SIXTEEN

248 5 0
                                    

Chapter 16

YRA'S POV

Buong gabi akong umiiyak dahil nasasaktan ako. Masakit para sa'kin na makita mo yung taong mahal mo na may kahalikan na iba. Masakit dahil nagawa pa niyang magsinungaling. Ginawa niya akong tanga.

Mahal ko siya. Mahal na mahal pero ang sakit na kasi. Lahat ng pag-iintindi ginawa ko naman eh. Ano pa bang mali sa'kin? Ako ba ang nagkulang? Mahal niya pa rin ba si Leah?

Ang daming gumugulo sa utak ko. Gusto ko siyang kausapin pero sa tuwing nakikita ko siya, nakikita ko yung panlolokong ginawa niya sakin.

Niloko ka nga ba talaga?

Tanong ng utak ko. Hindi ko alam!

Pagkatapos ko nagbihis ay bumaba na ako. May pasok pa ako at ayokong umabsent ng dahil lang sa broken hearted ako. Duh!

"Good morning Yra." Nakangiting bungad sakin ni Jin.

The fuck?! Bakit nandito pa siya? Sa itsura niya mukhang dito siya natulog dahil hindi pa siya nagpapalit ng damit at mukhang puyat din siya.

"Uhm.. Naghanda ako ng breakfast para sayo. Halika, kumain kana." Pag-aaya niya sakin.

"Hindi ako gutom. Aalis na ako at gusto ko pagbalik ko wala kana dito." Malamig na sabi ko.

Akmang aalis na ako ng hawakan niya ang braso ko.

"Yra, please naman. Mag-usap tayo."  Pagmamakaawa niya.

Napabuntong hininga na lang ako at hinarap siya.

"Jin, please lang. Tigilan mo muna ako. Alin ba sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan?! Ayoko munang makita yang pagmumukha mo! Ano bang gusto mong gawin ko?! Na magpretend na parang wala lang, ganun ba ha?! Jin, masakit na! Ang sakit sakit na kasi eh! Naiintindihan mo ba ako?!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapasigaw at mapaiyak.

"Yra, gusto ko lang naman na makinig ka sa sasabihin ko. Maniwala ka sa'kin. Hindi kita niloko kaya--"

"Gusto mong maniwala ako sayo?" Napatawa na lang ako ng mapait sa sinabi niya.

"Nagpapatawa kaba? Sinira mo tiwala ko sayo Jin. Hindi ko alan kung maniniwala pa ba ako."

"Yra..." Hahawakan niya sana ako pero umilag ako.

"You shut up! Umalis ka sa bahay ko! Umalis kana!!!" Pagtataboy ko sa kanya.

"Alam kong galit kapa sakin hanggang ngayon pero sige pagbibigyan kita ngayon. Hahayaan muna kitang makapag-isip kapag handa ka ng makinig at maniwala sakin puntahan mo lang ako pero lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito Yra." Umiiyak na sabi niya. Gusto kong maniwala pero ang hirap pa rin. Mahal ko siya pero masyado na kasi akong nasaktan.

"Sorry sa lahat Yra. Sorry. Pangako kapag bumalik ka ulit sakin hindi mo na mararamdaman na parang lagi ka na lang pangalawa. Mauuna na ako." At narinig ko na lang ang paglayo at pagsara ng pinto.

Sa puntong 'yon. Doon ko naramdaman ang pagkamiss sa kanya. Napaluhod na lang ako habang umiiyak.

JIN'S POV

"PUTANGJNA!!!" Napamura na lang ako.

Napasipa na lang ako sa gulong ng sasakyan ko.

Wala akong pakialam kung nakakabakla man tignan sa lalaki ang pag-iyak dahil sa puntong ito nararamdaman ko ang sakit.

Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Hahayaan ko muna siya. Siguro tama si David. Kailangan niya siguro ng space. Pero hindi ibig sabihin non na sumusuko na ako sa kanya. Kahit na hindi niya ako laging kasama lagi naman akong nakamasid sa kanya.

Hihintayin ko na lang yung araw na mapatawad niya ako. Yung makita ko ulit siya na ngingitian ako at sasabihin sakin kung gaano niya ako kamahal.

---
Short ud! Sorry guys. Sabaw kasi. Hahaha. Bawi na lang next ud after ng finals namin.

Hindi ko binasa yung story kaya di ko alam kung may nabago ba o wala. Haha. Basta kung ano na lang maisip ko. Hehe.

Vote & Comment!!!

Akin Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon