Chapter 14
YRA'S POV
"Ugh! Ang sakit ng ulo ko." Reklamo ko habang hinahawakan ko ulo ko. Naparamin din ata ang inom ko kagabi at hindi ko na din alam kung paano ako nakarating kwarto ko.
Naalala ko pa na, pinuntahan ako ni Jin dito. Siguro panaginip lang 'yon.
Napatingin ako sa wall clock ko. 2pm na pala.Nagpunta ako ng C.R at naligo, pagkatapos kong naligo ay nagbihis at humiga ulit ako at pumikit dahil tamad ako ngayong araw na 'to.
Wala naman pasok kaya okay lang na maghapon akong humiga dito tsaka wala din ako sa mood para maggagala sa kung saan lalo na't namimiss ko siya... Hay!
Inaamin ko naman na may pagdadamdam ako kay Jin pero namimiss ko parin siya.
Naramdaman ko naman ang paghalik ng kung sino sa pisngi ko. Napamulat ako at nakita ko ang mukha ni Jin na nakangiti. Napaupo naman ako bigla.
So, hindi pala ako nananaginip kagabi? Totoo ngang nandito siya at siya ang nagbuhat sakin dito sa kwarto.
"Jin..,"
Hinalikan niya lang ako sa labi. Dahil sa pagkabigla ay hindi agad ako nakatugon pero kalaunan ay tumugon na rin ako sa kanyang mga halik.
Napapikit na lang ako sa sobrang sarap. Sobrang namiss ko siya. Puno ng alab at pagmamahal ang bawat paghalik niya sakin.
Kapwa kami hinihingal ng maghiwalay ang aming mga labi. Idinikit niya ang noo niya sa aking noo habang ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa pisngi ko.
"I'm sorry mahal ko. Ang dami ko ng kasalanan sa iyo." Paghingi ng tawad ni Jin.
Hindi ko magawang magalit sa kanya dahil sobrang mahal ko na siya.
Nagsimula na naman magtubig ang aking mga mata.
"Sshh! Tama na please. Mahal na mahal kita Yra." Sabi niya sabay halik sa aking noo.
"Alam mo bang nagtatampo ako sayo pero hindi kita matiis kasi mahal na mahal kita." Naiiyak kong sabi.
"Ang sakit lang kasi. Alam ko naman na mahal mo ako pero ang sakit lang na makita ka na kasama mo siya. Hindi ko magawang magalit sayo kasi mahal kita. Mahal kita Jin. ikaw lang ang minahal ko ng ganito." Panay pa rin ang pagtulo ng luha ko.
"Ikaw lang din ang minahal ko ng ganito Yra. Pasensya na sa mga masasakit na naidulot ko ng ganito. Masyado lang magulo ang lahat pero pangako ko sayo na ikaw na lagi ang uunahin ko. Tama na, okay?" Sabi niya at hinalikan ulit ang labi ko.
"Hay bakitba napakaiyakin mo na ngayon ha?" Pabirong sabi ni Jin sakin.
"*pout* Kasalanan mo naman kasi eh!" Nakahiga kami sa kama ko. Nakaunan ako sa mga braso niya habang yakap yakap siya.
"*laughs* Halika ka nga dito." Yinakap niya ako at hinalikan ulit sa labi.
"I love you wifey." Nakangiting sabi niya tsaka humalik ulit. Hay! Sagana sa halik. Hahaha!
"I love you too hubby." Nakangiting sabi ko.
"Tara date tayo?" Pag-aya niya pero umiling lang ako. Tinatamad kasi talaga akong kumilos ngayon.
"Tinamad akong lumabas." Sabi ko.
"Kaya tumataba ka eh puro higa na lang ginagawa mo." Sabi niya.
Ako mataba? Duh!
"Excuse me?! Sexy kaya ako. Duh!" Sabay irap ko sa kanya.
"Tara na kase." Pagpupumilit niya.
"Ayaw." Pagtanggi ko pa rin.
Pero in the end...
"Kain muna tayo ah? Alam kong gutom kana." Sabi ni Jin habang nagmamaneho.
Yes. In the end napapayag niya din ako.
"Buti naman at naisip mo."
"Wifey ko. Wag ka na magiinom sa susunod ah." Seryosong sabi niya.
"Wag ka ng mapakalasing ng ganun." Sabi niya ulit.
Hinalikan ko muna siya pisngi. "Hindi na po." Nakangiting sabi ko.
Hinawakan niya ang kamay ko habang ang isang kamay niya ay nasa manibela.
Abot langit ang mga ngiti namin ngayon. Sana lagi na lang ganito. Sana nga tuparin niya yung pangako niya kasi baka tuluyan na akong sumuko sa susunod.
After 15 minutes nakarating din kami sa mall. Papasok na kami ng mall ng biglang...
*Ringgg... Ringgg...*
"Sinong tumatawag?" Tanong ko kay Jin. Napansin ko kasing hindi niya sinasagot yung tawag.
"A-Ah wala. Hindi naman importante. Tara na." Nakangiting sabi niya tsaka hinawakan ang kamay ko. Nagkibit balikat na lang ako.
*Ringgg... Ringgg...*
"Sagutin mo na kaya yan." Sabi ko sa kanya.
"Hindi naman importante, hayaan mo na."
"Sige na, kanina pa kasi iyan oh. Okay lang naman sakin." Tumango lang siya at sinagot niya ang tawag.
"What?" Rinig kong sabi ni Jin na may halong pagkairita. Nakatingin lang ako sa kanya.
"A-Ano?! Sige papunta nako." Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa ospital kasi... yung b-barkada ko. Kailangan kong pumunta." Sabi niya pero napansin ko ang pagiwas niya ng tingin sa akin.
"Ganun ba? SIge puntahan mo na siya, okay lang naman ako." Sabi ko kahit na hindi. Hindi ko alam pero feeling ko nagsisinungaling na naman si Jin sa akin.
"Are you sure?" Tanong niya sakin. Tumango lang ako.
"Pupuntahan na lang kita sa bahay, okay?" Sabi niya sabay halik sa akin at umalis na.
Aalis na sana ako pero nakita ko ang sarili kong tumawag ng taxi at sinundan ang kotse ni Jin.
Habang nasa loob ako ng taxi hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaluha. Pamilyar sa akin ang daan na tinatahak namin.
"Okay lang po ba kayo ma'am?" Tanong sakin ni Manong.
"H-Hindi po manong. Hindi po." Umiiyakna sabi ko.
"Magiging okay din po ang lahat." Makahulugang sabi ni manong sakin.
Pinunsan ko ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi.
"Manong jan na lang po." Nagbayad ako at nagmadaling bumaba ng taxi.
Nasa tapat na ako ng bahay ni Leah.
Pumasok na ako dahil hindi naman sarado ang gate at pinto. Wala din sumalubong sa akin na mga maids. Mukhang mag-isa lang siya sa bahay. Pumunta ako sa kwarto ni Leah. Kakatako sana ako pero mas minabuti ko ng wag na lang.
Pagbukas ko ng pintuan para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. Si Jin at Leah naghahalikan. Halos maghubad na nga si Leah eh.
---
Nakapag-update din! Woah! Hahaha. Sorry ngayon lang nag-ud naging busy sa school dahil finals namin last week pero ngayon smebreak na kaya... Parteh! Parteh na guys! Hahaha.
VOTE AND COMMENT.
BINABASA MO ANG
Akin Ka Lang
Novela JuvenilAng gusto ko lang naman ay ang tulungan siya. Tulungan na magkabalikan sila. Pero bakit sadyang mapaglaro ang tadhana... Pinigilan kong magkagusto sa kanya pero sadyang makulit ang puso ko at nagkagusto ako sa boyfriend ng kaibigan ko. --Yra She was...
