Hindi ko na sya gagawan ng prolouge ne? Haha.
---
Chapter 1
"Excuse me po!" Lakad takbo ang ginagawa ko parang lang maka-abot sa una kong klase. May mga nababanga na nga ako pero wapakels. Pasensya na lang, nagmamadali lang talaga.
First day na first day late na naman ako. Hay! Kailan kaya ako magiging maaga sa pagpasok.
Ako nga pala si Yra Mikael Dizon. 1st year college, 18 years old at maganda. Choz lang. Hahaha.
"Shit! Ang tagal." Bulong ko habang pinipindot ang button sa elevator. Ang tagal kasi bumukas. Pinaglalaruan pa ata ng kung sino man ang nasa loob.
Nakakainis yun diba? Yung nagmamadali kana tapos pinaglalaruan pa yung elevator. Yung tipong pinapipindot lahat ng numbers tapos kapag aalis pipindutin ulit ng pasimple. Ang sarap manuntok.
Sa wakas bumukas din. Dali-dali akong pumasok ng inunahan ako ng kung sino mang hudas barabas na lalaking ito. Hindi pa nakuntento at binangga pa ako.
Napatingin ako sa lalaking iyon.
Ngumisi lang ang loko. Tang-na! Ang yabang naman talaga! Akala mo kung sinong gwapo!
OO NA! Gwapo na sya pero ang yabang pa rin at halatang walang modo!
"Sasakay kaba o hindi? Nagmamadali kasi ako Miss." Mahangin na sabi nito.
"Yabang!" Bulong ko at sumakay na. Kami lang naman kasi ang nakasakay dito sa elevator.
Pinidot ko ang 5th floor at sya naman ay 3rd floor.
Nang makarating kami ng 3rd floor ay may naisip naman ako ng kalokohan.
Ngumisi ako habang paalis siya. Ng akmang nasa tapat na sya ng pintuan ng elevator ay bigla ko na lang pinindot ang close button kaya naman ay naipit ito.
"Aray! Shit!" Sigaw niya at hinawakan ang magkabilang braso niya.
"Ooppss! Sorry. Hindi ko sinasadya." At ngumisi ako.
Akala niya ah! Mas magaling pa rin ako. Wahahahaha!
"You son of--"
"BYE!" Sabay pindot ng close button at ngumiti ng pagkatamis-tamis.
What a beautiful day to start. Wahahaha!
Pagdating ko sa room ay wala pa naman ang prof kaya naman safe pa ako.
"Pasalamat ka at late din ang prof natin. Ikaw talaga kahit kailan, late ka parati." Sermon sa akin ng aking kaibigan na si Leah.
"Eh kung hindi naman kasi ako inunahan ng feeling gwapo na yun hindi naman ako malalate ng sobra. Buti nga at nakabawi ako." Nakangiting sabi ko. Sa tuwing naalala ko ang kagagahan na ginawa ko eh natatawa talaga ako.
Ang sakit kaya maipit sa elevator. Hahahaha.
Paglipas ng ilang minuto ay dumating din ang prof namin. Wala naman masyadong ginawa kundi pagpapakilala lang. What's new? Lagi naman ganun kapag first day. Hahaha.
After 3 subjects ay may 2 hours break din kami. Lunch break kumbaga.
"Leah! Tara na, gutom na ako!" Medyo pasigaw na tawag ko sa kanya. Ang tagal kasi, nagpaganda pa.
"Teka lang naman! Baka makita ako ng boyfriend ko at makita niya ang haggard fezz ko." Naku naman! Hindi ko maiwasan hindi mapaikot ang aking mata sa sinabi niya.
"Hintayin na lang kita sa labas." Pagpapaalam ko.
"Yra, sumama na kayo saamin. Manlilibre daw ng lunch si PJ." Sabi ng isa naming kaklase. Tambay lang kami dito sa corridor.
"Aba! Sama ako jan. Teka hintayin lang natin si Leah, nag-CR lang saglit." Pagpapaalam ko.
"Sure. Hinihintay din namin ang iba." Sabi naman nito.
Dahil wala naman akong makausap ay naglaro na lang akong subway surf sa phone ko.
"OMG! Sino 'tong gwapong 'to!"
"Gwapo 'teh! Yummy!"
"Papunta siya banda satin, girl! Jusko!"
Rinig kong tili ng iba kong kaklase na babae. Napatingin naman ako sa kaliwa't kanan ko na nakatingin lang sakin o sa harapan ko. Napatingin naman ako sa harapan ko at muntikan ko ng mahulog ang cellphone na hawak ko sa sobrang gulat.
Si Elevator boy! Nasa harapan ko mismo yung lalaking inipit ko kanina sa elevator.
"Anong ginagawa mo dito?" Plain na sabi ko. Hindi ko pinahalatang nabigla ako. Baka singilin ako nito dahil sa ginawa ko.
Lumapit ito. As in super lapit at nakadikit na nga ako sa pader sa sobrang lapit. Iniharang niya ang isang kamay niya sa kabila ng ulo ko samantalang ang isa ay nakakabit sa bulsa nito.
Simpleng gestures lang pero ang astig niyang tignan. Ngayon ko lang napagmasdan mabuti ang istura nito.
Ang mata niya medyo singkit na kulay grey. Hindi mo ito mapapansin kung sa malayuan. Napakatangos ng ilong at talaga naman bumagay sa mukha nito. At yung labi niya, ang pula parang ang sarap halikan.
WHAT?!
May sinabi ba akong masarap siyang halikan? Wala naman diba?! WALA!
"Lumayo ka nga!" Sabay tulak dito. Umalis naman siya sa awkward position namin kanina.
Nakatingin lang ito sa akin at biglang ngumisi. Lumapit na naman ito sa akin.
"Hindi pa tayo tapos." Bulong niya sakin.
Ramdam ko ang init ng kanyang hininga sa aking tenga. At ang bango nito ay amoy na amoy mo na kahit sinong babae ata ay maaattract dahil sa kanya. Feeling ko nga ay kumapit amoy ng kanyang pabango sakin.
"BABY!" Narinig kong tawag ni Leah kay...
"Hi Baby." Sabay lapit ni Elevator boy kay Leah at hinalikan ito sa pisngi.
THE FUDGE!!!
Etong gag*ng 'to ang boyfriend ni Leah?!
---
Thanks google for the cover. Haha.
VOTE AND COMMENT.

BINABASA MO ANG
Akin Ka Lang
أدب المراهقينAng gusto ko lang naman ay ang tulungan siya. Tulungan na magkabalikan sila. Pero bakit sadyang mapaglaro ang tadhana... Pinigilan kong magkagusto sa kanya pero sadyang makulit ang puso ko at nagkagusto ako sa boyfriend ng kaibigan ko. --Yra She was...