternity PuzzleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon