TWENTY-FOUR

1.8K 50 5
                                    

"I'm sorry about what happened earlier, Dane."

Napatingin ako kay Cooper na nakatayo sa gilid ng pintuan. Inaayos ko kasi ang kama ko at pinalitan ng bedsheet. Katatapos lang din namin ayusin ang kama sa magiging kwarto niya. Nakatukod ang kamay niya sa pintuan. Muling kong binalik ang atensyon sa ginagawa ko.

"Sorry for what?"

"That I kissed you and..."

Hindi niya tinuloy ang sasabihin niya kaya napatingin ulit ako sa kanya na nakatitig lang sa akin. I smiled at him and sat on my bed para ayusin naman ang punda ng mga unan.

"I kissed you back, which means, I give you my approval."

Nadala rin ako sa nangyari kanina lalo na nang lumalim ang halik niya. Mabuti na lang at dumating si Dylan kung hindi...ewan na lang talaga. Baka mapunta sa paglalaro ng apoy ang lahat. Fuck! Aminado akong nag-init din talaga ako kanina knowing na ang tagal ko na rin tigang.

Juskong utak ito, naging mahalay na. Dati rati naman noong ginagawa namin 'yon wala akong pakialam at wala akong nararamdaman. Pero kanina...yucks! Ganoon pala kapag nasimulan mo nang matikman, ang bilis mo nang madarang sa tukso. Siguro kasi kabisado mo na ang init ng kiliti dahil may experience ka na.

"Can I come in?" paalam niya nang hindi pa rin umaalis sa harap ng pintuan.

"Sure." Pagpasok niya ay umupo siya sa kama katabi ko. Katatapos ko lang din ayusin ang ginagawa ko. "Something wrong, Cooper?" tanong ko dahil nakatingin lang siya sa akin.

Cooper is a freelance model, at kinuha siya ni Maggie na maging endorser. She took Avel too, but because she needs one, I recommend Cooper. Magkakilala na sila at nagkapirmahan ng kontrata trough hellosign. Dito lang siya nag-stay sa akin dahil ilang linggo lang naman siya mananatili rito sa Pilipinas.

"Cooper, tell me what's wrong." I asked again dahil mukhang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

He clasped my face and smiled at me. The way he stared at me was full of love.

"Dane, way back then, bakit hindi ka pumayag na...na may mangyari sa atin?" The way he asked me ay puno ng lungkot at sakit.

Sa dami ng pwedeng niyang itanong iyon pa talaga?

"I wasn't ready at that time. Alam mo naman kung gaano kataas ang respeto ko sa pamilya ko at ayaw kong ma-disappoint sila sa akin kung mabuntis ako nang hindi nakapagtapos."

I heard him sigh at ngumiti ng pilit sa akin saka tinanggal ang kamay niya.

"Kung alam ko lang na hihiwalayan mo ako, sana hindi ko na lang sinabi sa'yo ang totoo tungkol sa pagkatao ko. I felt useless when you left me, Dane. I felt alone and unloved. I felt empty."

"Cooper, ginawa ko 'yon para sa'yo. Dahil gusto kong ma-explore ka at mas makilala mo pa ang sarili mo."

"I am not happy, Dane." Tumingin siya akin na may lungkot sa mata. "Pumatol ako sa lalaki para pagbigyan ang sarili ko but not bottom but top...if you know what I mean. Pinilit kong makipagrelasyon pero sadly...ikaw ang hinahanap ko. Ikaw ang gusto kong makasama. Ikaw pa rin ang mahal ko. Alam kong nakakadiri na ako sa paningin mo dahil nagawa kong makipag-sex sa kapwa ko lalaki. Pero, Dane, I still love you. Hindi ko alam kung bakit, kahit pantasya kong gumamit ng lalaki, alam ko na ikaw pa rin ang mahal ko. Ikaw lang, Dane."

"Cooper, I don't know what to say. But to tell you honestly, hindi ako nandidiri sa'yo. Kung pwede ko lang turuan ang puso ko at pilitin kong ikaw na lang ulit ay ginawa ko na. Minahal naman talaga kita noon. Ang kaso nang dumating si Wallace at nagkaroon kami ng kasunduan ay naglaho lahat ang para sa'yo at napunta sa kanya lahat."

Dy Siblings 1: Diana's Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon