NINE

250 5 0
                                    

Chapter 9

YRA'S POV

"J-jin..." Gulat na sabi ko.

"Gabi na ah. Bat nandito ka pa?" Tanong ko sa kanya.

Kanina pa ba siya dito?

OMG! Nakita niya kaya yung...
Teka nga! Eh ano naman kung nakita niya. Boyfriend ko ba siya? I mean totoong kami ba? Hindi naman diba?

Makapagreact naman ako parang kami tapos nahuli niya akong iba. Nako! Utak mo Yra ah!

"Ikaw. Bakit ngayon ka lang? Gabi na." Cold na tanong niya sakin.

Ang dilim ng aura niya. Badtrip ata.

"Uwi ba ng babae yan?" Masungit na sabi niya.

Problema ba nito?!

"Teka nga, ano bang problema mo.ha?! Bakit ang sungit sungit mo?!" Inis na sabi ko.

"Kung makikipaglandian siguraduhin mong walang masyadong nakakakita sainyo ha?!"

What?! At ako pa ang malandi ngayon ah!

"Ano?! Ako?! Nakikipaglandian?!" Inis na sabi ko.

"Oo! Alam mo bang panay ang text at tawag ko sayo pero di ka sumasagot. Pinuntahan din kita sa room niyo at hindi ka din pumasok. Halos sumabog ang utak ko kakaisip kung nasan ka tapos makikita lang kitang nakikipaglandian sa David na yun! Shit lang!" Sigaw niya sakin. Napahawak siya sa noo niya na para bang sakit talaga ako sa ulo.

Hindi ko alam ang irereact ko. Grabe! Ganun ko ba siya pinagalala?

Pero teka... Nagseselos ba 'to?
Pfft. Hahaha!

"Nagseselos ka ba?" Tanong ko tsaka ngumiti ng nakakaloko.

Gulat na napatitig ito sakin.

"What the fuck, Yra?! Baliw ka ba? Hindi no!" Pagtanggi niya.

"Nag-aalala lang ako sayo kanina. Yun lang yun baka kase mapurnada yung mga plano natin. Wag mong bigyan ng ibang meaning dahil kahit kailan hinding hindi kita papatulan." Cold na sabi niya.

"...hinding hindi kita papatulan."

Nakaramdam ako ng kirot sa bandang dibdib ko. Hindi ko alam pero parang naninikip ang dibdib ko sa huling sinabi niya.

Nakaramdam ako ng lungkot sa hindi malaman na dahilan.

"A-ah ganun ba? Wag kang mag-alala. Sinamahan ko lang si David. Tuloy pa rin naman ang plano. Salamat sa pag-aalala. Sige, pasok na ako. Goodnight." Sabay ngiti ko.

Pinilit kong ngumiti kahit na ayaw ko.

"T-teka lang Yra!" Tawag niya pero di ko siya pinansin. Binilisan ko ang paglakad ko.

Pumasok na ako sa kwarto ko. Nagshower, nagbihis at humiga na.

Masyadong nakakapagod ang mga nangyari ngayong araw.

"...hinding hindi kita papatulan."

"Tss! Akala naman niya papatulan ko siya. Ang yabang talaga!"

Para akong tanga na kausapa ang sarili ko. Naalala ko na naman kasi ang sinabi sakin ni Jin.

Akala ba niya type ko siya?! Kapal talaga! Eh ano naman kung ayaw niya sakin? Ayaw ko din sa kanya no! Duh! Nakakainis!

Talaga lang Yra?

Sabi ng konsensya ko.

Argh! Wala nga sabi eh! WALA!!!

Akin Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon