ELEVEN

316 15 1
                                    

Para sayo 'tong chapter na 'to. Ikaw kasi ang pinakaunang nagcomment at nagvote. Hahaha. Chalamat!

---

CHAPTER 11

YRA'S POV

"W-WHAT?!!" Goodness gracious! Pati ba naman si PJ?!

Nakatingin lang siya sakin na parang wala lang sa kanya yung sinabi niya.

"Don't tell me aayain mo rin akong maging girlfriend?!" Ganitong-ganito yung ginawa sakin nila David at Jin eh. Triplets ata sila eh. Tsk!

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya. Napakunot-noo naman ako sa kanya.

Ano bang tinatawa-tawa nito? Nakakainis ah!

"Hoy! Anong nakakatawa?!" Inis na sabi ko.

"Ganyan ba yung sinabi ng dalawa sayo?" Nakangiting tanong sakin ni PJ.

Lalo naman ako napakunot-noo sa tanong niya.

"Jin and David. Duh." Sabay irap sakin. Aba! May pairap-irap pang nalalaman ang lokong 'to. Tusukin ko mata neto eh!

"Ewan ko sayo!" Tsaka umiwas ng tingin sa kanya.

Ayokong sabihin na ganyan din ang sinabi sakin ng dalawang yan. Sigurado akong pagtritripan lang ako nito.

"Kung aayain ba kitang maging tayo, papayag ka ba?" Tanong niya sakin na ikinagulat ko. Napatingin naman ako sa kanya.

"PJ!" Tawag ko pangalan niya na parang sinasabing tumigil na siya.

"What?" Pa-inosenteng tanong niya sakin.

What-whatin ko kaya mukha nito. Azar!

"Hindi tayo talo no!" Sabay hampas sa braso niya

"Bakit may kasamang palo pa? Parang nagtanong lang eh." Sabi habang hinimas ang braso niya.

OA naman nito! Parang ang sakit talaga ng palo ko sa kanya.

"Alam kong hindi ka naman papayag no. At mas lalong hindi kita pipilitin maging tayo lalo na't alam kong may iba kang gusto." Seryosong sabi niya na nakatingin sa'kin.

Nakatitig lang ako sa medyo bilog na mata ni PJ. May nasilayan akong parang, lungkot? sakit? Hindi ko alam kung guni-guni ko lang 'yon o talagang ganun ang nararamdaman ngayon ni PJ.

Kaagad naman itong nag-iwas ng tingin sakin tsaka hinila ako.

"Tara na nga baka maabutan pa tayo ni Jin." Sabi niya. Hindi na lang ako nagsalita at nagpatinaod na lang sa kanya.

"Nga pala, update na lang kita kung kailan tayo magdadate. Kaya wag mo munang masyadong isipin yun. Friendly date lang naman, wag kang feeler jan." Mayabang na sabi nito.

Bnatukan ko nga. Yabang eh! Ako pa talaga ang feeler.

"Aray ko ah!" Sabay himas niya sa ulo niya.

"Yabang!" Sigaw ko sa kanya.

"Hays! Pasalamat ka gusto kita." Pabulong na sabi niya kaya hindi ko narinig yung huling sinabi niya.

"Ano kamo? Pwede ba lakasan mo! Bubulong-bulong pa kasi!" Inis na sabi ko.

"Bingi ka lang talaga! Bilisan mo nga paglalakad mo." Sabay akbay niya sakin.

Hinayaan ko na lang. Hindi naman kami talo ni PJ at alam niya yun.

Napatingin ako sa alarm clock na nasa side table.

God! It's already 3:00 AM but I'm still fucking awake!

Akin Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon