"Dylan!" Muli akong napasigaw nang sumugod ulit si Dylan kay Wallace. Hindi pa nakakatayo si Wallace ay sinipa niya ulit ito sa tiyan. Kita sa kilos niya ang galit at namumula na ang mukha niya.
"Dylan, stop!" sigaw ko at tumakbo palapit sa kanila saka siya hinawakan sa kamay pero tinulak lang niya ako kaya napaatras ako.
Tinayo niya si Wallace at binalibag. Sa lakas nang pagkakabalibag niya ay tumama ito sa pader. Aktong lalapitan niya ito ng hawakan ko ulit ang kamay niya pero tinulak lang ulit niya ako dahilan para bumagsak ako.
"Dylan ano ba?!"
Hinawakan niya si Wallace sa damit saka sinuntok nang sinuntok sa mukha. Panay lang ang ilag nito sa kanya at hindi gumaganti. Mabilis akong lumapit para awatin siya pero mas malakas ang pagkakatulak niya sa akin ngayon kaya tumama ako sa upuan.
"Argh!"
"Diana!"
Aktong tatayo si Wallace para lapitan ako pero sinikmuraan siya si Dylan. Napahawak siya sa tiyan at napaluhod sa sahig. Wala akong nagawa kundi ang umiyak dahil sa nakikita ko. Hindi ko magawang lumapit ngayon dahil iniinda ko ang sakit.
"Dylan, please, stop," pakiusap ko at nag-umpisa ng umiyak, pero imbes na makinig si Dylan sa akin ay sinipa niya nang sinipa si Wallace hanggang sa bumagsak ito. Nakaharap si Wallace sa akin kaya kita ko kung paano siya nasasaktan sa ginawa ni Dylan.
"Dylan, please."
Kahit nahirapan ako dahil medyo masakit pa rin ang likod ko ay pinilit kong tumayo. Nilapitan ko sila at hinawakan si Dylan sa para awatin. Lumuhod ako para hawakan ang paa niya pero hinawakan niya ako sa magkabilang braso at tinayo.
"Umalis ka diyan," kalmado niyang sabi saka ako binalibag na parang wala lang. Parang isang malambot na bagay na basta na lang hinagis. At sa ikalawang pagkakataon ay tumama ko sa sofa. Dito ko na ininda nang tuluyan ang sakit dahil tumama ang tagiliran ko lalo pa at sa kanto ng sofa ako tumama.
"Diana!"
Mabilis ang naging pagkilos ni Wallace. Hinawakan niya sa paa si Dylan at saka hinatak. Bumagsak si Dylan sa sahig at kahit nahihirapan si Wallace ay tumayo siya at nilapitan ako saka hinaplos. "Are you ok? Saan may masakit sa'yo?" may pag-aalala niyang tanong kahit mukha niya ang duguan. Nakahawak siya sa braso ko at sinusuri akong mabuti.
"Wallace!" sigaw ko ng makita si Dylan sa gagawin niya pero huli na ang pagsigaw ko dahil bumagsak si Wallace sa sahig ng hampasin siya ni Dylan ng baril sa ulo. "Dylan, tumigil ka na!"
Muli niyang pinagsisipa si Wallace sa likod. Tatayo ulit sana ako pero nabalik ako sa pag-upo dahil sa sakit ng tagiliran ko. Napahawak ako at napaimpit dahil kumikirot ito.
"Diana." Kahit nahihirapan ay pinipilit ni Wallace na tawagin ang pangalan ko.
"Binalaan na kita pero hindi ka nakinig," sabi ni Dylan saka inapakan ang ulo ni Wallace padiin sa semento. "Makikita ngayon ni Dane paano ka unti-unting mamatay sa harap niya ng walang kalaban-laban."
Gumapang lahat ng takot sa katawan ko ng marinig ang sinabi ni Dylan. Alam kong hindi siya nagbibiro sa sinabi siya at mas lalong hindi siya nananatakot. Minsan ko nang napatunayan na kayang pumatay ni Dylan, hindi lang isang beses kundi marami na. Lalo na kung naagrabyado ang pamilya namin.
Umagos ang dugo mula sa bibig ni Wallace. Pinilit niyang tumayo pero sa tuwing gumagalaw siya ay mas dinidiin lang ni Dylan ang paa niya sa ulo nito. Para siyang may inaapakan para mabiyak. Kita rin ang gigil sa mukha habang ginagawa ito.
"Dylan, please." Wala akong nagawa. Wala akong magawa. Puro iyak lang ang kaya ko dahil sobrang sakit ng tagiliran ko at kahit pilitin kong tumayo ay bumabagsak ako pabalik. "Ako na lang ang patayin mo!" sigaw ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/315253980-288-k822086.jpg)
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 1: Diana's Irresistible Desire
Narrativa generaleWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 1 Dahil sa pagmamahal ni Diana kay Wallace, ibinigay niya ang sarili sa lalaki. Higit pa roon, inalok niya ito ng isang kasunduan-ang maging partner in bed. Malinaw ang usapan, kama lang ang kanilang pagsasaluhan. Ng...