Kabanata17

1.9K 55 1
                                    


Umuwi ako ng sigurado na akong wala na si Hedy sa condo at nasa trabaho na. Dahil bored ako, naisipan kong maglinis ng buong condo.

Sinimulan ko sa kwarto na tinutulugan ko. Nagpalit ako ng bed sheets at pillowcase. Maging ang mga sahig ay nilinis ko. Ang mga kakaunting alikabok, tinanggal ko rin. Pagkatapos ng kwarto ko, hingal na hingal na ako at tila ba pagod na ang katawan ko.

Pero hindi ko ito inalintana at nagpatuloy ako sa paglilinis. Sinunod ko ang kwarto ni Hedy, saka na sa living room at kusina. Tumigil lang ako noong kumain ako ng lunch pagkatapos ay bumalik rin sa paglilinis.

Ang mga naipon kong labahin ay nilabhan ko rin, na siyang nagbigay ng malalang sakit sa likod ko.

Tunay na napakahirap magbuntis.

Dati, kapag naglilinis ako, okay lang. Pagod at hingal, pero walang masakit sa akin. Ngayon na buntis ako, halos buong katawan ko masakit.

Hapon na ako ng matapos at panay ngiwi ako habang umuupo sa sofa. Wala sa sariling napatingin ako sa oras. Nanlaki ang mata ko ng makitang alas singko y media na.

Si Raja.

Tumayo ako pero biglang sumakit ang tiyan ko. Napahiyaw ako sa sakit. Hindi ko na naisip ang galit at pagtatampo ko. Idinial ko ang numero ni Hedy.

Sagutin mo, Hedy. Piping hiling ko. Pero natapos ang isa, dalawa, tatlo, apat, at hindi na mabilang na pagtawag ko, walang sumagot.

Napapikit ako habang lumalala ang sakit. Ang mga pawis at luha ko ay nagpang-abot na. Nang hindi ko kinaya ang sakit, nabitawan ko ang cellphone ko.

Anak, kapit ka lang kay Mommy.

Iminulat ko ang mga mata ko at alam kong nasa ospital ako.

"K-Kuya Cello..." mahinang tawag ko sa nag-iisang taong nasa loob ng kwarto kung nasaan ako.

Mabilis siyang tumayo at nakalapit sa akin. "You're awake. How do you feel? Are you okay?"

"A-Ang anak ko?" sa halip ay tanong ko.

"The baby's fine. Thank God. But you need to be careful next time, Rajna. Sinabihan ka naman na bawal ka sa stress at ano mang makakasama sa 'yo at sa bata. Ingatan mo ang anak mo, mahina lang ang kapit niya."

Bahagya akong tumango. Salamat sa Diyos.

"Hedy's outside. Talking to Moma," aniya kahit hindi ko naman tinatanong.

"Si Raja po?"

"Nasa bahay muna. Kasama si Busk."

"P-Pasensiya na. Dalhin niyo na lang po siya rito. Nakakahiya."

Hindi naman nila kilala si Raja pero ngayon sila pa ang nag-aalaga. Masiyado nang nakakahiya sa kanila.

"He's not allowed here. And don't worry about him, he's okay with Busk. Magaling sa bata si Busk," saka lang siya ngumiti sa akin.

Nginitian ko rin siya. "Salamat po."

"Huwag mo na akong po-in. Limang taon lang ang tanda ko sa 'yo."

"Mas matanda pa rin."

"Edi nagp-po ka rin sa boyfriend mo?"

Kumunot ang noo ko. "Sinong boyfriend?"

"Si Hedy. Who else?"

"Ha? Hindi ko boyfriend si Hedy."

"But you're living together."

"Pero hindi kami."

"That guy is so slow," reklamo niya. "Halata namang gusto ka niya. Hindi no'n ititigil ang pagiging lasinggero kung hindi ka gusto."

The Paternity PuzzleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon