THIRTY-ONE

2.1K 59 9
                                    

Wala kaming naging kibuan ni Wallace habang nasa byahe pauwi. After namin mag-usap kanina ay nagdesisyon na kaming umuwi. At simula rin kanina ay wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya at hindi na rin ako nagsasalita. Nanatili lang akong nakatingin sa labas ng bintana.

Ayoko siyang kausapin dahil alam kong wala ng mangyayari. Mukhang nakapag-isip na siya at hindi na iyon mababago. I sighed, thinking that this would be our end. I don't want to stop this, and I am still hoping that we can have another chance. Kahit balik sa pagiging bedwarmer niya lang at wala pa rin label ay ayos lang sa akin basta nasa tabi ko siya. Pero mukhang wala na talaga.

"Saan kita ihahatid?" mayamaya ay tanong niya. "Kay Dylan o sa bahay mo kasama si Cooper?"

"Kahit saan, kung alin ang mas malapit sa'yo," sagot ko.

Wala na akong narinig ulit mula sa kanya, hanggang sa nakarating kami sa bahay ni Dylan.

"Malayo na sa way ko ang bahay mo kaya dito na lang."

"Ok."

Bababa na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko kaya napatigil ako, pero hindi ako tumingin sa kanya. My eyes started to blur pero pinigilan kong huwag bumagsak ang luha ko.

"Diana." Hindi ako lumingon sa kanya. Nanatili lang akong nakatingin sa labas dahil ayoko siyang makita baka magbago pa ang isip ko. "I will miss you. Please look at me. Please talk to me for the last time."

"Mahal kita, Wallace, totoong mahal kita," I said without looking at him. "Hindi ko hiniling sa'yo na ibalik mo sa akin ang pagmamahal ko. Just stay the way we used to, and let us go with the flow pero ikaw mismo ang gustong matapos ito."

"Mahal din kita, Diana, pero nanatakot ako. Natatakot akong baka magaya ako sa mommy ko na nagpatalo sa pride ko o baka magaya ako sa daddy ko na kinain ng lungkot dahil naiwanan."

"Sinasabi mo ba na baka magpadala ako sa pride ko at iwanan ka?" tanong ko at hinarap siya na may pag-uusig. "Iniisip mo na kaya kitang ipagpapalit dahil lang sa ego ko? I am not like that Wallace. Pinaglaban nga kita sa daddy ko at sa lahat kahit alam kong walang patutunguhan ang lahat, ngayon pa kaya na inamin mong mahal mo rin ako."

"Pero paano kung ako ang gagawa noon? Paano kung isang araw iyon ang maging dahilan kaya tayo masisira? Paano kung ako kainin ng pride at iwanan ka? Mas gugustuhin ko pa na lumayo na lang sa ganitong paraan. Nakita ko paano nasaktan ang daddy ko, Diana, at ayokong isa sa atin ang makaranas noon. Ayokong maranasan 'yon at mas lalong ayokong ikaw ang makaranas noon. Tanggapin mo man o hindi ay sobrang layo na natin sa isa't isa."

"Sa tingin mo ba ang ginagawa mo ngayon ay hindi kabilang sa pride na sinasabi mo? Sa tingin mo hindi ako nasasaktan ngayon, Wallace? Nasasaktan ako kasi mahal kita pero paulit-ulit mo akong pinagtutulukan habang ako...pilit na kumakapit sa'yo."

"Diana, hindi mo ako maiintindihan dahil hindi mo napagdaanan ang pinagdaanan ko. Wala ka sa posisyon ko kaya kahit ipaliwanag ko sa'yo ang side ko ay hindi mo makukuha ang punto ko."

"Wallace, kaya kitang intindihin at nadamayan kung hahayaan mo ako. Hindi mo ako magiging kaaway. Magiging kakampi mo ako at magiging sandalan. Ako ang bababa sa inaapakan mo para magpantay tayo kung hindi mo kayang umakyat sa tinutungtungan ko."

"Pero kaaway ko na ngayon pa lang ang sarili ko. Hindi ko kayang tulungan ang sarili ko, Diana. Sana nga naging ibang tao na lang ang kaaway ko para pwede kong itumba at nang makaganti ako. Ang kaso hindi. Dahil sarili ko mismo ang sumisira sa akin. Paano ko aawayin ang sarili ko? Hindi lang pride at ego ang kaaway ko, Diana. Kundi takot. Takot akong masaktan. Takot din akong masaktan kita ng sobra pagdating ng araw, kaya hangga't makakaya pa ay tigilan na natin ito bago ka pa malunod ng husto sa pagmamahal mo sa akin."

"Ako o ikaw? Kasi ako, Wallace, I can help you. Just let me in to your life. Bigyan mo ako ng karapatan at aalalayan kita. Hinding-hindi ako masasaktan hangga't kasama kita."

"I saw how my dad suffered, Diana. I saw him fall. I don't want it to happen to me or you."

"Wallace, hindi mangyayari iyon. Please trust me."

"I trust you, but I don't trust myself. Sa lahat ng laban, laban sa sarili ang pinakamahirap ipanalo, Diana. Lalo na kung negatibong side mo ang nagsusumiksik sa isip mo."

"So, this is finally a goodbye? Hanggang dito na lang talaga?"

"Ayokong maging selfish para itali ka sa akin. Kaya kitang pasayahin pero ayaw din kitang masaktan. At hanggang hindi pa tayo dumating sa puntong iyon. Mas mabuti nang tapusin na natin ito para sa ikabubuti mo."

Pinunanasan ko ang luha ko na sunod-sunod nang bumagsak.

"Wallace, please tell me to wait, because I am willing to wait for you to be ready."

He pulled me closer to him and hugged me.

Kung hihilingin niyang manatili ako at hintayin siya ay willing akong maghintay. Magpapakatanga ako para kay Wallace, sabihin niya na lang na hintayin ko siya, dahil alam kong hindi ko na rin naman kayang magmahal ng iba.

"Please be happy, Diana."

Pero mukhang desidido na siyang ipagtabuyan ako. Hindi ko na siya pipigilan dahil tama siya na hindi ko siya maintindihan. I am not in his shoes kaya kahit anong gawin ko ay hindi ko siya maintindihan. Kasi para sa akin kahit anong laban pa 'yan maipapanalo mo kung magtitiwala ka sa sarili mo.

You don't need to suffer because you can make yourself happy. For me, I do believe that you don't need to fight yourself. Just go with the flow and let fate lead you. Pero siguro nga hindi lahat kagaya ko mag-isip. Because there are those people who like Wallace; nagpapakain sa takot at negatibo. Imbes na tumingin sa positibo ay natuon ang atensyon sa negatibo.

There is always a good side to every bad side. The opposite of negativity is positivity.

Pero sa kagaya ni Wallace na mas lamang ang negatibo sa isip niya ay mahirap na iyong itama. Dahil may sarili na siyang pinaniniwalaan.

Siguro hanggang dito na lang talaga kami ni Wallace. At least naging masaya ako sa piling niya. Naranasan kong maging espesyal dahil sa kanya.

"I will miss you, Wallace." I hugged him tightly and so he did.

"I will miss you more, Diana."

I know that this will be the end for the two of us.

Dy Siblings 1: Diana's Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon