YRA'SPOV
Isang linggo na ang nakakalipas at hindi na nagparamdam sakin si Jin.
Madalas ko siyang nakakasabay sa daan dito sa campus, sa canteen o kaya minsan nakakasalubong ko siya sa elevator pero siya na agad umiiwas.
Inaamin ko nasasaktan ako kapag umiiwas siya. Namimiss ko na kasi siya pero wala naman akong magagawa dahil part to ng pagmomove-on.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Kawawa naman yung palaka sayo." Biglang sabi ni Precious.
Napatingin naman ako sa palakang dinadisect ko at napasinghap.
Parang na-massacre yung palaka. Gutay gutay na yung katawan. Kawawa naman.
"Lagi kana lang wala sa sarili mo." Sabi niya ulit sakin.
"Pagod lang siguro dahil sa dami ng ginagawa sa school." Pagdadahilan ko.
Pero namimiss ko lang talaga siya. Miss na miss na.
Bakitmokasipinagtabuyan?
Bulong ng utak ko.
Masyado na kasi akong nasasaktan sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung maniniwala paba ako.
"Namimiss mo siya ano?" Tanong niya sakin.
Napatigil naman ako sa ginagawa ko.
"Ah.. H-Huh?"
"Natatakot ka bang balikan siya? Payong kaibigan lang Yra. Sa isang relasyon hindi pwedeng mawalan ng pagsubok. Hindi lang isa, dalawa o tatlo. Kundi maraming pagsubok. Mahal na mahal ka niya Yra." Sabi sakin ni Precious.
"Pero bakit niya ako iniiwasan?" Tanong ko. Hindi na niya siguro ako mahal o baka naman hindi niya talaga ako minahal.
Naiisip ko palang yon parang gusto ko ng maiyak. Naninikip agad ang dibdib ko.
"Kasi nga mahal ka niya. Sinusunod lang niya ang gusto mo pero hindi ibig sabihin non sumusuko na siya. Naghahanap lang siya ng tyempo para kausapin ka baka sa panahon na yon ay handa ka ng pakinggan siya at napatawad mo na siya." Sabi ulit ni Precious.
Napatahimik naman ako sa sinabi niya.
Napatawad ko na ba siya? Hindi ko alam. Siguro kailangan na ko ngang makausap siya pero hindi ko alam kung paano at kailan.
"Huwag kang mag-alala. Namimiss ka din nun." Nakangiting sabi niya. Binigyan ko lang siya ng ngiti.
"M-May balita na ba kayo kay Leah?" Nahihiyang tanong ko.
1 week na din kasi siyang hindi pumapasok, wala din kaming balita sa kanya. Nag-aalala din ako para sa kanya dahil naging kaibigan ko pa rin siya kahit anong mangyari ay naging mabuti siya kaibigan sakin.
"Papasok na daw siya next week." Sabi sakin ni Precious. Tumango tango lang ako bilang sagot.
--
"Mauna na kami ah?" Sabi sakin nila Precious. Kakatapos lang kasi ng klase namin.
"Sige. Ilalagay ko lang 'to sa locker ko." Sabi ko.
Pagkabukas ng elevator ay tumabi muna ako dahil nagsilabasan ang sakay nito.
Ngayon may mag-isa lang ako sa loob. Pinidot ko ang 5th floor.
Naalala ko tuloy yung unang pagkikita namin ni Jin. Dito yun. Sa elevator na 'to.
Yung pagsusuplado niya, pag-ngisi niya at yung pagyayabang niya pati nga yung pag-ipit ko sa kanya sa elevator. Elevator boy pa nga tawag ko sa kanya non. Napangiti na lang ako ng mapait.
![](https://img.wattpad.com/cover/20270727-288-k25470.jpg)
BINABASA MO ANG
Akin Ka Lang
Подростковая литератураAng gusto ko lang naman ay ang tulungan siya. Tulungan na magkabalikan sila. Pero bakit sadyang mapaglaro ang tadhana... Pinigilan kong magkagusto sa kanya pero sadyang makulit ang puso ko at nagkagusto ako sa boyfriend ng kaibigan ko. --Yra She was...