"I heard that your car is in the garage. Want me to drop you home?" Blaze asked me habang nag-aayos ako ng gamit.
It's 5PM at pauwi na kami. Kanina lang ay nag-celebrate kami ng birthday ko dito sa office, and we even ate lunch outside. Hindi naman uso sa akin ang big celebration tuwing kaarawan ko.
"Don't bother. Nasaan nga pala si Zeus?"
"Umuwi nang maaga. Check-up ni Yara kaya sa gusto niya nandoon siya para malaman kung anong lagay ng kambal niya. Lalo na at na at seven months na ang tiyan ni Yara baka mamaya ay mapaanak siya nang wala oras."
"Ah!"
"Are you sure na hindi ka na magpapahatid?"
"Yeah. Umuwi ka na rin at siguradong hinihintay ka na ni Maggie."
"We can still celebrate your birthday at BCC."
"Blaze, don't worry about me. I am ok. Umuwi ka na sa pamilya mo. We already celebrated earlier."
"Fine, gotta go. Ingat ka pauwi."
"You, too."
When Blaze left ay umupo lang muna ako sa gilid at sinandal ang likod sa reclining chair. I want to pamper myself kahit paano, and the best way to do it is to sit and think something positive.
Honestly, gusto ko na rin lumagay sa tahimik kagaya ng mga kaibigan ko. Naiingit na rin ako sa apat na mukhang masaya na. Though, si Zeus ay medyo in-denial pa rin, but I know na kapag nasilang na ang kambal ay masasabi na rin niya kay Yara ang totoong feelings niya. Gusto ko rin na umuwi ng bahay na may naghihintay sa akin o may hihintayin ako.
Somehow, a part of me regretted kung bakit hindi ko na lang tinuloy ang usapan namin ni Zeus nang maghiwalay sila ni Yara. Nang malasing siya sa opisina at hinalikan niya ako ay sana pumayag na lang. But I know, na kung tinanggap ko iyon ay hindi rin ako magiging masaya dahil bukod sa hindi talaga ako mahal ni Zeus...hindi ko rin siya kayang mahalin.
Pero minsan naisip ko rin na sana sinubukan na lang namin. Baka nag-workout pa. Magkaibigan naman kami kaya kung maayos na samahan lang ay maayos naman ang samahan namin. Love as a lovers na lang sana ang ide-develop namin. Unlike now, mag-isa na lang akong walang partner. Literal na mag-isa pa, dahil walang kasama. At alam kong iba na ang status namin...ko...sa buhay nila ngayong may mga pamilya na sila.
"Argh!"
Para akong bata na nagpapadyak habang sinasabunutan ang sariling buhok dahil sa mga kagagahang naiisip ko. Good thing the four fools wasn't here. Sabagay, kung nandito sila ay hindi ko rin ipapakita na para akong tanga ngayon.
My phone rang and I saw an unfamiliar number. Ayoko sanang sagutin pero something inside of me said that I should have answered the call.
"Yes?"
"Diana?"
My heart throbbed when I heard the familiar voice on the other line.
"W-Wallace?"
"Yeah, it's me."
Kung kanina parang may daga sa puso ko nang marinig ko ang boses niya. Ngayon ay para ng may kabayo nang makompirma kong siya nga.
"Napatawag ka? Paano mo nalaman ang numero ko?"
"The garage called me to inform that your car is ready. Gusto ko sana ipaalam kay Dylan kaso nasa training pa siya kasama si Cluster kaya hindi pwedeng istorbohin. And about your number...I took it from Margot."
Hindi kasi pinabibigay ni Dylan ang numero ko sa kanila. Kapag may kailangan sila sa akin ay kay Dylan sila magsasabi at siya na ang nagsasabi sa akin.
"I see. So, my car is ready?"
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 1: Diana's Irresistible Desire
General FictionWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 1 Dahil sa pagmamahal ni Diana kay Wallace, binigay niya ang sarili sa kanya. Higit pa roon, inalok niya si Wallace ng isang kasunduan-partner in bed. Malinaw ang usapan, kama lang ang kanilang pagsasaluhan. Ngunit s...