POSTED: JULY 2022REPOSTED: JUNE 2024
Personal work of Red Auza, exclusively free to read on Wattpad. No one can distribute this story in any group for a fee. If you paid to read this, thieves are profiting from my story. Let's not support such practices. It's unfair to authors who stay up late creating for free, only to have their stories exploited by others. I repeat, this is FREE TO READ.
Please limit your expectations.
Expect errors, such as grammar mistakes and typos. I appreciate your understanding.This story contains language that is not suitable for young readers.
It includes profanity, sexual content, explicit language, substances, alcohol, and other mature themes.Content Warnings:
Sexual Content: Graphic depictions of sexual situations may be present.Violence: Scenes of violence or physical abuse may be included.Substance Use: References to drug and alcohol use may be depicted.Mental Health Issues: Themes related to mental health struggles may be addressed.Triggering Content: Reader discretion is advised, as some themes may be sensitive or triggering to some readers.
This story is purely fictional.
Any names, places, events, or similarities to actual people or situations are purely coincidental and not intended by the author.By reading this story, you acknowledge that you are doing so at your own discretion and that the author is not responsible for any emotional or psychological reactions that may occur.
ENJOY READING!
-RED AUZA
AUTHOR
---
"Where's Dylan, Dane?" Diana Dane's younger brother Dustine Dave asked her with annoyance.
"I don't know," nakakunot ang noo niyang sagot sa kapatid.
"Ang tagal naman lumabas noon," segunda ng kapatid.
Inis na inis na si Dane kasama ang kapatid na si Dave habang hinihintay ang isa pa nilang kapatid na si Dylan. Kanina pa ang uwian pero hindi pa rin ito lumalabas ng gate. Ngayon ang unang araw ng pagtungtong ni Dylan sa high school habang si Dustine Dave ay second year at siya naman ay third year.
"Dapat kanina pa 'yon, Dane." Gusto ng bumaba ng kanyang kapatid.
"Humanda talaga sa akin ang isang iyon."
Nagpalakad-lakad si Dane sa tapat ng kotse nila. Paniguradong magagalit na ang mommy nila dahil late na sila. Kahit ang driver ay napapatingin na rin sa kanila. Kung bakit ba kasi hindi sila kagaya ng iba na may selpon samantalang mayaman naman ang parent's nila. Lalo na siya na dalaga na. She promised to earn money so she can buy one.
"Ma'am, tumawag na po ang mommy niyo kung nasaan na raw po tayo?"
"Puntahan mo na nga, Dane."
"Tss!"
Wala siyang choice kundi ang puntahan ang kapatid para alamin kung nasaan na ito. Paakyat na siya sa building na kinabibilangan ng klasrum nito nang bigla itong sumulpot sa harap niya at may kasama itong dalawang lalaki na sa tingin niya ay kaklase nito.
"Dane, saan ka pupunta?" tanong ng kapatid niyang kanina niya pa hinihintay.
"What took you so long and where have you been?"
"Inutusan kami ng titser na magbuhat ng books."
"Ano?" tanong niya.
"Kung ayaw mo maniwala, eh, 'di, huwag." Napatingin siya sa dalawa nitong kasama. "Mga kaklase ko sila at new friends ko. Kaming tatlo ang pinagbuhat ni titser."
"Hi," sabay na bati ng dalawa sa kanya.
"Si Diana Dane nga pala, kapatid ko. Dane, sina Cluster at Wallace." Napatingin siya sa dalawang tinutukoy niyo. Sa tingin niya si Cluster ay kaedad ni Dylan habang ang pinakilala nitong Wallace ay mukhang kaedad niya.
"Hi, nice meeting you."
Inabot ni Cluster ang kamay kaya kinuha niya ito. Ganoon din ang ginawa ni Wallace sa kanya. Pero agad niyang hinablot ang kamay niya nang may maramdaman siyang kuryente nang ito na ang humawak sa kamay niya. Napansin naman niya na napahawak si Wallace sa sariling kamay at napatitig sa kanya.
Napatingin din siya dito. Nagkakatitigan sila at pakiramdam niya tumigil ang paligid niya at wala siyang ibang nakikita kundi ang magandang mata ni Wallace nakatitig sa kanya. Habang tinititigan niya ito ay napansin niyang may kung anong pakiramdam siya na hindi niya maipaliwanag. Parang gustong magwala ng mga lamanloob niya. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Parang may gumagapang sa likod niya hindi niya maintindihan.
"Dane," nagulantang siya nang tawagin siya ng kapatid.
"Huh?"
"Sabi ko, tara na."
Tumango siya at hinawakan sa kamay ang kapatid. Sabay-sabay silang naglakad hanggang sa makarating sa gate.
"Una na ako, Dylan, Wallace! Bye!"
Mabilis na tumakbo si Cluster at iniwan sila.
"Ikaw, Wallace?" tanong ni Dylan sa bagong kaibigan.
"I have my motorcycle," sagot nito.
"Ah, sige, ingat ka."
Tumango lang ito sa kapatid niya pero sa kanya nakatingin.
Kahit nakaalis na ito hindi niya pa rin maipaliwanag ang nararamdaman. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. At kahit nasa loob na sila ng sasakyan ay hindi niya maiwasang itanong sa sarili... 'May gusto ba ako sa kaibigan ng kapatid ko?'
A/N:
Dy Sibling's is a sequel to the Brother's Code Series.
Book 1 His Deceptress Wife
Book 2 His Psycho Lover
Book 3 His Kindhearted Wife
Book 4 His Possessive Bedslave
Sana mabasa niyo rin sila. All free and completed.

BINABASA MO ANG
Dy Siblings 1: Diana's Irresistible Desire
General FictionWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 1 Dahil sa pagmamahal ni Diana kay Wallace, ibinigay niya ang sarili sa lalaki. Higit pa roon, inalok niya ito ng isang kasunduan-ang maging partner in bed. Malinaw ang usapan, kama lang ang kanilang pagsasaluhan. Ng...