Chapter 5
YRA'S POV
"Nababaliw kana ba?!" Pasigaw na sabi ko sa kanya.
Hindi lang 'to nakadrugs kundi baliw na din!
Anong pinagsasabi niyang be my girlfriend?!
"Hoy David! Wag mo akong pinagloloko ng ganito dahil makakatikim ka talaga sakin!" Inis na sabi ko dito.
"I'm dead serious Yra. Ikaw itong gusto ko." Sabi niya ng seryoso.
"Huh! At ngayon sinasabi mo sakin na ako ang gusto mo. Ganyan din ba ang sinabi mo kay Leah?!" Hindi ko akalain na ganitong klase pala siya ng lalaki.
"Wala akong gusto kay Leah! Pinagbigyan ko lang ito dahil ang sabi niya'y gusto niya akong makasama." Mariing sabi nito.
Napahawak ako sa batok ko at tumingala. Sumasakit ang ulo ko sa kanila! This is bullshit!
Humarap ako sa kanya.
"AYOKO." Mariin at matigas na sabi ko sa kanya.
"Then, I'm sorry Yra. Hindi ko titigilan si Leah hangga't hindi ka nagiging akin." Sabay lakad nito palayo.
Naiwan akong nakanganga doon na hindi makapaniwala sa sinabi niya.
WHAT?!
Bakit ako pa?! SHIT LANG!
"Ahhhh!!! Nakakainis!!" Sabay gulo sa buhok. Wala akong pakealam kung may nakakakita man sakin dito.
Nakaka-stress silang lahat. Bakit ba ako nasama sa gulo nila?!
Tinext ko na lang si PJ at sinabing puntahan ako dito.
15 minutes na lang at matatapos na din kasi ang klase namin na hindi ko na naman pinasukan.
Makaraan ang labing-limang minuto ay nakita ko na si PJ na naglalakad papunta sakin.
"Oh." Sabay abot ng bag ko. Walang ganang kinuha ko ito.
"Parang kang nalugi sa mukha mo." Sabi niya at umupo sa tabihan ko.
"Ay ewan! Ayokong isipin sila. Bahala sila sa mga buhay nila! Nakakainis!" Sabay padyak sa mga paa.
"Ano bang pinag-usapan niyo?" Tanong niya.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Gusto niya na maging kami para tigilan na niya si Leah." Sabi ko kay PJ.
"Ang kaso ayaw mo." Dagdag ni PJ.
Tumango lang ako sa sinabi nito.
Katahimikan ang bumalot sa amin. Ninanamnam ang simoy ng hangin.
"Gawin mo kung ano ang nakakabuti sa inyong lahat." Pambasag nito sa katahimikan.
Napatingin lang ako sa kanya na.
Nakakabuti? So sinasabi ba niyang kailangan kong pumayag na maging kami ni David para tumahimik na siya sa pangungulit kay Leah?
"Hindi ko sinasabing pumayag ka. At sabi ko lang ay gawin mo kung ano mas nakakabuti sa inyong lahat. Sa ayaw at gusto mo kasali ka sa gulo nila." Dagdag ni PJ.
Mind reader ang peg?
"Tara na nga! Nagugutom na ako." Sabay hila nito sakin.
Bahala na nga. Naloloka ako sa mga nangyayari sa life ko. Bakit ba kasi ako napasok sa ganito. Ang sarap maging single eh!
BINABASA MO ANG
Akin Ka Lang
TeenfikceAng gusto ko lang naman ay ang tulungan siya. Tulungan na magkabalikan sila. Pero bakit sadyang mapaglaro ang tadhana... Pinigilan kong magkagusto sa kanya pero sadyang makulit ang puso ko at nagkagusto ako sa boyfriend ng kaibigan ko. --Yra She was...