NINETEEN

192 4 0
                                    

Chapter 19

YRA'S POV

Nandito kami sa canteen kasama sina Jin, David, Precious and Joyce. Si Leah naman ay medyo ilap samin dahil nga sa nangyari pero okay na kami nag-sorry na siya at nagsisi na talaga siya. Nagkakasama naman kami kapag kami lang ng girls pero for now iwas muna siya kapag kasama yung dalawang boys. David & Jin. Si PJ naman hinihintay namin dumating.

Wag na kayo magtaka kung bakit nagkasundo yung tatlong tukmol na 'to. Basta nakita ko na lang na nag-uusap sila.

"Gross." Maarteng sabi ni David habang nakatingin kay Precious na kumakain ng carbonara na binigyan niya ng hot sauce.

Binigyan naman ng middle finger ni Precious si David na ikinagulat ko. Precious being a bad ass? Woah! Iba ata 'to.

"Sorry but you're not my type." Sabi ni David. Maganda naman si Precious medyo chubby nga lang pero maputi at maganda siya. May lahi siya dahil sa mata niya na kulay blue. Half lang naman.

"Asa ka naman magugustuhan din kita." Mataray na sabi ni Precious. Natatawa na lang ako sa kanila.

"I know you like me. Isa ka sa mga kinikilig noong kinuha ni Yra yung nu--" hindi na natuloy ni David ang sasabihin niya dahil nagsalita na si Precious.

"Oh shut up! Past is past." Sabi ni Precious. Natatawa ako sa kanila.

"May chance ba?" Bulong sakin ni Joyce.

"Meron." Bulong ko din pabalik at nagkatawanan kaming dalawa.

Patuloy pa rin sa pang-aasar si David kay Precious.

"Bat ang taba mo?" Pang-aasar niya. Nakita ko naman ang pagpipigil ng isa at kulang na lang tasakan niya ito ng tinidor.

Nakita ko na si PJ na papunta dito at nakita ko ang nakakalokong ngiti niya. Pinuntahan niya si Precious at niyakap. Playing cupid na naman si PJ.

"Hmm~ ang sarap mong yakapin." Sabi niya at pinagigilan ito. Nakita ko naman ang pag-ismid ni David.

"Seloso." Bulong ni Jin. Natawa naman ako.

Naging masaya naman kami ni Jin pero hindi ko alam kung kami ba o M.U lang. I mean... kahit na alam namin na mahal namin ang isa't isa iba pa rin yung alam mo kung anong meron kayo. Sa sitwasyon namin nagsimula kami sa fake-relationship. Pinagselosan lang namin si Leah.

Hindi naman siya nagtatanong or wala din naman siyang sinasabi tungkol samin basta alam namin masaya kami.

Kwentuhan lang kami. Pampalipas oras bago umuwi tapos ay nag-aya na din kami umuwi.

"Are you okay?" Tanong ni Jin habang nasa sala kami nanonood ng movie.

"Okay lang naman. Bakit?" Tanong ko.

"Nothing. Ang tahimik mo lang kasi magmula kanina." Sabi niya. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Pagod lang siguro ako at medyo inaantok na ako kanina eh. Ang aga kasi ng pasok ko kanina." Pagdadahilan ko. Tinignan niya ako ng mabuti.

"Tell me wifey..." sabi niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Napabuntong hininga naman ako. "Ano ba ako sayo?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw ang taong pinakamamahal ko." Sabi niya at hinalikan ako sa noo. Napapikit ako.

"Mahal din kita." Sabi ko at ngumiti. Pinilit kong hindi magmukhang peke ang ngiti ko.

Gusto kong marinig na girlfriend niya ako. Alam kong napakademanding pero kasi kahit sinong babae naman mas gusto ang may label ang relasyon na kung anong meron sa kanila ng taong mahal nila.

"Yra, I need to go." Sabi nu Jin habang hawak ang phone niya na parang may binabasa. Kanina pa siya cellphone ng cellphone. Hindi ko naman tinanong baka sabihin niya nakikialam ako.

"Saan ka pupunta? May nangyari ba?" Tanong ko. Mukhang nagmamadali kasi siya.

"Not really but I really need to go. Sige na, bukas na lang. Bye! I love you!" Sabi niya at hinalikan ako sa labi tsaka nagmadaling umalis. Hindi ko na pinigilan dahil mukhang importante kahit sinabi niyang 'Not really.'

Biglang nag-ring ang phone ko. Si Mommy. Sinagot ko ito. Matagal-tagal na din pala ako hindi nakakauwi.

"Hello Mom!" Masiglang sabi ko.

"How are you hija? How's your study?" Tanong niya sakin.

"Okay naman po. Miss ko na kayo." Sabi ko. Miss ko na talaga sila.

"Miss kana din namin. Malapit na tayo magkita." Sabi niya.

"Dalaga kana talaga. Parang dati lang baby kapa pero ngayon kaya mo ng tumirang mag-isa sa bahay." Madramang sabi ni Mommy. Nagdradrama na naman siya.

"Ako pa rin naman po ang baby niyo. Kayo po talaga." Natatawang sabi ko.

"Mom meron po pala ako sasabihin." Sabi ko. Kailangan ko ng sabihin sa kanila yung kay Jin.

"Ano yon anak?" Tanong ni Mommy.

"Meron lang po sana akong gustong ipakilala sainyo na lalaki. Uhm... you know... basta alam niyo na po gusto kong sabihin." Nahihiyang sabi ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

"Dalaga kana talaga anak. Sure, kailan ba yan?" Tanong ni Mommy.

"Sa sembreak po." Sabi ko. Napag-usapan na namin ni Jin yon pumayag naman siya.

"Okay. So... tell me about him." Maintrigang tanong ni Mommy. Napangiti naman ako. Kahit kailan talaga.

"Mabait at mapagmahal po siya. Ang dami na nga po namin napagdaanan pero... ewan ko po. Masaya naman po kami pero kasi hindi ko alam kung anong label bang meron kami. Siguro nga po mahal niya ako at ramdam ko yun pero Mommy alam mo naman ang ibig kong sabihin diba?" Malungkot na sabi ko.

"Alam mo anak sa isang relasyon importante talaga ang tiwala. Tiwala niyo sa isa't isa. Kung alam mo na mahal mo siya at mahal ka din niya kahit na naging kayo ng biglaan lang kahit na walang monthsaries at anniversaries okay lang ang mahalaga eh masaya at nagtitiwala kayo sa isa't isa. Kami nga ng Papa mo biglaan lang din. Noong una siguro nagduda ako akala ko naglalaro lang kami pero noong ipinakilala na niya ako sa mga magulang niya nawala ang pagdududa ko. Muntik na din kami masira dahil sa kawalan ng tiwala ko sa kanya pero buti na lang naagapan namin yun. Hindi kami nagpatalo lalo pa nga kami tumibay kaya tignan mo masaya kami." Sabi ni Mommy. Napangiti naman ako.

"Thanks Mom. I miss you." Nakangiting sabi ko.

"I miss you too anak." Sabi ni Mommy. Konting kwentuhan pa at tsaka nagpaalam na din si Mommy.

Nagpunta na ako sa kwarto para magpahinga pero napatingin ako sa orasan. 11pm na pala. Hindi pa nagtetext o tumatawag si Jin kaya tinawagan ko siya.

Ilang ring lang ay sinagot na din niya.

"Hello???" Sagot ng babae sa kabilang linya. Tinignan ko ang phone ko para malaman baka nagkamali lang ako pero si Jin talaga ang tinawagan ko.

"Hello?? Bakit hindi ka nagsasalita??" Sabi ulit niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Boses pa lang kilala ko na.

"Leah sino yan?" Tanong lalaki sa background at si Jin iyon. Lalong nanlaki ang mata ko tsaka pinatay ang phone.

No... wag masyadong T.H. Yra baka may kailangan lang si Leah.

"Tandaan mo sinabi ng nanay mo. Magtiwala ka kay Jin. Mahal ka niya alam ko naman yun diba Yra?" Pagpapaalala ko sa sarili ko.

Hindi manloloko si Jin. Mahal niya ako at may tiwala ako sa kanya.

Tiwala. Tiwala. Tiwala.




---
Last chapter na lang.

VOTE AND COMMENT.

Akin Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon