Nanginginig, tinapos ko ang pag-aayos sa mga damit niya. Ibinalik ko na lahat pagkatapos kong makita lahat ng puwedeng makita na ebidensiya para patunayan na hindi ako nagkakamali.
Parang nabibiyak ang dibdib ko, pero pilit kong nilalaban ito at nagpapakatatag. Hindi ito ang tamang panahon para komprontahin ko siya, dahil kahit nagsinungaling siya sa 'kin, may sakit pa rin siya.
Hindi ko pa rin nakakalimutan na naging mabait siya sa 'kin, kahit ngayon ay nagdududa na ako kung totoo ba ang lahat ng iyon o drama lamang.
Umupo ako sa gilid niya at tinitigan ang maamo niyang mukha na tulog na tulog.
Inaasahan ko na masasaktan talaga ako sa malabo at walang kasiguraduhan na relasyon naming ito. Pero ang hindi ko inaasahan ay ganito kalala ang magiging dahilan upang masaktan ako. Ganito kalalim ang dahilan na kahit anong pagpapakalma ko sa sarili ko, hindi ito kumakalma.
Nasasaktan ako, pero hindi na ako iiyak. Umiyak na ako kanina at sapat na 'yon. Sapat na 'yon sa ngayon.
"Ensulada..." bigla niyang ungol at gumagapang ang kamay na para bang hinahanap ang presensiya ko sa tabi niya.
Umusog ako para hindi niya ako maabot. Ang sakit isipin na sa ilang gabing magkasama kami, natutuwa ako kapag hinahanap niya ako sa pagtulog niya. Pero ngayon, nagdudulot na ito ng hindi masukat na sakit sa puso ko.
Bakit kailangang gawin sa 'kin 'to, Heid? Anong ginawa ko sa 'yo?
"Hm, Ensulada." Gumapang ulit ang kamay niya at sa pagkakataong ito ay lumapit na ako at inabot ang kamay niya.
Gaya ng sabi ko, hindi ako gagaya sa mga taong nagawan lang ng isang kasalanan ay kakalimutan na ang lahat ng kabutihang nagawa niya.
Pagbibigyan ko siya ngayon dahil sa ilang buwan, wala siyang ginawa kundi ang alagaan kami ni Raja.
Hindi ko kakalimutan ang mga mabubuting nagawa niya para sa akin, pero hindi ko rin kakalimutan ang nagawa niyang panloloko sa akin.
Humiga ako sa tabi niya at agad siyang sumiksik sa 'kin. Ramdam ko ang init niya. Tama nga na hindi ko muna siya komprontahin. Baka lumala ang sakit niya.
Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang matulog, pero hindi ko kinaya. Mahirap kalaban ang utak, lalo na't gusto pa niyang mag-isip ng rason kung bakit ito nagawa ni Heid.
Tumagilid ako at tinitigan ang mukha ni Heid. Kumudlit na naman ang matinding sakit sa dibdib ko ng makita ko ng malapitan ang gwapo niyang mukha.
Ilang buwan akong pinagmukhang tanga ng lalaking 'to. At magpakahanggang ngayon ay nagmumukha pa rin akong tanga.
Hinaplos ko ang mukha niya. Tanggap ko na siya nga si Heid. Hindi siya si Hedy at hindi pala si Hedy ang minahal ko. Itong lalaking 'to pala.
Napangiti ako ng mapait. Ang sakit mo mahalin, Heid.
Pinilit kong makatulog, pero hindi ako nakatulog kaya buong magdamag akong gising. Pati paggising ni Heid ay gising pa rin ako at tapos na maligo.
"Good morning, Ensulada," mababang bati niya at ngumiti sa akin.
"Morning," maikling bati ko at nagpatuloy sa pagsusuklay sa buhok ko.
Kakayanin ko bang kausapin siya ng ganito kalamig? Sana kayanin ko. Mas mabuti na 'to kaysa sa sigawan ko siya. Halata pa naman na hindi pa siya magaling.
"Are you excited about going to Thailand?"
Tumigil ako sa pagsusuklay at tinitigan siya. "Naisip ko kagabi na dapat na tayong umuwi sa Pilipinas."
BINABASA MO ANG
The Paternity Puzzle
RomanceRajna Shamanta Ensulada is a fourth-year college student who planned her life already. Her life is already furnished in her head but because of that one night, everything got messy. Everything changed. Mula sa buhay na planado, lahat naging magulo...