TWENTY (Final Chapter)

306 6 0
                                    

Chapter 20

YRA'S POV

Papasok na ako ng school. Nagtext si Jin na hindi niya ako masusundo kaya mauna na daw ako. Aaminin ko medyo nalungkot ako lalo na't iniisip ko pa rin yung nangyari kagabi. Pinilit ko alisin at matulog pero hindi talaga maalis sa isipan ko.

Matamlay akong pumasok sa school pero syempre kailangan mag-focus sa lesson.

Hindi ko nakitang pumasok si Leah buong oras ng klase. Tinanong ko kina Precious at Joyce pero hindi din nila alam. Tinext ko din si Jin pero walang reply kahit isa. Sinubukan ko siyang tawagan pero cannot be reach.

"Ano wala pa rin?" Tanong ni Precious. Nakaupo lang kami sa bench dito sa garden. Hinihintay namin si PJ dahil nag-aya silang lumabas dahil nga ang tamlay ko daw.

Umiling ako bilang sagot at napabuntong-hininga.

"Kung sinagot mo kasi ako oras-oras lagi kitang kasama." Singit ni David. Pinalo naman siya ni Precious sa braso.

"Ano ba?! Bigat ng kamay mo eh!" Inis na sabi niya.

"Tse! Ibibida mo yang sarili mo eh. Pwedeng shut up kana lang." Masungit na sabi ni Precious. Hindi naman umangal si David at tumahimik na lang.

"Hi guys! Pa-hug nga P!" Sabi ni PJ at tuluyan ng niyakap si Precious.

"Tss. Pauso." Ismid ni David. Kung wala lang ako sa mood baka natawa na ako sa kanila.

"Lalandi niyo. Tara na nga!" Masungit na sabi ni David atsaka hinila ako sumunod naman sila.

Narinig ko ang paghalakhak ni PJ. "Nababaliw na ata to." Sabi ni Precious.

"Ayoko ng umalis. Gusto ko ng magpahinga. Pahatid na lang ako sa bahay." Sabi ko sa kanila habang nasa sasakyan na kami ni David.

"Lalo ka lang maiistress kung nasa bahay ka. Wag ka ng KJ! Saglit lang naman." -Precious

Napabuntong hininga na lang ako at tumango. Wala na din naman akong magagawa.

Pagkaraan ng ilang oras ay nakarating na kami sa...

Teka... Sa bahay namin 'to ah.

"Bakit tayo nandito?" Nagtatakang tanong ko sa tatlo. Nakangiti lang sila sakin. Bumaba na ako ng sasakyan pati sila bumaba na rin.

"Basta tara na lang." Sabi ni Precious. Hinila niya ako papasok ng bahay.

Mukha naman walang tao kaya panay pa rin ang hila niya sakin.

"Hoy! Ano ba 'to?" Tanong ko pero hindi nila ako sinasagot hanggang sa makarating kami sa garden namin.

"HAPPY BIRTHDAY YRA!!!" Sabay-sabay na sigaw nila. Kapag sinabi kong sila it means sina Mommy, Papa, Leah, Joyce, mga iba namin kamag-anak at sina David, PJ and Precious.

May pa-confetti pa. Nilapitan naman nila ako. "Happy Birthday anak." Sabi ni ng parents ko at niyakap nila ako. Birthday ko na pala at hindi ko man lang naalala.

"Thank you po. I miss you Ma, Papa!" Sabi ko at niyakap sila.

"Kailan pa po kayo dumating?" Tanong ko sa kanila.

"Kanina lang may sumundo samin." Sabi ni Mama.

"Hi po, Tita and Tita." Biglang singit ng isang lalaki sa may likod ko. Boses pa lang kilala ko na kung sino.

Akin Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon