FOUR

281 5 0
                                    

Chapter 4

YRA'S POV

"Hoy' teh! Ba't hindi ka pumasok sa first class natin." Bungad sakin ni Precious.

Hindi ko ito pinansin sa halip sumubsob ako sa desk ko.

Sakit ng ulo ko. Shet! Napasobra ata inom ko kagabi. Grabe naman kasi itong si Jin. -_-

"Bangag na bangag ang dating mo ah." Sabi naman ni PJ.

"Nag-inom ka kagabi no?" Tanong ni Joyce.

Tumango lang ako habang nakasubsob pa rin ang mukha ko sa desk.

"Sinong kasama mo? Saan? Grabe hindi mo man lang inaya, kaya pala nagmamadali ka kahapon." -Joyce.

"Nakita ko nga siya kahapon. Kasama niya si--ASAKJJSGEWJKH!" Hindi na natuloy ni PJ yung dapat na sasabihin dahil agad kong tinakpan ang bibig nito.

Ayoko lang kasi may makaalam na kasama ko si Jin kagabi. Hindi kasi alam ni Leah na magkasama kami kagabi baka kung ano pang isipin nila.

"Wala. Mga highschool friends ko lang. Hehe." Sabi ko. Tumango na lamang sila.

Tinanggal ko na ang pagkakatakip sa bibig ni PJ at pinanlakihan siya ng mata.

"Highschool friends pala ah." Bulong ni PJ.

"Manahimik ka na lang pwede?" Pabulong na sabi ko din.

"I smell something fishy. Hmm~" Sabi naman ni PJ at ngingiting nakakaloko.

Binatukan ko ng maliwanag ang utak ng lalaking 'to. Kalalaking tao napaka malisyoso.

"Magtigil ka nga jan. Fishy ka jan. Naghihingi lang ng tulong yung tao." Sabi ko.

"Girls, pahiram muna kay Yra." Sabi ni PJ kina Precious at Joyce. Aangal pa sana sila kaso nakaladkad na ako ng lalaking ito.

"Magkwento kana." Sabi niya pagakaupo namin dito sa may tapat ng pintuan sa may likuran.

"Ano naman ikukwento ko sayo?" Takang tanong ko sakanya.

"Kasama mo si Jin kahapon diba? Dahil ba kay Leah?" Tanong niya.

Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ba pinoproblema ko sila?

Hay nakakainis! Kung hindi lang ako concern kay Leah at naawa kay Jin hindi ko naman dapat isipin ang mga 'to.

"So tama ako. Dahil kay Leah no?" Sabi ni PJ sakin.

Napaharap naman ako sa kanya.

"May sinabi ba ako? Alam mo ang dami mong tanong." Sabay irap sa kanya.

"Tignan mo kase.." Sabay nguso niya sa may labas na parang bang may tinuturo.

Napatingin naman ako sa may labas at nakita ko si Leah kasama si David. Nakita ko naman na pasimpleng tumingin sakin si David at kinindatan ako. Napairap naman ako. What a playboy!

Napaharap naman ulit ako kay PJ.

"He likes you." Sabi ni PJ pero hindi ko pinansin.

"Pumasok ba kanina si Leah?' Tanong ko kay PJ.

"Nope." Sabay iling nito.

"Shit! Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng 'to." Sabay hawak sa may noo ko.

Napatingin ulit ako sa may labas at nakita ko sina Leah at David na masayang naguusap at kung titignan mo ay parang may relasyon ang dalawa.

Tumayo ako pinuntahan sila.

"Leah." Mariing sabi ko sa kanya.

"Uy. Yra ikaw pala." Nakangiting sabi sakin ni Leah.

"Hi Yra." Nakangiting bati sakin ni David.

Hindi ko siya pinansin sa halip ay nakatingin lang ako kay Leah.

"Magkasama ba kayo kanina?" Tanong ko.

Tumango lang si Leah na parang kinikilig.

"Si Jin papunta dito." Bulong sakin ni PJ.

Agad naman hinanap ng paningin ko si Jin at nakita ko siyang papalapit samin.

"Ikaw ng bahala sa mga gamit ko. Magkita tayo mamayang lunch." Mabilis na sabi ko sa kanya.

"Sumama ka sakin." Sabay hawak sa wrist ni David at kinaladkad siya paalis.

Hindi na nakaangal si Leah dahil nakita kong tinawag siya ni Jin.

"T-Teka nga, saan ba tayo pupunta?" Tanong sakin ni David habang kinakaladkad pa rin siya.

Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay patuloy pa rin ako sa paglakad.

Kahit ako ay hindi ko alam kung saan kami pupunta. Sa lawak ng school namin sigurado naman akong may maganda mapupuntahan din kami.

Makaraan ang ilang segundo ay nakarating kami sa may garden ng school. Umupo kami sa bench.

Katahimikan ang bumalot sa amin. Walang nagsasalita.

"Hindi ka ba papasok?" Tanong sakin ni David.

"Late na din naman ako kaya hindi na." Sabi ko sa kanya. Nang dahil sayo kaya hindi ako nakapasok.

"May sasabihin ka ba?" Tanong ulit niya.

Napabuntong hininga ako. Kailangan ko siyang balaan.

"May boyfriend na si Leah." Sambit ko.

Hindi siya sumagot. Katahimikan ulit.

"Bakit mo sinasabi sakin 'to." Pambasag niya sa katahimikan.

"Dahil ayokong maguluhan si Leah. Ayokong masaktan si Jin, silang pareho." Matigas na sabi ko.

"Wala akong gusto kay Leah." Sabi niya.

"Then bakit mo pa siya nilalapitan na parang may gusto ka sa kanya. Alam mo naman na may crush siya sayo at ang ikinakatakot ko lang ay baka mahulog na ng tuluyan ang loob niya sayo." Mahabang lintaya ko.

"May gusto ka ba kay Jin?" Tanong niya na ikinaharap ko sa kanya.

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya.

What the fuck? Nakadrugs ba 'to?

"Nakadrugs ka ba? Wala syempre!" Pagtanggi ko. Wala naman talaga akong gusto dun no.

"Be my girlfriend, Yra." Puno ng sinserdad na sabi nito na ikinagulat ko ng sobra.

Ano daw?!

Gusto niyang maging boyfriend ko siya?!

NABABALIW NA BA 'TONG LALAKING 'TO?!!



VOTE AND COMMENT.

Akin Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon