SIX

282 5 0
                                    

Chapter 6

Yra's POV

Kulang na kulang ang tulog ko, actually parang hindi nga ako natulog. 30 minutes lang naman kasi ako natulog. Hindi na tulog yun, idlip lang. Shet!

EYEBAGS OVERLOAD! @_@

Habang naglalakad ako may bigla naman umakbay sakin.

"Good morning!" Masiglang sabi ni Jin.

"Morning." Walang ganang bati ko.

"Puyat ka ba?" Tanong niya. Ay hindi! Kasalanan niyo kung bakit hindi ako makatulog ng maayos!

Bwisit! Bakit kasi ako pa diba? Naalala ko na naman yung yakapan moments namin. Letse! Feeling ko nag-iinit na naman yung mukha ko.

NAKAKAHIYA!!!

"Hindi! Hindi nga halata yung eyebags ko eh." Sabay turo sa eyebags kong napakalaki. Dati second floor lang ngayon may Roof Deck na ata.

"Pasensya na ah." Sabi nito.

"Saan naman?" Tanong ko. Pasensya kasi sinali niyo ako sa gulo niyo? Ganun ba yun?

"Sa lahat. Alam kong nadadamay ka sa love story namin. Hahaha." Medyo natatawa niyang sabi.

"Ikaw lang talaga kasi ang maasahan ko eh. Alam mo na, ikaw lang mapagkakatiwalaan ko sa ngayon." Dugtong pa niya.

Napabuntong-hininga na lang ako. Kung sabagay may kasalanan din naman kasi ako. Kung hindi ko kinuha number ni David at ibinigay sa kanila eh hindi naman sila maghihiwalay.

"Kakausapin ko mamaya si Leah." Sabi ko sa kanya.

"Talaga?! Thank you so much Yra!" Masiglang sabi niya at niyakap yakap ako.

Aba! Chumansing pa ang loko!

K. Ako ng feeler. Hahahaha!

*BEEP! BEEP!* 

Tunog ng busina sa may likuran namin. Napabitaw naman sa pagkakayakap si Jin at tinignan ang itim na kotse sa may likuran namin.

Tumabi kami, para makadaan ito pero humito sila sa may tapat namin.

Nakita ko ang pagbukas nito ng window at dumungaw si David sa may bintana.

O edi siya ng mayaman. Tss!

"Yra, sumabay na kayo samin." Sabi ni David.

Napasilip naman ako sa loob ng sasakyan at nakita ko doon si Leah.

Nakatingin lang ito samin.

Napatingin ako kay David na nakangisi lang at tsaka ko binaling ang tingin ko kay Jin na inis na nakatingin kina David at Leah.

Talagang iniinis ako ng David na 'to!

"Hindi na, salamat na lang." Pagtanggi ko.

"Oo nga Yra, sumabay na kayo samin." Sabat naman ni Leah.

Hinawakan ko ang kamay ni Jin para gumaan ang loob niya. Nagkatinginan kami ni Jin at nginitian ito.

"Hindi na. May dadaanan pa kasi kami Jin, diba Jin?" Pangkukumbinsi ko.

"Yup! Napag-usapan kasi namin na sabay kaming mag-aalmusal this morning." Nakangiting sabi ni Jin. Sabay akbay sakin.

Ang plastik mo Jin ah. Nakangiti talaga? At talagang may kasamang akbay pa? Megenern?

At anong sabay mag-aalmusal? Okay sana kung libre mo. Hahaha.

"Ah ganun ba?" Dismayadong sabi ni Leah.

Akin Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon