"I'm sorry."
"What for?" Nilingon ako ni Heid habang inaayos pabalik ang mga gamit ko na nailagay ko sa maleta. Nag-insist siya na siya na lang daw ang gagawa para hindi na ako mapagod.
"Dahil nagkasagutan kayo ni Hedy dahil sa 'kin," mahinang sagot ko.
Dinala nina Kenhan, Darwin at Skyller pauwi si Hedy para hindi na magkagulo pa at hindi na madagdagan ang sagutan nila. Umuwi man pero alam kong may samaan na naman sila ng loob ni Heid.
Bumuntong-hininga siya at humarap sa akin. "Ensulada, huwag kang masyadong mag-aalala. Kambal kami kaya kahit anong gulo at away ang gawin namin, magkakaayos kami."
"Alam ko pero paano kapag nalaman ng mga magulang niyo na nag-away na naman kayo? Masasaktan sila, Heid."
"They won't know, Ensulada. And besides, tomorrow, pupunta na tayo sa bahay. Aaminin ko na na ako ang ama ng dinadala mo at hindi si Hedy. May pupuntahan rin tayo pagkatapos."
"Saan naman?" Naging kuryoso ako bigla sa gitna ng pagiging balisa sa away nila ni Hedy kanina.
"Basta. Pero sa ngayon, magpahinga ka muna at huwag nang isipin si Hedy. You need to rest and have some energy for tomorrow. Dahil kahit hindi pa ako umaamin, alam ko na ang mangyayari."
Ngumuso ako. "Ang aga pa para matulog. At saka naiinitan ako. Gusto kong lumabas ngayon at maglakad-lakad."
Maaga pa naman. Malayo pa ang gabi para magpahinga at mag-ipon ng lakas para bukas.
"Gusto mo ba mag-mall? Para malamig pa rin kahit naglalakad-lakad ka? Kapag kasi sa park tayo, mainit. Baka mas lalo kang mainitan."
"Kapag sa mall tayo, makakagastos na naman tayo. At dahil wala akong pera, pera mo na naman. Kaya huwag na lang pala. Dito na lang tayo."
Tumigil siya sa ginagawa at ibinalik sa maleta ang hawak na jeans ko. Naglakad siya palapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Dahan-dahan niya akong pinatayo at sumunod lang naman ako.
"Ensulada, I already told you. What I have is yours. Wala pa akong nilalagay na singsing dito." Itinaas niya ang kamay ko na may lalagyan ng singsing. "Pero lalagyan ko rin 'to kapag nawala na ang galit mo sa akin at naresolba ko na ang problema na 'to kina Moma, Dada at Hedy. Kapag natapos 'tong lahat, makakaasa kang hindi kita bibiguin ulit."
Tinikis ko ang puso ko nang tumibok siya ng mabilis pero mapipigilan mo ba ito kapag nagmahal siya?
Tumango lang ako dahil kahit itanggi ko, alam ko na gusto ko rin na matapos at maayos na 'tong lahat para mabalik na sa dati ang lahat.
Palagi kong hinihiling ang isang tahimik na buhay para sa pamilya ko. Ngayon na magkakaroon na ako ng sarili kong pamilya, sana naman ay matupad 'yon.
Pumunta nga kami ni Heid sa mall pero tinapos niya muna ang ginagawa niya sa condo. Ang plano ko ay maglakad-lakad lang talaga. Iniiwasan kong huwag mapatingin sa mga bilihin dahil kapag may nagustuhan ako, delikado. Buntis pa naman ako.
Nasa tabi ko lang si Heid at todo alalay sa akin. Kanina pa ako reklamo ng reklamo dahil buntis lang ako, hindi naman ako paralisado.
Baka madulas ka, hindi safe.
'Yan ang palagi niyang nirarason.
"You know, Ensulada, this is right," bigla niyang aniya.
"Ang alin?"
"This. 'Yong paglalakad-lakad mo kasi may nabasa ako na maganda raw sa buntis ang naglalakad-lakad para hindi sila mahirapan kapag nanganak sila."
"Kahit maglakad pa ako ng ilang milyong kilometro, Vargax, mahihirapan pa rin ako sa panganganak. Lalo na't una 'to. Magiging masakit talaga 'to."
BINABASA MO ANG
The Paternity Puzzle
RomanceRajna Shamanta Ensulada is a fourth-year college student who planned her life already. Her life is already furnished in her head but because of that one night, everything got messy. Everything changed. Mula sa buhay na planado, lahat naging magulo...