Chapter 8
Nasa may soccer field ako. 6:30am pa lang naman at 30 minutes pa bago mag-umpisa ang klase ko. Busy ako sa pagmununi-muni ng may maramdaman akong may tumabi sakin. Pagtingin ko si David pala. Napairap ako ng makita ko siyang naka-ngiti sakin.
"Bakit ba lagi mo na lang ako pinagsusungitan?" Tanong niya sakin. Napataas naman ang kilay ko. Nagtanong pa siya.
"Wala pa nga akong ginagawa sayo eh." Mataray na sabi ko.
"Wala ka pa ngang sinasabi pero halata sa mukha mo na ayaw mo akong makita." Sabi niya.
"Hindi ka naman pala manhid eh. Bakit lapit ka pa rin ng lapit?" Naiinis na sabi ko sa kanya.
"Because I want you." Nanlaki naman ang mata ko. Bunganga talaga ng lalaking 'to!
"Makaalis na nga!" Inis na sabi ko at tumayo na. Pero naramdaman ko ang pagbuhat sakin ni David.
"What the fuck?! Ibaba mo nga ako!" Sigaw ko at pinagsusuntok siya. Gumalaw-galaw ako para maibaba niya ako.
"Nah-ah! Itatanan na kita." Nakangising sabi niya. Hindi ko alam kung seryoso siya o nagbibiro lang basta nanlaki na lang mata ko sa sinabi niya at mabilis na tumakbo papunta sa sasakyan niya habang sigaw pa rin ako ng sigaw.
Ipinasok niya pero pinasok niya ako sa may driver seat at pinauo sa kabilang upuan. Mautak din! Para hindi talaga ako makatakas.
"Nababaliw kana ba?! Ay mali, baliw kana talaga!" Naiinis na sigaw ko sa kanya. Anong tanan na pinagsasabi nito?!
Natawa lang siya at tinignan ako. "Relax! Magdadate lang tayo." Nakangiting sabi niya.
"Ayokong makipagdate sayo!" Sigaw ko sa kanya.
"I know kaya nga pwersahan eh. Hirap mo naman ligawan." Napapailing na sabi niya habang nakangisi pa.
Ugh! Nakakainis na talaga siya! Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan sina PJ, Jin o kahit sino man pwedeng sunduin ako kung san man ako dadalhin ng lalaking 'to pero kinuha niya ang phone ko at in-off.
"Anak ng pating!!! Hoy David! Ibalik mo nga yan!" Gigil na gigil na sabi ko sa kanya pero parang wala siyang narinig.
"Kung ako sayo mananahimik na lang ako dahil wala kana din naman magagawa. Why don't you just enjoy this day. Promise! Magiging mabait ako." Sabi niya at nagdrawing pa ng halo kuno sa ulo habang nakangisi.
"Bwisit!!!" Inis na sigaw ko at tinuon na lang ang tingin ko sa paligid ng daan.
Makalipas ang ilang oras ay may naramdaman akong may tumatapik sa akin. Minulat ko ang mata ko at nakita ko si David. Nakatulog pala ako.
"Sarap ng tulog." Sabi ni David. Inirapan ko na lang siya at lumabas ng sasakyan.
Napatingin naman ako sa paligid. Ang ganda ng view at infairness nakakarelax.
"Nagustuhan mo?" Tanong niya. Tumango naman ako pero napasimangot ako ng marealize ko ang suot ko.
"Seriously David? Dadalhin mo ako sa beach ng naka-uniform? Ni hindi man lang ako nakapagdala ng pang-swimming man lang!" Inis na sabi ko. Rinig ko ang paghalakhak niya.
"Anong nakakatawa?!" Inis na sabi ko pero patuloy pa rin siya pagtawa at may inabot na paper bag sakin.
"Sa palagay mo ba pupunta tayo dito ng hindi ready? Pinaghandaan ko kaya 'to." Sabi niya sabay kindat.

BINABASA MO ANG
Akin Ka Lang
Novela JuvenilAng gusto ko lang naman ay ang tulungan siya. Tulungan na magkabalikan sila. Pero bakit sadyang mapaglaro ang tadhana... Pinigilan kong magkagusto sa kanya pero sadyang makulit ang puso ko at nagkagusto ako sa boyfriend ng kaibigan ko. --Yra She was...