"Ano'ng ginagawa mo dito?" Dylan asked with a frowny forehead nang pumasok ako sa opisina niya. Wallace was here also at ganoon din si Cluster. Great! Hindi nasayang ang pagpunta ko dahil present ang sadya ko.
Tinanggal ko ang sunglasses at binigyan sila ng magandang ngiti. Kahit ang totoo ay nanginginig ako sa kaba dahil sa presenya ni Wallace. Pero dahil siya talaga ang pinunta ko dito ay pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Para mapagtagumpayan ko ang laban na ito.
Duh! Ako si Diana Dane Dy, mas marami pang nakakatakot sa kanya pero nalagpasan ko na. Siya pa kaya?
"Ipapalista ko sana si Cooper dito dahil kailangan na niyang mag gym. Tumataba na kasi kakakain sa akin...I mean...sa mga luto ko dahil masyado akong masarap. Ow, what I mean is ang mga luto ko ang masarap parang ako."
I saw Dylan's poker face while Cluster chuckled. Tumingin ako kay Wallace na nakatitig sa akin at nginitian ko siya.
"Ipalista mo sa baba dahil doon ang area ng customers," sagot ni Dylan at pinatong ang paa sa lamesa, nasa likod niya naman si Cluster nakatayo. Si Wallace ay nandito sa kaliwang bahagi ko nakaupo. Mukhang may pinag-uusapan yata sila bago ako dumating.
"Ayoko siyang isama kung kani-kanino, Dylan. I want him to be comfortable. So, put him here. Besides, ayokong tumambay sa baba kapag pupuntahan ko siya."
Umupo ako sa tapat ni Wallace ng nakade-kwatro.
"Anong pupuntahan? Bakit mo naman siya pupuntahan dito sa gym?" Mas lalong kumunot ang noo ni Dylan.
"To check if he's doing well and to guard him. Ayokong may ibang aaligid sa kanya maliban sa akin. Alam mo naman ako, pag akin ay akin lang dapat. Selosa ako sa pag-aari ko, lalo na pagdating sa lalaki."
"Ghe, mang-inis ka pa," reklamo niya at sumimpleng tingin kay Wallace na nakatitig pa rin sa akin.
'Isabelle pa more sa tumbong.'
"Cluster, pwede bang makahingi ng form?" I asked.
"Yeah, sure." Saka ito kumuha at inabot sa akin na may kasama ng ballpen.
"I will pay for the next six months para wala na siyang iisipin na babayaran. And ow, I want a personal coach for him. Hindi lang sa gym kundi pati na rin magse-send ng daily menu na pwede niyang kainin good for one month. Para alam ko kung ano ang lulutuin ko para sa kanya. You can send it directly to me dahil ako naman ang kinakain...sorry...nagluluto para sa kanya." Sunod-sunod kong demand habang pinipirmahan ang form.
"Lason," bulong ni Wallace pero narinig ko naman.
"Sorry, may sinasabi ka?"
"Wala."
"Ah!"
Kung hindi ba naman ako gaga at mapag-aksaya ng pera, alam ko naman na hindi magtatagal ng anim na buwan si Cooper dito pero naglabas ako ng pera. Pero ok lang dahil mababawi ko rin naman ito kay Dylan. Ganoon talaga pag may laban, kailangan mamuhunan.
"Wala kaming coach na available dito sa VIP maliban kay Wallace. Pero pwede ko rin siyang i-share kung ok lang sa'yo."
Mukhang trip din ni Dylan na sakyan ang trip ko, kaya lab ko 'to, eh. Tumingin ako kay Wallace na masama pa rin ang tingin sa akin.
Honestly, kanina pa ako kinakabahan sa tingin niya simula nang banggitin ko ang pakay ko rito. Pero imbes na kausapin siya ay si Cluster ang kinausap ko. Kailangan niyang maramdaman na hindi siya importante sa usapan, at wala akong pakialam sa kanya.
"Cluster, can I hire you as Cooper's coach? Two hours a day lang naman. I will pay you double."
"Huh?" Tumingin siya kay Dylan bilang paalam. "Dy?"
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 1: Diana's Irresistible Desire
General FictionWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 1 Dahil sa pagmamahal ni Diana kay Wallace, binigay niya ang sarili sa kanya. Higit pa roon, inalok niya si Wallace ng isang kasunduan-partner in bed. Malinaw ang usapan, kama lang ang kanilang pagsasaluhan. Ngunit s...