FIFTEEN

294 4 4
                                    

Chapter 15

JIN'S POV

"Sinong tumatawag?" Tanong sakin ni Yra. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na si Leah kaso baka kung ano pa ang isispin niya.

"A-Ah wala. Hindi naman importante. Tara na." Pagdadahilan ko. Ayokong masira ang araw na 'to. Nakapangako na ako kay Yra na babawi ako sa lahat ng mga naging kasalanan ko.

Ang swerte ko nga dahil kahit nasaktan ko siya ng paulit-ulit ay hindi niya pa rin ako iniwan. At hindi din naman papayag dahil akin lang si Yra at hindi ko kakayanin kung iiwan niya ako.

*Ringgg... Ringgg...*

"Sagutin mo na kaya yan." Sabi ni Yra sakin.

"Hindi naman importante, hayaan mo na."

"Sige na, kanina pa kasi iyan oh. Okay lang naman sakin." Napabuntong hininga na lang ako tsaka tumngo. Sinagot ko na para naman hindi na niya kame istobohin pa.

"What?" Malamig na sabi ko.

"J-Jin puntahan mo naman ako sa bahay please. May nakapasok sa bahay hindi ko na alam ang gagawin ko."

Umiiyak na sabi Leah sakin.

"A-Ano?! Sige papunta nako." Mabilis kong sabi. Ayoko naman na pabayaan na lang si Leah ng ganun. Naging parte na din naman siya ng buhay ko.

"Anong nangyari?" Tanong sakin ni Yra.

"Nasa ospital kasi... yung b-barkada ko. Kailangan kong pumunta." Pagsisinungaling ko. Sana lang ay hindi niya mahalata.

Promise! Last na 'to. Pagkatapos okay na ang lahat.

"Ganun ba? SIge puntahan mo na siya, okay lang naman ako."

"Are you sure?" Tanong ko. Tumango lang siya at ngumiti.

"Pupuntahan na lang kita sa bahay, okay?" Sabi ko at hinalikan siya sa noo. Ayoko man siya iwan pero hindi naman pwedeng pabayaan ko na lang si Leah baka konsensya ko pa kapag napahamak 'yon.

Mabilis akong nagdrive papunta sa bahay ni Leah para makauwi agad ako kay Yra. Namimiss ko na kasi siya.

Pagdating ko doon ay nakabukas ang gate, pumasok na ako at nagtuloy-tuloy sa loob.

Napansin kong walang tao sa loob at wala namang nasira or what. Pumunta ako sa kwarto ni Leah.

Bubuksan ko na sana pero naunahan ako ni Leah at hinila ako sa loob ng kwarto.

"I miss you baby!" Sabi ni Leah at yinakap ako. Pilit ko naman inalis ang pagkakayakap niya sakin dahil naiirita ako.

"T-Teka nga Leah, akala ko ba may nakapasok sa bahay niyo? Mukhang wala naman eh." Sabi ko. Ngumiti lang siya.

"Sabi ko lang 'yon para puntahan mo ako. Alam ko naman na hindi mo ako pupuntahan dito kaya gumawa ako ng paraan. Ang galing ko bang umarte?" Nakangiti niyang sabi.

Parang gusto ko siyang saktan sa ginawa niya pero hindi, may respeto ako sa babae. Nasira ang date namin ni Yra dahil sa kagagawan niya!

"At masaya kapa sa ginawa mo ah? Alam mo bang sinira mo ang date namin Yra?! Shit naman Leah!" Naiinis na sabi ko sa kanya.

"Talaga? Edi ang galing ko pala." Tatawa-tawa niyang sabi.

"Kailan mo ba kami tatantanan?!" Naiinis kong sabi. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa babaeng 'to.

"Bakit kasi hindi lang ulit ako?" Naging malungkot ang mukha niya habang papalapit ulit sakin.

"Hindi na kita mahal." Mabilis kong sabi.

Akin Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon