Chapter 7
YRA'S POV
"Anong napagusapan niyo ni Leah?" Tanong sakin ni Jin.
Nasa starbucks kami. Wala akong alam puntahan kaya dito ko na lang siya pinapunta.
Kinwento ko naman sa kanya lahat-lahat ng napag-usapan namin ni Leah.
"Palagay ko, mahal ka pa rin niya. Ramdam ko kasi yung selos niya." Sabi ko.
"So.. Anong plano mo?" Tanong niya sakin.
"Plano? E dapat ikaw 'tong nagpplano." Sabi ko. Ako pa talaga gagawa ng plano ah. Juice Colored!
"Well, may naiisip na ako pero..." Pabitin effect?
"Pero...?? Pwedeng wag pabitin effect?" Mataray na sabi ko.
"Oo na. Sungit mo naman!" Pagsusungit din niya. Umirap lang ako sa kanya at uminom ng frappe.
"Be my girlfriend." Diretsong sabi niya. Muntik ko na maibuga sa kanya yung iniinom kong frappe.
Wait...
Anong sabi niya? Baka nabingi lang ako.
Parang nangyari na 'to ah.
"A-Ano?" Nauutal na sabi ko.
"Ang sabi ko. Be. My. Girlfriend." Inemphasize pa talaga niya.
Hinawakan ko siya magkabilang balikat at niyugyog. Baka sinaniban siya ng kaluluwa ni David kaya niya nasasabi ang mga yan.
"Ibalik mo si Jin!" Sabi ko habang niyuyugyog siya.
"T-Teka nga.. Nahihilo ako sa ginagawa mo." Sabi sabay alis sa kamay ko.
"Nababaliw kana din ba katulad ni David?!" Tanong ko sa kanya.
"Huh?" Takang tanong niya.
Jusko! Masyado ba akong maganda para ayain akong maging girlfriend?
"Jin tigilan mo ang pagddrugs hangga't maaga pa. Sinasabi ko na sayo!" Baka nakadrugs lang 'to. Mygoodness!
"Huh? Anong drugs? Matino akong tao no!" Sabi niya.
"Kung hindi ka nakadrugs edi nababaliw ka na nga katulad ni David!" Nanlalaki ang mata kong sabi sa kanya.
"Pwede ba kumalma ka muna. Kung ano-ano na pinagsasabi mo jan eh." Sabi niya sakin.
"Eh sino ba naman hindi mabibigla sa mga sinasabi mo?!" Grabe! Hindi na ako magtataka kung pati ako mahawa sa kabaliwan ng mga to.
"Pagseselosan lang naman natin si Leah. Fake-Relationship lang naman. Wag ka nang OA jan." Sabi niya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Hindi naman kasi sinasabi ng maayos paanong hindi ako magrereact ng ganun?! Aber?!
"Eh malay ko ba?!" Ako pa talaga naging OA?! Well, medyo naging OA nga ako. Hindi ko na kasalanan yun no!
"So ayun nga. Kailangan lang natin maging sweet kapag nanjan siya. Kilala ko si Leah, ayaw na ayaw niyang pinagseselos ko siya. Kapag naging kami ulit..." -Jin.
"...wala na akong problema and my life will live happily ever after! Yehey!" Masayang sabi ko.
"Madali lang naman pala 'to eh." Sabi ko. Walang ka-thrill thrill. Chicken na chicken. Bwahaha!
"May isang rule lang naman tayo." Sabi niya. Alam ko na yang rule na yan.
"Bawal mainlove." Sabay namin sabi.
"Okay. Deal! Yun lang pala eh." Sabi ko sabay lahad ng kamay ko.
"Deal." Sabi niya at nakipagshake hands.
KINABUKASAN..
"Sure kana ba jan?" Tanong sakin ni PJ.
Nasa Laboratory kami ngayon. Nagdidisect ng frogs.
"Oo naman. Madali lang naman 'to." Sabi ko sa kanya. Naikwento ko kasi sa kanya yung pinag-usapan namin ni Jin.
"Sure ka ba na hindi ka talaga maiinlove kay Jin?" Tanong niya. Aba! Tinatanong pa ba yan? Never ako magkakagusto kay Jin as in..
N-E-V-E-R. Okay?
Tumingin ako sa kanya.
"Duh! Never!" Sabi ko sabay balik sa pagbabalat ng frog na hawak ko.
"Okay. Sabi mo eh." Nagkibit balikat na sabi nya sakin.
"Wala ka bang tiwala sakin?"
"Wala." Mabilis na sagot nya.
Aba! Hinahamon ako ng PJ na 'to ah!
"Maraming pwedeng mangyari sa isang oras paano pa kaya sa isang linggo, buwan o taon. Ang feelings ng tao nag-iiba din." Seryosong sabi niya. Tumingin siya sakin.
"Malay mo bukas mahal mo na pala sya." Sabay ngiti ng makahulugan. Umalis na naman ito at iniwan akong nakanganga.
What the...
Ano daw? Seriously? Ilang taon na si PJ? Baka naman kamag-anak 'to ni Matteo Do. Kung makapag salita parang ang tagal na niyang nabubuhay mundong ibabaw.
My gasss!!!
---
Sorry ang pangit ng ud ko. Phone lang kasi gamit ko kaya yan lang nakayanan. Hehe. Bawi na lang.
VOTE AND COMMENT.
BINABASA MO ANG
Akin Ka Lang
Fiksi RemajaAng gusto ko lang naman ay ang tulungan siya. Tulungan na magkabalikan sila. Pero bakit sadyang mapaglaro ang tadhana... Pinigilan kong magkagusto sa kanya pero sadyang makulit ang puso ko at nagkagusto ako sa boyfriend ng kaibigan ko. --Yra She was...