I'M checking Ace's room and taking a glimpse at her things one by one. Everything went well at mukhang nandito na lahat ng kakailanganin niya. Mom and dad help me buy things for Ace. Halos lahat na nga ng nandito ay sila ang bumili. Mas marami pa yata silang nabili kaysa sa akin.
Nakabili pa nga sila ng crib na kagaya nang nakita ko sa mall. Gusto ko ngang ipatapon dahil kapareho ito sa isang anak ni Wallace. Kaso bigay ni daddy kay hinayaan ko na lang. Hindi ko kasi ito nabigyan ng pansin nitong nakaraang linggo, dahil sobrang naging busy kami sa kasal nina Lauren at Dale. That ass, inunahan pa talaga ako. Mabuti na lang at may Ace na ako kahit walang asawa, kaya kahit paano ay hindi pa rin ako bitter.
Any moment from now ay manganganak na ako. Medyo humihilab na rin recently ang tiyan ko pero hindi pa naman ganoon kasakit. Nagpa-check up ako but Keisha said hindi pa talaga oras. Hintayin ko raw munang sumakit ng todo.
She advised me na wag masyadong excited or wag umire sa konting sakit para hindi mapagod agad. The reason why other moms lose consciousness after giving birth ay dahil pinipilit nilang ilabas ang baby. She said that you don't need to push the baby. Dahil ang bata ay kusang lumalabas kapag oras na niya mismo. Dahil siya mismo ay nagsisikap rin na lumabas. Sasabayan ko lang ng ere ang pagsakit niya. Huwag basta ere lang ng ere.
Kaya pala may mga nanganganak ng hindi umaabot sa ospital, at kahit anong pigil ay lumalabas talaga, kasi mismong baby na ang gumagawa ng paraan paano makalabas. Not unless, sobrang laki at need ng caesarean.
"I can't wait to see you, Ace." Kausap ko sa anak ko habang nakahawak sa tiyan. "Sorry if dad wasn't here with us. Don't worry, you have a lot of titos naman."
Kung bakit kasi hindi ako pinatapos ni Wallace nang gusto ko na mag-confess. Inunahan agad ako na happy siya sa ina ng anak niya.
Happy niya mukha niya. Sure naman akong mas maganda si Ace ko kaysa sa anak niya kay Isabelle dahil mas maganda ako kaysa sa babaeng 'yon.
Kailangan talaga, Ace, maging strong ka para manapak ka ng kapatid paglaki. Huwag ka talaga papaapi, anak dahil ako ang bubugbog sa'yo.
Up until now, I silently prayed na sana hindi anak ni Wallace ang anak ni Isabelle. Sana talaga niloloko niya si Wallace para lang makuha dahil patay na patay siya kay Wallace. Tapos matutuklasan ni Wallace na hindi kanya at magagalit siya saka ko naman sasabihin na anak namin si Ace tapos kami na ulit. Fine, ang imposible pero walang masamang umasa.
"Ouch!" Napahawak ako sa tiyan nang medyo kumirot ito. Napangiti na lang ako dahil mukhang anytime talaga ay lalabas na siya. "Ops." Pero sumakit na talaga siya. At hindi lang basta sumakit kundi masakit na masakit. Parang kinukusot ang tiyan ko.
I walked slowly, going outside while holding my tummy.
"Ma'am, ayos lang kayo?"
"Prepare my things. Sumasakit na ang tiyan ko," kalmado kong utos ko sa kasambahay na mabilis sumunod.
"Ate, are you ok?" may pag-aalalang tanong ni Daze.
"Call an ambulance, Daze."
"Ok."
I sat on the sofa. Sumakit na naman ulit ang tiyan ko. Hindi pa naman pumuputok ang panubigan ko pero sabi ni Keisha ay kapag dumalas ang pagsakit ay pumunta na ako sa ospital dahil any moment ay lalabas na ang baby.
I heard Daze call the hospital. But after she spoke to them, she called someone again. I heard her call Dylan at sa iba pa, at sinabing sumasakit na ang tiyan ko.
"I call them all. I told them that you're going to give birth."
"Ang sabi ko ay hospital ang tawagan mo, pero tinawagan mo na lahat."
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 1: Diana's Irresistible Desire
Ficção GeralWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 1 Dahil sa pagmamahal ni Diana kay Wallace, binigay niya ang sarili sa kanya. Higit pa roon, inalok niya si Wallace ng isang kasunduan-partner in bed. Malinaw ang usapan, kama lang ang kanilang pagsasaluhan. Ngunit s...