Chapter 10
YRA'S POV
"Alam ko naman na sa una pa lang eh talo na talaga ako." Ngumiti ng mapait si David.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ko siya icocomfort gayong ako naman ang dahilan kung bakit siya nasasaktan ng ganito.
"Wag mo akong intindihin. Tara hanapin na natin sila." Yaya sakin ni David.
Ngumiti na lang ako at sumama sa kanya.
Iniisip ko na lang yung ginawa sakin ni Jin. Yung simpleng effort lang na ginawa niya sakin para kanina naramadaman ko na parang napaka-espesyal ko sa kanya.
Siya lang kasi ang gumawa sakin ng ganito. May mga naging boyfriend naman ako pero iba talaga yung Jin kahit na peke nga lang 'to.
Oo, inaamin ko. Mahal ko na si Jin. Hindi ko alam kung kailan at paano. Kinain ko lahat ng sinabi kong never akong magkakagusto sa isang katulad ni Jin.
Dumaan kami sa may dulo dahil mas madali dito. Konti nga lang ang dumadaan dito dahil wala naman elevator dito. Stairs lang talaga.
Pagdating namin ng second floor naramdaman ko na naiihi na ako kaya nagpaalam naman ako kay David.
"Samahan na kita. Hintayin na lang kita sa labas."
"Okay." Maikling sagot ko.
Napabitaw ako sa bulaklak na hawak ko dahilan para mapatingin silang dalawa.
Si Jin at Leah.
Hindi ko alam ang irereact ko sa sobrang pagkagulat.
Bakas din sa mukha nila ang pagkagulat.
Eto na naman yung masakit na nararamdaman ko. Parang pinipiga yung puso ko.
"I... I'm sorry. Hindi ko sinasadya. S-sige." Pinilit ko maging maayos ang pagsasalita ko sa harapan nila.
Umalis na lang ako ng walang pasabi. Tumakbo hanggang sa hindi nila ako mahabol. Hindi ko pinansin ang pagtawag nila sakin.
Gusto kong mapag-isa. Paulit-ulit rumerehistro sa utak ko ang paghalik ni Jin kay Leah.
Sa nangyari mas lalong naipamukha sakin na wala lang talaga ako kay Jin. Na si Leah pa rin ang para kay Jin.
Patuloy pa rin ang pagtakbo ko hanggang sa makarating ako sa likod ng school. Dito ay walang tao kaya makakaiyak ako ng maayos.
Umupo ako sa damuhan at sumadal sa malaking puno. Nakasilong dito kaya hindi mainit.
"Oh..." Sabay abot sakin ng panyo ng lalaking hindi ko pa kilala.
Napatingala ako at nakita ko si PJ.
Umupo siya sa tabihan ko.
"Hindi ko alam kung nagkulang ba ako sa pagbibigay ng payo sayo o talagang slow ka lang minsan." Pagsisimula niya.
"Wag mo munang sukuan." Sabi niya ulit na ikinatingin ko naman.
"Sayo siya at sa kanya ka lang. Nakikita ko sa mga kilos niyo yun. Hindi lang basta basta play yung ginawa niyo kundi totoo na."
"Hindi naman talaga siya para sakin simula pa lang. Alam ko na hindi kami para sa isa't isa." Alam ko yun dahil tumulong lang naman ako. Kumbaga way lang ako para sa kanila.
"Minsan kung sino pa ang nagiging tulay siya pa ang nakakatuluyan mo." Sabi niya.
"Sila na nga ata ulit eh." Mukhang sila na nga.
Naalala ko na naman yung kissing scene nila. Tsk! Si Jin ang humalik, alam ko dahil nakita ko yun. Nakita ko kung paano kabigin ni Jin ang ulo ni Leah.
Naninikip na naman ang dibdib ko dahil sa pangyayaring 'yon.
"Sigurado ka ba or nagconclude ka lang? Minsan kasi hindi sapat na nakita mo lang mas maganda pa rin na sa kanila mismo nanggaling yung totoo." Sabi niya na nakatingin pa rin sa kawalan.
"Ewan ko. Tama na siguro 'to. Habang tumatagal alam kong lalo lang ako masasaktan." Sabi ko sa kanya. Siguro ay titigilan na namin 'tong kalokohan na 'to.
"Ikaw ang bahala. Basta, sa kahit anong desisyon mo ay dapat masaya ka." Sabi niya at tumayo na.
"Uwi na tayo?" Tanong niya sakin.
Tumango lang ako. Gusto ko na din magpahinga. Masyadong maraming nangyari ngayong araw na 'to.
Inilahad niya ang kamay niya na tinanggap ko naman tsaka ako inilalayan na tumayo.
"Salamat." Maikling sabi ko.
"Wag ka ng iiyak ulit." Biglang sabi niya habang naglalakad kami.
"Huh?"
"Ayokong nakikita kang umiiyak. Kaya last mo na yun ah?" Sabi niya na nakatingin lang ng diretso.
Nakita ko naman ang maliit na pag-ngiti niya.
Ngayon naman ay naninibago ako kay PJ. Hindi siya ganito. Alam kong may pagka-weird siya pero parang iba ang feeling ko sa kanya ngayon.
"Kung sanang ako na lang..." Mahinang bulong niya di ko masyadong maintindihan.
"Ano?" Tanong ko ulit.
"Wala. Sabi ko mag-usap kayo nga Jin mo." Sabi niya sabay nguso sa may tapat ng gate.
Napatingin naman ako at nakita ko doon si Jin na nakatingin lang din naman sakin.
"Favor naman PJ." Sabi ko sa kanya. Malayo pa nama kami sa may gate.
"Ano? Itakas kita kay Jin? Gagawin ko yun pero sa isang kundisyon." Sabi niya.
Ano na naman kaya 'yon? Hindi ba pwedeng 'Thank you' na lang?
Hay! Wala na talagang libre ngayon.
"Sige na sige na! Kahit ano pa yan. Makaiwas lang ako sa kanya." Sabi ko.
Ayan na.
Malapit na kami sa kanya.
Juice ko! Bakit ba ako pinagpapawisan ng ganito? Bonggang kaba ang nararamdaman ko.
"Hoy relax ka lang." Bulong sakin ni PJ.
"Yra..." Tawag sakin ni Jin pero si PJ ang nagsalita.
"Sensya na pare. May tatapusin pa kasi kaming report nitong si Yra. Nagmamadali lang talaga kami. Sige." Sabay akbay sakin ni PJ at dali-daling umalis.
Nang nakalayo na kami ay bumuntong hininga ako ng pagkalalim.
"Ayos ba?" Tanong niya.
"Pwede na." Sabi ko. Halata kasing scripted eh. Gago din minsan itong si PJ.
"So... Payag kana makipag date sakin?" Tanong niya na ikinagulat ko.
"What?!" Gulat na gulat na tanong ko.
Uso ba date ngayon? Pati ba naman si PJ?
O-M-G!!!
---
Ang lame! Sorry guys. Sabaw talaga ako ngayon. Sensya na po.
Sana mag vote kayo. Please! Thank you!PS: Edit ko na lang siya next time.
VOTE AND COMMENT PLEASE!

BINABASA MO ANG
Akin Ka Lang
Novela JuvenilAng gusto ko lang naman ay ang tulungan siya. Tulungan na magkabalikan sila. Pero bakit sadyang mapaglaro ang tadhana... Pinigilan kong magkagusto sa kanya pero sadyang makulit ang puso ko at nagkagusto ako sa boyfriend ng kaibigan ko. --Yra She was...