Kabanata 18

1.8K 66 0
                                    



Kinabukasan ay nakauwi na nga ako. Nakakahiya man, pero si Hedy pa rin ang nagbayad ng hospital bills ko.

Ang hirap maging mahirap, 'no? Aasa ka na lang talaga sa may pera. Lalo na sa sitwasyon ko na ayaw naman akong payagan ni Hedy na magtrabaho.

Dinaanan namin si Raja sa bahay nina Ma'am Micah at nakipag-usap pa ako sa kanila ng kaunti bago umuwi na nga sa condo.

Si Raja ay hindi matigil sa pagtatanong at nag-aalala raw siya. At sa abot ng makakaya ko ay sinasagot ko naman ng mabuti. Lalo na't bata pa siya.

"Raja, pagpapahingahin muna natin si ate Rajna, ha? Kakalabas lang kasi niya ng hospital, baka mabinat," wika ni Hedy.

Kakalabas lang niya mula sa kwarto dahil naligo siya. Naabutan niya kami ni Raja na nag-uusap sa living room.

"Bakit, ate? Hindi ka pa ba okay?" bumakas na naman ang pag-aalala sa kaniya.

Umiling ako. "Okay na ako. Gusto lang ni kuya Hedy mo na magpahinga ako dahil baka mabinat ako. Pero okay lang naman ako." Nginitian ko siya.

"Ah, okay po, ate. Magpahinga ka na po muna. Mamaya na tayo mag-usap ulit."

"Sige, Raja."

Dahan-dahan akong tumayo mula sa sofa at si Hedy naman ay mabilis na lumapit sa akin para alalayan ako.

"Kaya ko naman."

"But it's better and safer if I assist you," sagot niya kaagad.

"Ikaw bahala, Vargax. Hindi ka naman nauubusan ng isasagot, e."

Tumawa lang siya at inalalayan ako hanggang sa makaupo na ako sa kama ko.

"Alright. Magpahinga ka na," aniya at akmang tatalikod na nang tawagin ko siya kaya napalingon siya sa akin ulit. "Bakit?"

"Pagising ko mamaya, mag-uusap na tayo."

Ngumiti siya at tumango. "Of course."

Tumango ako at hinayaan siyang umalis. Dahan-dahan akong humiga sa kama ko. Kailangan ko ng lakas para sa pag-uusap namin ni Hedy mamaya dahil seryosong usapan na iyon.

Nakatulog ako kaagad kahit kakapikit ko pa lang. Dahil siguro 'yon sa hindi ko pagkakatulog ng maayos kagabi. Nag-aalala kasi ako sa bata na nasa sinapupunan ko at baka matamaan ni Hedy. Kahit alam kong hindi siya malikot matulog, mabuti na ring nag-iingat.

At isa pa, hindi pa ako one-hundred percent komportable na katabi si Hedy sa pagtulog. Maaaring okay lang sa akin pero hindi ako gano'n ka komportable dahil hindi naman ako sanay.

Hapon na ng magising ako at sa paglabas ko ay naabutan ko ang magkakapatid sa sahig ng living room at naglalaro ng kung anong hindi ko alam.

Nandito si Busk at kuya Cello Mike. Nakaupo silang tatlo ni Hedy sa sahig at nakapalibot sa mesa. Ang kapatid ko naman ay nasa gilid lang at nanonood sa kanila.

Humikab ako at pumunta sa kanila. Napaangat ang tingin nila sa akin pagkalapit ko. Tumayo kaagad si Hedy at hinawakan kaagad ang katawan ko para ilapit sa kaniya.

"Hi, Rajna," sabay na bati nina Busk at kuya Cello Mike.

"Hello. Nandito pala kayo."

"Yes. We just visited." Ngumisi si kuya Cello Mike. Alam ko ang nasa isip niya. Lalo na't sinulyapan niya ang braso ni Hedy sa bewang ko.

Nagulat nga rin ako at gustong tanggalin ang kamay niya pero ayoko namang mapahiya siya. Lalo na sa harap ni kuya Cello Mike.

"Kuya Hedy, paupuin mo naman si Rajna. Hindi 'yong hahawakan mo lang sa bewang at nakatayo kayong dalawa riyan. Hindi pa kayo kasal. Wala pang sa kahirapan at kaginhawaan na sumpaan."

The Paternity PuzzleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon