THREE

2K 67 3
                                    

"Dylan, what are you doing here?" tanong ko nang makababa.

"Anong ginagawa mo dito, Wallace, at bakit kayo magkasama ng kapatid ko?"

Imbes na ako ang sagutin niya ay si Wallace ang tinanong niya na nasa likod ko na pala.

"He help—"

"Would you please shut up, Dane. Are you Wallace?"

Oh, fuck!

"Nadaanan ko si Diana na nasiraan ng kotse sa dinaanan natin, Dy."

"Sa unknown road?"

"Yes, Dy. I checked her car but the engine wouldn't start kaya nag-offer na akong isakay siya. Pinakuha ko na rin sa garage ang sasakyan niya." Nakatitig si Dylan kay Wallace at sa akin. Parang sinusuri kung nagsasabi ba kami ng totoo.

"Bakit doon ka dumaan, Dane?"

"'Di ba tinuro mo sa akin ‎'yon one time. Sabi mo mas madali roon? Gusto ko mapabilis kaya doon na ako dumaan."

Then, he looked at Wallace. "Nag-usap tayo kanina. Bakit hindi mo sinabi sa akin na magkasama kayo ng kapatid ko?" he asked.

"Not a big deal, Dy. We didn't do anything."

"Bakit hindi ka tumawag sa akin, Dane?" Nabaling sa akin ang tingin niya.

"Lowbatt ako. Check my phone if you want." He motions his hands as a sign of 'give it to me.' "Seriously, Dylan?"

"Lemme check. Kung wala kang tinatago."

"Fuck!" I hissed. I took the phone in my bag and handed it to Dylan. He pressed the power button habang nakatingin sa akin saka binalik sa cellphone ang tingin.

"I'm sorry," bulong ko kay Wallace na nasa gilid ko.

"Don't worry. I know your brother so don't bother. Mananahimik din 'yan kapag nakuha ang tamang sagot."

"Ano?" tanong ko kay Dylan nang ibalik niya sa akin ang cellphone ko.

"May kailangan ako sa'yo, Dane, kaya ako nandito. And you, Wallace, magkita na lang tayo sa bahay." Saka siya may hinagis, and I assume it's a key. "Ow, ano? Alis na! Masyado ka ng expose sa kapatid ko."

"Dylan..."

"Shhh!" pagpapatigil niya sa akin. "Alis na, Wallace."

"Thanks for the help, Wallace."

"Don't mention it, Diana. Una na ako."

"Alis na," pagtataboy ni Dylan. "Paalam-paalam pa, eh."

Nang makaalis si Wallace ay may kinuha si Dylan sa loob ng sasakyan niya na parang malaking frame. "Pasok na, Dane. Parang may hinihintay ka pang bumalik, ah!"

"Pinagsasabi mo? You're so mean to Wallace," sita ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa bahay ko. "Tinulungan lang ako nang tao akala mo may ginawa na kaming masama."

"Wag mo akong ma mean-mean, Dane. Mas mabuti nang maging mean kaysa sa kung saan pa mapunta pagkakalapit niyo. Alam ko likaw ng bituka niyo pareho kaya huwag mo akong artehan. Tuwang-tuwa ka na niyan dahil nagkasama kayo ng matagal?"

"Pinagsasabi mo? Bakit naman ako matutuwa? Saka kung maka-matagal ka, eh, wala pa ngang trenta minutos kaming nagkasama, matagal na agad."

"Matagal na ang isang minuto, Dane. Sa tono ng pananalita mo parang lugi ka pa sa oras, ah."

"Ewan ko sa'yo."

Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ay nilapag niya ang frame na dala niya. Chinarge ko muna ang cellphone at ilang saglit lang ay in-open ko rin. Sunod-sunod na pumasok ang mensahe pero hindi ko muna pinansin.

Dy Siblings 1: Diana's Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon