Chapter 13
Isang linggo na din ang nakalipas. Isang linggo na din hindi pumapasok si Leah. Nag-aalala na nga kaming mga kaibigan niya para sa kanya lalo na ako. Kahit papaano ay mahalaga pa rin naman siya sakin.
At ngayon naman ay nakatingin lang ako sa phone ko, naghihintay ng tawag o text galing kay Jin. Buong maghapon na niya kasi ako hindi tinetext. Hindi naman siya ganito dati.
Siguro ay busy lang. Masyado lang akong paranoid. Naku! Di maganda 'to baka sabihin ni Jin, masyado ko siyang sinasakal.
"Yra sasama ka ba mamaya? Bibisitahin kasi namin si Leah sa bahay nila." Sabi ni Precious sakin.
Mabilis naman akong tumango. "Oo naman." Pagsang-ayon ko.
"O sige basta after class. Puntahan na'tin siya ah?" Sabi ni Joyce.
"Okay." Nakangiting sabi ko.
Balak ko talaga na puntahan siya sa kanila dahil nag-aalala ako para sa kanya. Alam kong nasaktan ko siya at gusto kong humingi ng tawad sa kanya.
FAST FORWARD...
"Pindutin mo na yung doorbell." Sabi ni Precious kay Joyce.
"Bakit ako? Ikaw na lang?" Pagpasa naman niya. Nandito na kami sa harap ng gate nila Leah.
"Hay nako! Ako na nga lang." Pagprisinta ko sabay pindot sa doorbell. Matatagalan lang kami kung papanoorin ko pang magbangayan yung dalawa.
Nakita ko naman lumabas ang isa sa mga katulong nila.
" Magandang hapon po. Nandyan po ba si Leah? Mga classmates na ho kami." Tanong ko.
"Ay, oo. Halika kayo pumasok kayo mga hija." Linuwagan niya ang gate para makapasok kami.
Pagpasok namin sa kwarto nila ay itinuro naman niya samin ang kwarto ni Leah.
"Nasa taas ang kwarto niya, may bisita din itong lalaki. Sige puntahan niyo na. Ilang araw na din kasi itong hindi lumalabas ng silid niya." Pagpapaliwanag niya.
"Sige po. Maraming salamat po." Pagpapasalamat ko.
Tumango lang ito at ngumiti tsaka umalis.
"Ang laki din pala ng bahay ni Leah no?" Sabi ni Precious.
"Oo nga eh. First time ko din makapunta sa kanila." Sabi naman ni Joyce.
Habang paakyat kami ay may nararamdaman akong kaba. Hindi ko alam kung bakit. Dahil siguro sa natatakot ako sa kung anong pwede niya sabihin.
Nasa tapat na kami ng kulay pink na pinto. Eto lang naman kasi ang kulay pink na pinto dito.
"Yan na siguro. Katok ka na." Sabi ni Joyce.
*TOKT! TOK! TOK!*
"Ma-- Yra?!" Gulat na gulat na sabi ni Jin sakin. Rinig ko naman ang sabay na pagmura ng dalawa sa likuran ko.
"Jin sino yan? Si manang ba yan?" Sabay labas ni Leah at nagulat din ng makita ako.
"Y-Yra?" Garalgal na sabi ni Leah.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong sakin ni Jin pero hindi ko pinansin.
"Anong ginawa niyo dito?" Tanong samin ni Leah.
"Sosorpresahin kasi dapat namin pero mukhang ako pa ata ang nasorpresa." Mapait na ngumiti ako sa kanila.
Ayokong mag-isip ng kung ano pero hindi ko maiwasan. Kaya ba hindi siya nagtetext ay dahil kasama niya si Leah buong maghapon.
Naiisip ko pa lang 'yon ay sasabog na ang utak ko sa selos.
Oo! Nagseselos ako. Hindi naman maiiwasan 'yon lalo na't bago-bago pa lang ang hiwalayan nilang dalawa.
"Sige. Mauuna na kami. Dinadalaw ka lang naman namin baka kasi may nangyari ng hindi maganda sayo pero mukhang okay na okay ka naman." Sabi ko.
"Tara na." Sabi ko sa dalawa. Tumango naman sila at hindi na umangal.
"Yra, mag-usap tayo." Pigil sakin ni Jin.
"Saka na tayo mag-usap Jin." Malamig na sabi ko sakanya at dire-diretsong lumakad na.
Hinihiling kong sana ay habulin niya ako pero nakasakay na kami ng taxi pero walang Jin na humabol samin.
Mas lalo akong nalungkot sa nangyari. Ang daming naglalaro sa utak ko. Ang daming gumugulo sa isip ko.
Pagdating ko sa bahay ay diretso sa kusina. Kumuha ng yelo at umupo dito sa stool sa may bar counter sa kusina.
Gusto ko munang makalimot kahit ngayon araw lang. Tama na muna ang kakaiyak kahit ngayon araw lang. Sawang-sawa na kasi ako.
JIN'S POV
Dumiretso agad ako sa bahay ni Yra. Buong akala ko ay magiging okay na ang lahat pero hindi pa pala.
Hindi ko pwedeng iwan di Leah ngayon lalo na't nagtangka siyang magpakamatay noong isang araw.
Ayoko naman na may magbuwis ng buhay ng dahil lang sakin kaya naman ay mas minabuti ko ng magstay muna ng kahit ilang araw kay Leah para din naman sa ikabubuti naming lahat.
Pagdating sa loob ng bahay niya ay tinungo ko agad ang kwarto niya pero wala siya. Lalabas sana ako pero may narinig akong parang nabasag sa may kusina.
Mabilis akong nagpunta doon at nakita ko ang nakayukong si Yra. Lasing na lasing.
"Yra... Mahal ko. Tara na sa kwarto mo." Sabi ko habang mahinang tinatapik-tapik ko siya sa mukha.
Tumingala siya sakin at tinignan ako pero halatang lasing na ito dahil ang pugay ng mga mata niya.
"Hubby ko! Nandito ka pala." Lasing na sabi niya.
"Tara na sa taas Yra." Akmang bubuhatin ko siya pero pinigilan niya ako.
"Shabi mo mahal mo ako."
Nakatingin lang ako sa kanya. Alam kong gulong-gulo na siya.
"Mag-usap na lang tayo bukas Yra."
"Makikipag-hiwalay kana ba? Ay... mali! Walang tayo. Ni hindi ko nga alam kung tayo ba o hindi eh." Tatawa-tawa niyang sabi. Pagkatapos ay nakatulog na ulit siya.
Binuhat ko siya at dinala sa kwarto niya. Inayos ko siya sa pagkakahiga at kinumutan siya.
Tumabi ako sa kanya at hinahawi-hawi ang buhok niya.
"Wag mo akong iwan Jin." Bulong niya pero nakapikit pa rin. Napangiti naman ako dahil hanggang sa panaginip ay ako pa rin ang iniisip niya.
"Hinding-hindi. Mahal na mahal kita Yra." Bulong ko din sa kanya at hinalikan siya sa noo.
Nakapag desisyon na ako. Tama na 'tong mga kalokohan ko. Masyado ko na siyang nasasaktan at baka isang araw magulat na lang ako wala na pala siya sakin. Ayokong mangyari 'yon dahil hindi ko kakayanin.
---
Short UD guys. Sorry. Bawi na lang next time.
Magvote naman please! Maraming salamat!
VOTE AND COMMENT.
BINABASA MO ANG
Akin Ka Lang
Teen FictionAng gusto ko lang naman ay ang tulungan siya. Tulungan na magkabalikan sila. Pero bakit sadyang mapaglaro ang tadhana... Pinigilan kong magkagusto sa kanya pero sadyang makulit ang puso ko at nagkagusto ako sa boyfriend ng kaibigan ko. --Yra She was...