TWENTY-TWO

1.8K 55 4
                                    

=WALLACE DELA MERCED=

It's been a week since I've seen her, nor heard anything from her. And for the past week, I fucking miss her. I miss her hug, her smile, her lips, everything about her. Fuck! Matutuluyan na yata akong mababaliw kapag nagpatuloy ang ganito. Isang linggo ko pa lang siyang hindi nakasama para na akong masisiraan ng bait.

I was on drugs at that time kaya ko pinatulan si Isabelle. I did not know that she put aphrodisiac in my drink. Si Dylan na lang ang nagsabi sa akin dahil nakita niya sa camera na nakakabit sa gym which is connected to his phone. At hindi pa nakuntento sa isa dahil tatlo ang nilagay. Kaya groggy rin akong nakipag-usap kay Diana dahil at kung anu-ano na lang ang sinasabi ko dahil nasa impluwensya pa ako ng droga. Pinagsisihan ko iyon pero hindi ko na binawi.

Dylan tried to call me to warn dahil nakita niyang parating si Diana. But because I felt hot at the time because of the influence of drugs, I chose to ignore his call. Kaya pala siya bumalik para sabihin na parating si Diana, pero huli na dahil nandoon na si Diana at narinig na niya at nakita niya pa ang lahat.

After that incidents ay bumalik si Isabelle thinking na ok na kami. Pero tinapat ko siya na hindi na mauulit iyon at walang patutunguhan kung ano man ang gusto niyang mangyari. Gusto ko makipag-away sa kanya but she's a woman afterall.

I am an ass pero hindi ako kagaya ni Dylan na bumabalik sa isang babae kapag na-meet ang expectations niya sa kama. Kahit gaano ka pa kasarap at kagaling kung natikman na kita ng isang beses ay hindi na iyon mauulit, unless, yong mga fuckbuddy na matitino. Ganoon din naman si Dylan, pero kapag nakiliti siya ng babae ay pinabalikan niya.

But with Diana...I don't know what happened to me. I broke all my own rules just to have her.

Bawal taluhin ang kapatid ng tropa.

'Wag maging clingy.

'Wag magpakita ng sweetness.

'Wag magpakita ng concern.

Higit sa lahat, bawal magkagusto.

That five fucking rules that I set for myself broke because of Diana. And, now, she's fucking gone.

Napahawak ako sa ulo dahil sa inis. I shouldn't cut our connection like that, but I already did. Kahit alam kong ito rin ang tama pero naiinis pa rin ako sa sarili ko. Iniwasan ko siya nang nakaraan para makapag-isip ng tama. Kung liligawan ko na ba siya o patuloy muna sa usapan namin hanggang sa maging handa ako. Pero nangyari ang pagkahuli niya sa amin ni Isabelle kaya inisip kong baka sign na rin iyon para tigilan na siya.

Ayoko sa lahat ang laging nasasapawan o napapansin lang bilang anino ng isang Dy. It's not that I hated them. Pero simula nang maging kaibigan ko si Dylan ay lagi na lang nakakabit sa Dy ang achievement ko. Na kung tutuusin ay marami na akong napatunayan sa sarili ko kahit noong wala pa siya. Kahit ngayon, sa mga ginagawa ko ay parang kaya ko lang nakukuha ang lahat dahil Dy ang kaibigan ko.

Hindi lang ako makaporma kay Dylan kasi lagi niya rin akong pinaglalaban, at lagi niyang pinaparamdam na mahalaga ang pagkakaibigan namin. Na hindi niya magagawa mag-isa ang kailangan niyang gawin kung wala ako. Kahit gago ang isang 'yon at muntik pa akong mapatay...na alam kong magagawa naman talaga niya dahil sa galit ay hindi siya nagkulang bilang kaibigan.

Nang mag-meeting kami ng daddy nila at nag-proposed ako ay tinanggap iyon ng daddy nila. Pati na rin ng mga ka-business partner niya. Masaya akong malaman na sa kabila ng tungkol sa amin ni Diana ay hindi iyon dinamay ng daddy niya, at inaprobahan niya ang proposal namin. Naging professional pa rin siya at tiningnan ang kakayahang meron kami.

Hindi ko lang nagustuhan ang narinig ko mula sa isang empleyado na kaya lang pumasa sa board ang proposal ko ay dahil kay Dylan. Sisante na ang nagsabi noon, pero hindi maalis sa akin ang hindi maapektuhan. Lalo pa at naririnig ko rin sa gym na ang lakas ng kapit ko. Dahil hindi lang si Dylan ang nasa likod ko kundi nakuha ko pa ang isa sa pinakamataas sa magkakapatid...si Diana. And that was the reason I stopped contacting her. At para makapag-isip pa.

Dy Siblings 1: Diana's Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon