THREE

320 7 0
                                    

Chapter 3

YRA'S POV

Nandito kami sa apartment ng classmate kong si Precious. Dito kasi kami ngayon naglulunch dahil 2 hrs naman ang break namin.

Bumibili na lang kami ng pagkain namin. Share-share syempre or o-order na lang kami kapag tinatamad.

Habang kumakain napansin ko naman si Leah na panay ang text. Siguro katext niya si Jin. Kanina pa kasi yan eh. As in kahit kaninang nagkaklase kame ay panay ang text niya.

"Bruha! Sino pa ba yang katext mo at may ngiti-ngiti kapa jan. Kanina pa yan eh." Tanong ko.

Ngumiti naman ito na parang kinikilig pa.

"Si Jin no?" Tanong ko ulit. Umiling naman siya.

Hindi si Jin? E sino? Break na ba sila?

"Si David 'teh." Nakangiting sabi niya.

Napatigil naman ako sa pagkain ko at tinignan siya ng seryoso.

"Alam mo ba madalas ko na nga siyang katext kaysa sa boyfriend ko. Siya din yung kausap ko kagabi. Alas tres na ata kami natulog." Kwento nito.

"Hoy babae! Pinapaalala ko lang sayo may Jin kana kaya tigil-tigilan mo yang David na yan ah." Pagpapaalala ko.

"Oo na. Alam ko naman yun." Sabi nito. Napailing na lang ako.

Gusto ko pa sana siyang pagsabihan pero baka sabihin niya eh nakikialam na ako sa buhay niya at ng boyfriend nito.

Natapos ang klase namin at nauna na ako sa kanila. May pupuntahan pa kasi ako.

Nandito ako sa may malapit sa school. Isa siya Korean Resto pero sa labas ay parang Bar ang dating. Sa loob kasi nito ay Resto.

Nasa labas ako hinihintay si Jin. Yes. Si Jin nga, wala naman dapat akong balak na pumunta pero kasi naawa naman ako. Mukhang may problema sila ni Leah.

"Sorry ngayon lang ako, kanina kapa ba?" Tanong sakin ni Jin pagkadating niya.

"Hindi naman. Ayos lang. Ano bang pag-uusapan natin?" Tanong ko sakanya.

Napabuntong hininga siya bago nagsalita ulit.


"Si Leah kasi parang nawawalan na siya ng gana sa'kin. Sweet pa rin naman siya pero hindi na katulad dati. Tapos hindi na din siya madalas magtext kung magtext man eh ang bagal na magreply tapos laging busy ang number niya kapag tinatawagan ko siya." Sabi nito.



Napaisip naman ako bigla.


Naalala ko yung sinabi sa akin ni Leah kanina.




"Alam mo ba madalas ko na nga siyang katext kaysa sa boyfriend ko. Siya din yung kausap ko kagabi. Alas tres na ata kami natulog."



"Baka naman busy lang. Marami kasi kaming ginagawa ngayon eh." Pagdadahilan ko. Ayokong manghimasok sa relasyon nila tsaka baka busy talaga si Leah sa bahay nila hindi lang halata sa school.

"Sana nga. Mahal ko si Leah." Sabi ni Jin. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ibang-iba siya noong first meeting namin.

"Mahal ka din nun. Promise." Sabi ko sabay ngiti sakanya. Alam kong mahal din siya ni Leah. Ramdam ko naman yun eh.

"Urgh! Bakit ko ba sinasabi 'to sayo? Baka nga siraan mo pa ako kay Leah eh." Sabi niya. Siraulo pala 'to eh.

"Gago ka pala eh! Ikaw na nga 'tong tinutulungan ikaw pang ganyan. Bahala ka nga sa buhay mo!" Akmang tatayo na sana ako kaso pinigilan ako ni Jin.

"Wait! Hindi ka naman mabiro. Sorry na okay?" Wala naman akong nagawa kundi umupo ulit.

"O ano na?" Tanong ko sa kanya.

"Tara inom tayo? My treat." Sabi niya sabay tawag sa waiter. Hindi pa nga ako pumapayag eh umoorder na nga.



"Alam mo madalas kitang makita sa school noong high school." Sabi niya.






"Weh? Kilala ka ng mga classmates ko pero ako alam ko lang pangalan mo." Sabi ko naman.

"Gwapo kasi ako. Hahaha." Mayabang na sagot niya.

Ang yabang talaga nito. Gwapo si Jin, ayoko naman magpakaimpokrita no. Sino bang hindi maggwapuhan o magkakausto dito? Matangkad, matangos ang ilong medyo at syempre mahahalata mo rin na maganda ang pangangatawan nito. May hawig ka siya kay Zac Efron eh pero medyo lang naman.



"Madalas kitang makita, medyo crush nga kita nun eh." Nakangiting sabi niya.



Ano daw? Ako? Crush nito?



Baka naman pinagloloko lang ako ng gagong 'to.



"Hoy! Ako ba pinagloloko mo? Hindi mo parin ba makalimutan yung ginawa ko sayo sa elevator kaya moko ginaganyan ha?" Mataray na sabi ko sa kanya.


"Oh! Buti pinaalala mo, sisingilin pa pala kita dun." Sabi niya sabay pitik ng kamay niya sa hangin.


"Huh? Wag mong sabihin ako magbabayad ng lahat ng 'to?" Sabay turo sa mga inorder niyang alak at pulutan.

"Hindi, baliw." Sabay pitik sa noo ko.



Napapikit na lang ako at hinawakan ang noo ko sabay tinignan siya ng masama.



"Saka ko na pagiisipan kung ano hihingin ko sayo." Sabi niya, nagkibit balikat na lang ako. Bahala siya.




Katahimikan na naman ang namalagi samin.









"Diba sabi mo medyo crush ma ako nun. Bakit naman?" Tanong ko at pambasag na rin ng katahimikan. Nacurious lang ako.


"Curious siya. Uy!!" Pang-asar niya.

"Edi wag, bwisit!" Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Eto naman hindi mabiro. Hahaha." Natatawang sabi niya.




"Napaka-natural mo kasi sa sarili mo at alam mo bang kilalang kilala kayo sa school?" Tanong niya.

"Kame?" Takang tanong ko. Kilala kami sa school? Talaga? Parang hindi ko alam yun.


"Yes! Kayo ng mga barkada mo. Sa kanilang lahat ikaw yung tahimik lang pero may sense kausap. Marami nga nagsasabi na ikaw daw pinaka-matured mag-isip sainyong lahat." Sabi niya.


"Weh? Talaga? Sino naman nagsabi niyan sayo?" Tanong ko. Jusko! Peymus lang peg ko? Hahaha.

"Katulad ng sabi ko kanina, kilala kayo sa school. Syempre maraming nagsasabi nyan sayo. Sabi pa nga nila ikaw daw ang pinaka mabait sainyong lahat pero parang hindi naman." Pagkasabi niya nun ay agad ko naman binatukan. Mabait naman talaga ako ah!


"Kitams! Napakabrutal mo. Sakit nun ah!" Sabi niya sakin habang hinimas ang ulo niya.

"Ewan ko sayo Jin." Sabay irap sakanya.

"May nakalimutan pa pala akong sabihin." -Jin.

"Ano naman? Siguraduhin mo lang matutuwa ako ah." -Ako.




"For me, You are the most beautiful of them all." Nakatitig na sabi sakin ni Jin.









VOTE AND COMMENT.

Akin Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon