Chapter 2
YRA'S POV
I was like... OH MY GOD! Hindi ako makapaniwala na etong gungong na 'to ang boyfriend ni Leah.
"Yra, eto nga pala si Jin, boyfriend ko. Baby, si Yra. Yung nakukwento ko sayo na schoolmate natin dati." Sabi ni Leah kay Jin.
Magkaschoolmate kami ni Leah dati. Ahead lang ako ng 1 year sa kanila. Late kasi ako nag-aral ngayong college dahil wala pa akong napiling course kaya naman late na nakapag-aral.
So ayun nga, magkaschoolmate kami ni Leah pero hindi ko naman siya kilala nun. Ang sabi niya eh kilala niya ako dahil madalas daw niya akong makita sa campus. PEYMUS lang ang peg. Hahaha.
"Nakakatawa nga baby kasi hindi ka niya kilala." Natatawang sabi nito.
Eh sa hindi ko naman kilala yan eh. Wala kasi akong pakealam sa ibang tao. Naririnig ko ang pangalan ni Jin noong highschool pa lang ako pero hindi ko alam ang itsura nito. Basta ang alam ko lang eh, gwapo daw ito.
Gwapo nga, mayabang naman. Tss!
Nakatingin lang ako sakanila. Medyo nakakarecover na sa katotohanang si Jin at si Elevator boy ay iisa.
Nasa Mcdo kami malapit lang naman ito sa school, kasama syempre si Jin at iba pa namin kaklase. 12:30pm pa lang naman at mamaya pang 1:30pm ang next subject namin. 12pm kasi ang start ng break namin pero dahil hinintay pa namin ang iba kaya naman 12:30 na kami nakakain. Si Jin naman daw ay wala ng pasok. Half day lang pasok ni Jin at kami naman ay whole day. Ganyan talaga kapag nasa Medical Allied ka.
Hindi ko maiwasang pagmasdan sina Leah at Jin.
Mahahalata mong maalaga si Jin bilang isang kasintahan. Todo kasi ang pag-asikaso nito kay Leah. Siguro nga ay mabait ito bilang isang boyfriend.
Ang mga tingin nito kay Leah ay parang siya lang babae nasa harapan nito. Mahahalata mong mahal na mahal niya si Leah.
"Baka matunaw yung dalawa." Bulong naman sakin ni PJ.
Si PJ ang medyo nakakaclose ko na. Mabait si PJ at masasabi kong gwapo ito. Same age lang kami dahil dakilang shifter ang gag*. Kahit si Jin ay magka-edad lang kami.
"Parang gusto ko tuloy magkaboyfriend na." Pabirong sabi ko kay PJ. Ganyan kasi ako minsan pero actually ayoko pa talaga. Hahaha. Hindi naman ako nagmamadali eh.
"Alam mo ba akala ko kanina ay ikaw ang gusto nitong si Jin, iba kasi ang tingin niya sayo kanina. Kung hindi nga lang dumating si Leah ay malamang napagkamalan kong boyfriend mo siya." Sabi ni PJ.
"Anong tingin? Tingin na nakakapatay? May kasalanan kasi ako jan kaya ganun na lang makatingin. Wag ka ngang malisyoso." Sabi ko kay PJ. Nagkibit balikat na lamang ito.
Totoo naman. Yung mga titig niya sa akin kanina ay parang tumatagos hanggang sa kaloob-looban na aking katawan.
Kumain na lang ako ng fries at sinawsaw sa sundae. Trip ko lang, masarap naman eh.
"Yuck." Narinig kong sabi ni Jin.
Napataas ang kilay ko napatingin sa kanya.
"Arte!" Masungit na sabi ko sa kanya.
Alien ba 'to? At hindi alam na masarap isawsaw ang fries sa icecream. Tsk!
"Naku Yra! Hindi alam ni Jin kung ano ang masarap. Haha." Natatawang sabi ni Leah.
![](https://img.wattpad.com/cover/20270727-288-k25470.jpg)
BINABASA MO ANG
Akin Ka Lang
Teen FictionAng gusto ko lang naman ay ang tulungan siya. Tulungan na magkabalikan sila. Pero bakit sadyang mapaglaro ang tadhana... Pinigilan kong magkagusto sa kanya pero sadyang makulit ang puso ko at nagkagusto ako sa boyfriend ng kaibigan ko. --Yra She was...