Chapter 12
YRA'S POV
Papunta na kami ng school ni Jin. Nakahawak ang isa niyang kamay sa kamay ko habang ang isa naman ay nasa manibela.
Panay pa nga ang halik nito sa kamay ko. Napaksweet naman talaga. Kilig na kilig ako eh! Hahaha!
Hindi ko mapigilan ang pag-ngiti bawat segundo. Sana wag ng matapos ang araw na 'to.
"Hindi pa ba nangangawit yang panga mo kakangiti?" Tanong niya sakin.
Umiling naman ako.
"Hindi. Masaya ako ngayon eh. Bakit ba?"
"At bakit ka naman masaya?"
"Kase kasama kita ngayon. Sana di na matapos 'tong araw na 'to."
"Ako din masaya. Masayang-masaya! Basta magtiwala ka lang sakin. Hintayin mo ako. Pangako ko sayo pagkatapos ng lahat mas magiging masaya tayo." Sabay halik ulit sa kamay ko.
Tama nga siguro siya. Kailangan ko lang magtiwala sa kanya. Maghihintay ako pero sana pakibilisan naman niya ng konti.
Nakarating na kami ng school at sabay kaming bumaba ng kotse. Sabay din kaming naglakad papuntang room ko at hawak niya ako kamay ko.
"JIN!" Tawag ni Leah sabay yakap nito sa kanya.
Napabitaw naman siya sa pagkahawak ng kamay ko at ako naman ay hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. Para akong sinampal ng sampung tao at ginising sa katotohanan.
"Tinatawagan kita kagabi pero nakapatay phone mo. May nangyari ba?" Nag-aalalang tanong ni Leah.
Nakatingin pa rin ako sa kanila habang si Jin ay papalit-palit ng tingin samin.
"Oh.. Hi Yra!" Nakangiting bati sakin ni Leah.
"Hello." Tipid na sabi ko at nginitian siya.
"Maraming salamat nga pala sa tulong na ginawa mo para samin ni Jin ah? Nasabi na niya lahat sakin ang tungkol sa inyo. Alam kong wala naman talaga kayong relasyon kaya thank you sa lahat ah." Pagpapasalamat ni Leah.
"Wala yun." Tipid ulit na sabi ko.
Sa mga oras na to parang gusto kong umuwi ng bahay at umiyak na lang sa kwarto. Kahit na sabihin sakin ni Jin na magtiwala ako sa kanya ay hindi ko pa rin maiwasan na masaktan sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang iba.
"Y-Yra..." Tawag ni Jin sa pangalan ko.
"Sige Yra mauna na kami ah? Tara na baby." Sabay higit ni Leah kay Jin.
Nakatingin lang ako sa kanila habang papalayo sila.
Parang dinudurog ako puso ko sa nakikita ko pero kailangan kong magpakatatag. Alam kong magiging maayos din ang lahat may tiwala ako kay Jin.
Tumingala ako para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Hindi ako pwedeng umiyak ng dahil lang sa nakita ko kanina.
"Ipapabugbog ko na ba?" Sabi ng nasa kaliwa ko.
Si PJ.
"O ako na ang bubugbog sa kanya?" Sabi naman ng nasa kana ko.
Si David.
"Pwede din kaming dalawa." Nakangising sabi ni PJ.
"Mga siraulo!" Sabay batok sa kanila.
"Aray!" Daing nilang dalawa habang hinahawakan ang ulo nila.
BINABASA MO ANG
Akin Ka Lang
Подростковая литератураAng gusto ko lang naman ay ang tulungan siya. Tulungan na magkabalikan sila. Pero bakit sadyang mapaglaro ang tadhana... Pinigilan kong magkagusto sa kanya pero sadyang makulit ang puso ko at nagkagusto ako sa boyfriend ng kaibigan ko. --Yra She was...